Disclaimer: This is a work of fiction.
A/N: I just wanted to say that this story is cliche. May mga pahinang puno ng kajejehan, so please bare with me. I intended not to remove those scenes dahil ito ang pinaka una kong kuting (story) mahal na mahal ko ito. For those old readers asahan ang maraming pagbabago, napakaraming loopholes at errors na aking inayos at aayusin pa. I can say that this is not the perfect story. Kung ayaw mong basahin, e ‘di meow.
***
“He's handsome.”
“He look scary. Geez.”
“The article says he's a successful business man.”
Hindi ko mapigilang mapangiti ng marinig ang maliliit na kulitan ng tatlong anghel ko mula rito sa labas ng bahay.
Their voices and sweet giggles are my medicine from all of the pain caused by my tiring work. Marinig lamang ang mga boses nila ay ayos na ako. They're my angels.
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko. Nasaan ba si Lily at hinahayaan lang ang mga anak ko rito sa sala.
“Knock knock! Is my Alphabet babies here?” Nagkunwari pa akong kumakatok sa pintuan, kahit pa nakabukas naman iyon.
Sabay sabay silang napalingon. “Mom!” humahagikhik na ani ng bunso ko bago yumakap sa akin na sinegundahan ng panganay ko.
As usual ay hindi na nag-abala pang salubungin ako ng pangalawa na halatang inaantok na naman.
“Oh bes! Nandito kana pala? I cooked adobo for dinner, come on let's eat.” Saad nang kararating lamang na si Lily mula sa kusina.
“Yes, Adobo! I will eat adobo again!” Tumatalon-talon na sigaw ni Z habang kumikinang ang mga matang nakatingin sa kawaling nakasalang sa kalan.
“Z, stop it.” saway naman sa kanya ni Y na binelatan lang ng huli.
“Mom, I'm hungry na,” Nakangusong maktol ng bunso ko hindi alintana ang pagsaway ng kuya niya.
“Thank you ninang Lily for always taking care of my babies. You're the best of the best friend!” Asar ko kay Lily na kaagad akong sinimangutan. “Ayaw mo pa? Compliment iyon ‘no.”
Inismiran niya ako. “No problem, just for this little cuties!” Gatong niya at saka tahasang pinisil ang ilong ni Y.
“Ninang, you're annoying! Ouch, my nose!” Reklamo naman nang huli ngunit ikinatawa lamang ni Lily.
Z was just silently eating on my side. Akmang u-upo na ako sa isang upuan, when I noticed that my eldest son, X was busy over his iPad.
“Anak, tama na muna ‘yan. Masamang pinaghihintay ang pagkain.” Tila ay hindi niya ako naririnig dahil patuloy pa rin siya sa pagkalikot sa iPad niya.
I wonder what caught his interest. Si X ang tipo ng bata na madaling manawa sa isang bagay. Wala rin siyang paki-alam sa mga bagay na walang ambag sa buhay niya o hindi naman mahalaga.
“He won't listen Mom, he keeps on looking on that scary guy.” Ani ni Y habang nakatuon pa rin ang mata sa kinakain.
“He's not scary, okay? He’s handsome. I wanna be like him!” Depensa naman ni Z.
Doon na nakuha ang buong atensyon ko, at sino naman itong lalaki na pinagaawayan pa ng mga anak ko.
“The who?” pangunguna ni Lily, na akmang itatanong ko pa lamang.
“Him, Mom,” Itinapat ni X ang screen ng iPad sa mukha ko.
Kaagad na nagulantang ang buong pagkatao ko makita pa lamang ang pares ng mga matang iyon.
“The article says he's Tyler Montero. And I'm confused why does he looked exactly like me.” Seryosong tanong ng anak ko habang may pagtataka sa mukha.
Ilang minuto akong nabato, nabalot ng takot ang buong sistema ko nang mapansin niya ang pagkakahawig nila.
Hinablot ko ito. “No he's not. I don't want you talking about this man again understand?” Taranta kong sigaw dala ng galit at takot.
“But M—”
I cut him off. “Never, again!”
“Calm down, Misha. You're scaring the kids.” Lily whispered to me and that's when I get back to my senses. Kita ko ang gulat at takot sa mukha ng mga anak ko na kailanman ay hindi ko ginustong makita.
Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na agad niya namang nakuha.
I rushed out of the house and immediately gasped for air. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila, wala pa ‘kong lakas ng loob.
Humigpit ang hawak ko sa iPad na naglalaman ng litrato ng lalaking akala ko ay nakalimutan ko na, ang taong matagal ko ng tinatakasan.
Hindi. Hindi ko hahayaang mahanap mo sila, kung kailangan kong magtago sa kahit saang sulok ng mundo huwag mo lang makita ang mga anak ko, gagawin ko.
I'm Misha Ivone Hernandez, and I am Hiding Tyler Montero's Triplets.
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomansaTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL