Chapter 6

9.1K 223 11
                                    

“Bye babies, I'll see you later.”

Nakangiti kong paalam sa tatlo nang ihatid nila ako palabas ng bahay.

“Pasalubong for me? Please?” nagpapa-cute na wika ni Z habang nakayakap sa’kin. Ayaw pang bumitaw.

“Of course baby,” sagot ko at saka pinisil ang ilong niya, bago bumaling kay X. “Take care of the two, okay?” I reminded him since he was the oldest. Sana lang ay ‘wag siya ang magsimula ng gulo, ang ugali pa naman ng isang ‘to.

“Oh, gora na dai.”

Inismiran ko si Lily. “Bantayan mo silang mabuti Lily.” Nakataas ang kilay kong paalala sa kanya.

She salutes as if I was her commander. “Yes, ma'am!” Natatawang hiyaw niya.

Binigyan ko muna sila ng makahulugang tingin bago itinaas ang kamay para kawayan sila.

Tumalikod na ako papunta sa kotse ko. It’s time to work, mapupuno na naman ang araw ko na puro trabaho. Not that I hate it. In fact nakakatulong pa nga iyon to make my system busy at hindi ko na pakaisipin pa ang mga problema ko sa pinas.

Habang ipinagbubuntis ko ‘yong tatlo ay pinagpatuloy ko ang pagaaral ko dito sa states. Home schooling, but despite that nagawa kong makapagtapos ng business administration.

Nagsimula sa mababa hanggang sa nagkaroon na’ko ng sariling kompanya gamit ang sariling pagod ko. Nagawa kong makabangon ng walang tulong ni Daddy. Kahit ang tulong na binigay ni kuya ay hindi ko tinanggap. Tanging alalay lang ni lily.

Gusto kong makatayo sa sariling mga paa ng walang nagdidikta. And now that I succeeded, I'm partially proud.

Pagkarating na pagkarating ko sa building ay binati kaagad ako ng guard. Marami ring staff ang bumabati sa’kin.

Sumakay ako ng elevator at saka pinindot ang 16th floor. Nadatnan ko ang sekretarya kong nakaupo sa table niya.

Yumuko siya. “Good morning Miss Hernandez.” She's a Filipina and I personally assigned her para kahit pa-paano ay may makausap ako ng tagalog.

“Good morning Riza.”

Bati ko sa kanya pabalik bago pumasok sa office ko. As usual marami na naman akong pipirmahan at itatamang mga project na kailangan munang dumaan sa akin, pero ayos lang dahil pagkatapos nito makikita ko na naman ang mga anak ko. Para mabilis matapos, I shall start this tiring work.

“Riza, you can have your lunch.” baling ko sa kanya nang pumasok siya sa opisina ko.

“Kayo po, ma'am?”

Bumuntong hininga muna ako pagkatapos ay tiningnan ang orasan na nakasabit sa pader. Twelve thirty na pala.

“Mamaya na ako, tatapusin ko muna ‘to.” tukoy ko sa proposal na ginagawa ko.

“Noted, ma'am,” tiningnan ko siya ng may pagtataka ng bumalik siya. “Ma’am kung dalhan ko na lang po kayo? Diyan naman po kami sa malapit na restau na palaging niyong kinakainan, ipa-take out ko na lang po?”

I give her a smile. “Hindi na, hassle pa ‘yon sa’yo. Don't worry about me, bababa na rin ako.”

Nagaalangan pa siyang tumango kaya naman sinenyasan ko siyang umalis na. She's really a devoted secretary.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. Masyadong maselan ang company na ‘to, but I didn't have a choice makakatulong ng malaki ang company nila sa akin.

Tinanggal ko ang salamin ko ‘tsaka kinusot ang mata. Nanakit na ang mga mata ko mahigit limang oras rin akong nakaharap sa monitor.

Natigilan ako ng tumunog ang company's telephone. Ako na lamang ang sumagot dahil wala si Riza.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon