“Misha,” Napatigil ako sa paglalakad ng sabayan ako ni kuya.
“Ayoko. Alam mo namang hindi lang dahil galit ako sa kanya ang dahilan ‘di ba.” mahabang sumbat ko sa kaniya.
“Hindi naman kita pipigilan sa desisyon mo e, nandito lang naman ako kasi napagutusan ako,” Kamot ulo nkyang sabi.
Inirapan ko siya. “Ewan ko sayo bumalik kana nga ng pilipinas!” Pinalo ko pa siya sa balikat.
“Ganyan mo na ba talaga kaayaw sa’kin kaya pinapaalis mo na ‘ko?” paawang aniya.
“Oo, kaya umuwi ka na,” Nilagpasan ko na siya.
Pero nararamdaman ko pa ring sumunod siya hanggang sa akbayan niya ako.
“Oh, bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ko.
“E, nandito na lang din ako bibisitahin ko na mga pamangkin ko,” Kindat niya na akala mo’y napaka-bright ng idea niya.
Hanggang sa makabalik na ako sa tarabaho ay hindi pa rin mawala ang pagkakakunot ng noo ko.
Padagdag ng padagdag ang mga iisipin ko.
Wala namang kaso na kahit may alitan kami ni dad hindi ko naman ilalayo ang mga anak ko sa kanya ‘cause in the first place siya pa rin ang tatay ko.
Pero kung babalik kami ng mga anak ko sa pilipinas hindi ko pa yata kaya. Lalo pang alam kong nandun lang siya.
I heave a sigh. Sumakay ako ng elevator tsaka pinindot ang floor ng office.
“Ma'am Hernandez wait up!” Napalingon ako kay Riza na humahangos na tumatakbo palapit sa'kin.
Muntik pang magsara ang elevator pero hinarang ko ang paa ko kaya naman bumukas ulit. Dali dali siyang pumasok sa loob habang hinihingal, bakit ba kasi siya tumatakbo.
“What's with the rush?” tanong ko sa kanya ng magsimula ng umandar pataas ang elevator.
“May ipapakita po ako sa inyo.” hinihingal pa rin nyang sabi.
Pansin kong habang pataas ng pataas ang dinadaanan naming floor ay napapakagat labi siya.
Hindi rin siya mapakaling pabalik balik ng lakad sa totoo lang nahihilo na'ko sa kanya a,
Nginangat ngat din nya ang kuko niya.“Riza, could you please calm down?” Para kasing tense na tense siya.
Sinunod naman niya ako at nanahimik na lang sa isang sulok.
Nauna na ‘kong lumabas alam ko namang sumunod siya.
“Nasa loob po si Mr. Mendez.” rinig kong sabi niya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
“Satingin ko po siya na lang ang tanungin niyo,” Pinagbuksan niya ako ng pinto.
Bumungad sa’kin si Mr. Mendez na prenteng nakaupo sa couch dito sa office ko. Agad naman siyang tumayo ‘tsaka bumati ng makita ako. Isa si Mr. Mendez sa board of members kaya wala akong ideya kung bakit siya nandito.
“What brings you here? Mr. Mendez?” panimula kong tanong bago naupo sa swivel chair.
Lumapit siya sa tapat ng lamesa ko ‘tsaka may inilagay na envelope sa harapan ko. Hindi na ako nagdalawang isip at kaagad ko naman itong binuksan. List of investors.
“Someone bought fifty percent of shares of the company,” Halata ang pamomroblema sa tono niya. “So basically it says half of the company already belongs to that person, you need to act as soon as possible or else this company will be out of your hand.”
“What?” Napahampas ako sa lamesa, nanginginig sa inis at nagpupuyos sa galit ang buong sistema ko.
Napahilot na lang ako sa noo ko, naikuyom ko ang mga kamao, ganito na pala ang nangyayari sa kumpanya ko wala manlang akong alam.
“Who's that bull shit!” Hindi ko hahayaang mawala nalang basta sa’kin ang kumpanyang pinaghirapan ko.
May inilagay siyang folder. Dumoble ang galit na nararamdan ko matapos makita ang nasa loob. Nilukot ko iyon.
“Fucking, Montero.”
“Miss Hernandez, I'll go now.” Yumuko muna si Mr. Mendez bago umalis.
Napatagal ang paguusap namin dahil may iba pa siyang sinabi patungkol sa kumpanya.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko paaanong muntikan ng makuha sa’kin ang kumpanya ko nang wala akong nalalalaman.
I sighed exasperatedly before clicking the intercom.
“Riza, I need coffee.” utos ko sa kanya mula sa intercom.
“Right away, Ma'am.”
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng office ko ‘tsaka siya pumasok na may dalang kape.
“Here, Ma'am,” Humigop muna ako sa ibinigay niyang kape bago hinilot ang sintido.
“Riza, paanong nangyari ‘to?” I asked frustratedly.
“Kahit po ako Ma'am nalaman lang kay Mr. Mendez pasensya na po hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko.” Nakayukong saad niya.
“Ano pa nga ba? Nangyari na, wala na tayong magagawa.” Sumandal ako sa upuan ko at pinaglaruan ang kutsara. Nakaka stress ang araw na ‘to.
“Ano pong plano niyo Ma'am?”
Napaisip naman ako sa sinabi nya, hinalo halo ko ang tinimpla niyang kape.
Ano nga bang dapat kong gawin. Kapag hindi pa ako kumilos baka buong kumpanya ko na ang mawala sa’kin. Gano’n na ba talaga ka liit ang mundo. O dahil nahanap na niya ako. Pero bakit naman pati ang kumpanya ko ay dinamay niya. Palagi niya akong pinahihirapan.
Tumingin ako kay Riza na nagiintay pa rin ng sagot ko.
“This is my company. Ako ang nagtayo nito. Nabili man niya ang kalahati, sa akin pa rin ito nakapangalan.” madiin kong paliwanag sakanya.
Napangiti naman siya, she should be.
Kaya nga siya ang pinili ko dahil halos magkapareho kaming magisip. She has to be on my side.“Prepare a meeting, at siguraduhin mong makakarating ang Monterong iyon.”
Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay lumabas na’ko.
Gusto ko nang umuwi sa mga anak ko.
Mabilis akong nakarating sa bahay. Dito pa lang rinig na ang hagikhik ng bunso ko.
“Oh lil’ sis nandito ka na.”
Inirapan ko si Mico, bakit nandito pa ‘to?
“Hi, babies.”
Busy si X sa iPad niya tulog naman sa couch si Y kaya si Z lang ang sumagot.
“Kung ako sa ’yo hindi ko gagawin ‘yan.” tukoy ko nang tinapik tapik ni kuya ang mukha ng pangalawa ko.
“Bakit lagi naman kasing tulog ang isang ‘to? Ginigising ko lang.” tapik niya ulit dito.
“Bahala ka, h’wag mong sabihin na hindi kita binalaan,” Inismiran niya lang ako.
“Where's ninang, Lily?” tanong ko kay Z.
“At the kitchen. At the kitchen,” Kaagad naman akong nagtungo sa kusina.
“Argh!” Rinig ko pang sigaw ni kuya nang makaalis ako sa sala. Paniguradong kinagat siya ni Y.
“Lily.” tawag ko sa kanya agad naman niya akong nilingon.
“Ang haggard mo,” Natatawang sabi niya, napabuntong hininga naman ako.
“Paliit ng paliit ang mundo namin,” Wala sa sariling litanya ko. She just stared at me. “Kahit anong gawin ko tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan.”
“Makikita at makikita ka talaga no’n tandaan mo hindi ka pwedeng magtago habang buhay. Why don’t you face him?”
“Yeah, a closure would be great.”
______________________________________
Nakalimutan ko palang mag update. Sumimasen (〒﹏〒)
BINABASA MO ANG
Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]
RomanceTyler Montero-Misha Ivonne Hernandez Date started: August 16 2020 Date finished: September 23 2020 YOU CAN READ THIS ON GOODNOVEL