Chapter 29
Tawa
Pinatay ko ang tawag kasunod ng sunod sunod na pagbuhos ng luha sa mata ko.
Si Raze. Nasa Manila si Raze. Sinabi niyang para sa business iyon at sa conpany nila. Bakit may babae?
Girlfriend. Girlfriend niya. Lalo akong napaiyak at napasapo sa aking noo.
This is insane. I want to die. Anong gagawin ko?
I seriously don't know what to do. Sino pang nandyan? Sino pa ang may kayang tulungan ako?
Malakas na umiyak ako. Wala akong pakialam kung marinig ako ng iba. Walang tao sa loob ng bahay kundi ako lang. Walang tao sa labas at tahimik na kalsada lang kaya nilakasan ko ang pag-iyak ko.
Nagbabakasaling sa pamamagitan ng pagsigaw, mawala ang lahat ng sakit. Sa pamamagitan ng pagsigaw, mabawasan manlang.
Mahal ko si Raze.
Ang mga titig niya. Ang mga salita niya. They comfort me. Hindi ko alam kung paano siya kakalimutan. Paano niya nagawa sa akin 'to?
Bakit niya ako sinaktan? Bakit niya kami pinagsabay? Paano niya nagawa 'to sa akin?
Anong nagawa ko kay Raze? Wala akong ginawa sa kaniya. Nagkaroon kami ng mga pambatang away pero ibang lebel naman ang ganito. Bakit ganito, Raze? Raze, hindi ko maintindihan.
Alam na ba niya? Na kabit daw ako? Kaya ba naghanap siya ng girlfriend sa Manila?
Pwede naman niya sabihin. Bakit ganito? Hindi ko matanggap. Hindi tinatanggap ng sarili ko ang mga nangyayari.
Deserve ko ba 'to? Anong kasalanan ko para maranasan 'to?
Ilang taon na akong nagdudusa. Sa pagkawala ni Mama, sa pagsiksik ng aking sarili kay Papa. Ngayon na nandito ako, tinatapon ako ng mundo. Hindi para sa akin 'to. Umalis ka sa mundong 'to.
Bakit? Wala naman akong kasalanan. Wala akong ginagawang masama.
Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Raze doon. Lalo lang akong naiyak. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?
Tama ba na magpatuloy kahit alam mong wala kang panalo? Tama bang ilaban kahit alam mong hindi sayo nakalaan?
Gagaya ba ako kay Mama? Gagaya ba ako sa pagiging martyr niya? Ang hirap pala. Ang hirap hirap.
Sinagot ko ang tawag sa gitna ng mga hikbi ko.
"I received your missed call. Kamusta ka d'yan? Sorry, I'm in the bathroom."
He sounds so calm. Bakit Raze? Paano mo nagagawa sa akin 'to?
May kasama kang babae pero wala lang sa'yo at normal ka pang makipag-usap sa akin. Paano naging ganito, Raze?
"Raze..." Bumuhos ang luha sa mata ko.
Ang sakit sakit, Raze. Bakit mo 'to ginagawa. Siguradong sigurado na ako sayo. Paano mo 'to nagawa sa akin.
"Crystal..."nag-aalalang tawag niya. "Come on, baby. Hush. Damn it. Sorry..."rinig na rinig ko ang frustration sa boses niya.
"Everything's alright. Babalik na ako d'yan sa Miyerkules. We'll see each other. I will promise you that. Everything's gonna be okay..."
Umiling ako at mas lalong umiyak. Wala na akong pakialam kung naririnig niya ang malalang paghagulhol ko.
"No, Raze. It's not gonna be okay."
Nilamon na ng iyak ko ang mga susunod kong sasabihin. Nangilabot ako sa tunog ng pag-iyak ko. Halatang halata ang bigat ng nararamdaman at pagsuko.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
Roman d'amourCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...