Chapter 40

12 1 0
                                    

Chapter 40

Ring

"N-Nasaan pala si Mara?"tanong ko kay France.

Nasa VIP kami ng club. Umupo si Peterson sa tabi ni France at nakita ko pa ang paghawak niya sa bewang nito. Hindi ko maiwasang panoorin silang dalawa.

Nilapag ni Kiro ang mga inorder naming alak sa mesa at tumabi kay Peterson kaya pinagkaabalahan naman ng dalawa ang alak doon.

"H-Hindi ko alam."ani France at binaba ang tingin. "Tingin ko, nasa US siya. May problema ang pamilya nila. Hindi ko alam kung ano."

Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Ang dami ko palang nakaligtaan. Namimiss ko na si Mara. Naalala ko ang mga biruan at muraha  namin sa dati naming GC no'n. Nakakamiss. Lalo na ang mga inuman naming tatlo bago ako pumunta ng Mindoro. Sana pwedeng ibalik ang lahat.

Pero hindi. Sa buhay talaga, permanente na ang pagbabago. Pero kahit kailan, hindi ako masasanay. Lagi lang akong maghihintay na magbalik ang dating buhay ko. No'ng buhay pa si Mama. No'ng masaya pa ang pamilya namin. No'ng buhay pa si Kuya Cezar. Ang relasyon namin ni Raze noon. Lahat 'yon, gusto kong magbalik. Naiinis ako dahil ang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Hindi ko manlang nasulit ang mga oras na 'yon.

"Pero maganda siguro kung mag-uusap kayo, Crystal."ani France.

Ngumisi ako at tumango. "Oo naman. Pag nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kami. Kakausapin ko siya."

"Si Dominic ang nagtraydor sa'yo no'n diba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko pinangalanan kung sino ang nantraydor sa akin no'n. Hindi ko sinabing si Dominic. Alam na ni France ang nangyari dahil kinwento sa kaniya ni Peterson pero hindi naman alam ni Peter kung sino ang nantraydor sa akin. Ba't alam ni France?

Kaibigan niya rin si Dominic. Sinabi ba ni Dominic sa kaniya? Kamusta na kaya siya? Nakaahon naman kaya siya sa kahirapan?

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Inaalala ko palang ang mukha ni Dominic, nagagalit at nasasaktan na ako. "Kamusta na siya?"mapait na tanong ko.

Kahit na galit ako sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang maging kuryoso. Kung maayos na siya dahil sa perang nakuha niya sa panggagamit sa akin, e'di good for him. Nakakatulog kaya siya ng maayos? Napapatulog ba siya ng mga konsensya niya? Sigurado akong may karma na naghihintay sa kaniya. Iyon na ang pinaka ganti ko. Diyos na ang bahala sa kaniya.

"Patay na siya, Crystal." Nabasag ang boses niya.

Mula sa pagkakatingin sa kawalan, gulat na inangat ko ang tingin kay France. Kinilabutan ako sa narinig.

Patay siya? Pinatay ba siya ni Laura? Ni Tita Milda? Anong nangyari? Kayang kaya 'yong gawin ng mga 'yon! Hangal ang pagkatao ng mga 'yon at hindi na ako magtataka kung iyon nga ang nangyari.

Hindi ko maiwasang matakot. Paano kung nalaman nilang buhay pa ako? Gagawin ba nila ulit? Hahatakin ba nila ako ulit para pagkakitaan?

"He committed suicide." France said. Tumulo ang luha sa mata niya at natulala nalang ako.

Gusto kong magsisi siya pero hindi ko gustong magpakamatay siya. Naging kaibigan ko rin siya. Katulad nila Mara, sobrang close ko rin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi dapat siya nagpakamatay.

Naalala ko ang pag-uusap namin dati. Ang Mama niya, may sakit. Na bankcrupt ang business nila. He got no choice. Katulad nila Tita Milda, ganoon din siya. Kaya lang, mali ang naisip nilang paraan. They are problematic but they can't ruin my life just to solve it.

"Ang suicide note niya, puro lang paghingi ng tawad. Hindi sinabi kung sino pero ngayon, alam ko ng ikaw 'yon. Sobrang nakonsensya siya at hindi niya kinaya, Crystal. Sising sisi siya."

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon