Chaste POV
"Laging palaban 'yung section na 'yon, ano?" duro ng kaibigan ni Taya na kaklase ko sa katabing grupo ng mga mag-aaral. "Pabida gano'n. Porke't cream section."
Tinaasan naman siya ng kilay ni Taya, "Bibig mo nga. Inggit ka ba sa S.T.E. students? Bakit hindi ka nag-enroll doon?"
"Ay! Wow! Pinagtatanggol kasi nandoon 'yung crush!" naka-pikit niyang sabi. "Atsaka parang kasalanan ko pang maging bobo simula nang nabuhay ako, ano?"
"Manahimik ka na lang!" depensa ni Taya bago ako sumingit sa kanila at baka mag-away pa.
"Ihinto niyo 'yan," maikli kong suway. Umiling 'yung kaklase ko at nakita ko siyang tumabi sa akin. Nandito kami ngayon sa basketball court grounds dahil P.E. day namin. Kapag nandito kami lagi ay hindi mawawala ang ingay kagaya na lamang ng tugtog ng mga cheerdance club. Hindi ko nga alam kung bakit in-approve pa ni kuya ang club nila dahil sa insidente noong Grade 7 ako.
Inagaw ng pamilyar na babae 'yung atensyon ko at napatingin ako sa kaniya. "May tali kayo? Huy! Tangina niyo naman!" Nakalugay lang siya habang naka-black leggings and white shirt. Bawat lakad niya ay sumasayaw ang kaniyang buhok na nagpaantig sa akin.
"Leigh..." bulong ko sa ere. I gazed my attention to her. Dapat ba akong bumili ng tali at ibigay sa kaniya? Would that be a great move? Pumunta naman ako kay Taya para sana tanungin siya if may extra siyang tali.
"Wala, eh." Pag-check niya sa kaniyang bulsa. "Para saan mo ba kailangan? Hindi naman mahaba buhok mo."
"Wala, binibini. Salamat na lamang."
Paalis na sana ako nang marinig kong sumingit na naman ang lalaki kong klasmeyt, "Kay Gilbert ng S.T.E. lakas maka-girl scout dahil always handa pero sa sarili nating ka-classmate, pantali wala."
"Nagsalita ang boy scout. At maiba, bawal ba akong bumili?" sagot niya pabalik doon. Tumingin naman siya sa akin at may tinanong. "Anong tali ba? Rio, Scrunchy, Lubid?"
"Pantali sa buhok. Anything sa dalawang una mong nabanggit."
Kinuha niya ang kaniyang coin purse sa bulsa at kumuha ng barya. "Chaste, bibili lang ako. Baka ano pang masabi niyang lalaki na 'yan."
"Anong lalaki? May pangalan ako, Ms. Taya Perez!" sunggab pa nito.
"Ano ba talagang trip mo sa 'kin, Jairo? Tatakbo ka bang sekretarya at lagi kang dikit nang dikit sa akin?"
Hindi ko na masyadong narinig ang bangayan nila noong may nakita akong lalaking lumapit sa kaniya. Sa pagkakaalam ko ay mas matanda siya sa akin ng isang taon pero sino 'yung kausap ni Leigh ngayon-ngayon lang? I was static noong nakita kong hinalikan ni Leigh ang lalaki sa pisngi. At ngayon... nakita kong tinatali na niya ang kaniyang buhok.
"Pogi nang tinitingnan ni Chaste, oh! Pak!" sabi ng kaklase kong si Jairo. "Si Hakim 'yan. Taga-Nagkaisang Nayon. May business 'yung pamilya niya pero siya 'yung lagi kong nakikitang bantay. Balita ko babaero 'yan... pero at least pogi!"
Agaran ko namang kinausap si Taya. "Patungkol sa tali, huwag ka nang bumili. Hindi na kailangan."
"Ang gulo niyong dalawa. Huwag na huwag niyo nga akong makausap!"
"Ayan si Chaste kasi!" turo ni Jairo sa akin.
Imbis na magtanong pa ako at palakihin ang trip nila ay tumahimik na lang ako. Wala rin naman akong mapapala sa dalawang 'to.
Napuwing ang mata ko at napatingin na naman ako sa direksyon ni Leigh. Para bang hindi ako nag-eexist sa mundo niya. Bakit hindi niya manlang ako tingnan pabalik? At higit sa lahat... boyfriend niya kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
Cheers, T.S. Cruz (S.T.E. Series #2)
Novela JuvenilS.T.E. SERIES #2. Leigh Xienne Sta. Maria, a high school S.T.E. cheerleader student who managed a part-time job just to survive her living. She experienced a lot of relationships and challenges at her young age that taught her love, patience, and pa...