CHAPTER 59

41 5 0
                                    

Ash's POV



Nakatingin lang ako kay Asha, hindi ko namalayan na nakatingin na pala silang lahat sakin. Ngayon pa lang ako kinabahan na kanina panaman sana ako nandito. Hindi ako marunong lumaban, ano bang gagawin ko?!



"Mukhang wala ng tutulong sayo Elizar"



~DUG~DUG~



'Lintek na talaga!'



Sumenyas si Christopher sa mga tauhan niya, si Marko naman ay nakangiti sakin. Papalapit sila sakin, ako naman ay umaatras. Bawat hakbang ko palayo ay mas lalong kumakabog ang puso ko. Hindi pa din kasi nag angat ng tingin si Asha, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang iniisip ko lang ay sana tulungan niya ako, kahit na ang sama ng tingin ko sakanya mukhang hindi ito masama ngayon.



'Asha tulungan mo ako please'



Para akong duwag na lalaki kasi nag hihintay sa tulong ng isang babae, eh ano bang pake niyo? Hindi kasi ako marunong makipaglaban. Kahit na lalaki ako natatakot akong sumuntok sa kapwa tao ko, kahit na sinasaktan na nila ako. Pero mukhang kailangan ko na ibahin, dahil sa nangyayari sakin ngayon.



Pilit kong kinakalma ang sarili ko, iniisip ko na may tutulong samin. Kahit na ang kawawa nang tingnan ni Asha ngayon, umaasa pa rin ako na tutulungan niya ako. Nasaan ba kasi ang mga guard namin dito? Lintek i-susumbong ko talaga kayo kay Lolo. Hindi naman nila ginagawa ang trabaho nila, sayang ang pera na binabayad. Dapat gawin nila ang trabaho nila, hindi madaling makahap ng pero ngayon. Swerte nga nila dahil dito pa sila sa ISM naka assign, sure ako na dinadagdagan ni Lolo ang mga sahod nila.



"Christopher! tama na" sigaw ko



Nakapaligid na kasi sakin lahat ng lalaki ngayon, namukhaan ko yung iba. Sila din yung mga kasama ni Christopher dati, tapos mas marami sila ngayon may mga bago silang kasama.



"Tama? Hahahah!"



"Ano ba kasi ang ginawa ko sayo?"



"Anong ginawa mo sakin? Seryoso ka ba Ash?"



"Bakit kailangan maging ganito?!"



"Dahil sa ginawa mo sakin! Bobo ka ba?"


My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon