PROLOGO

53 4 0
                                    

"Mahal na Prinsesa,Nandito na po ang bagong nyong Alipin.."napatigil ako sa pagpupunas ng aking espada.

"Papasukin mo..."hindi ko parin inaalis ang paningin sa aking espada.Gusto kong pumatay ngayon pero huwag muna.

"Pasok ka rito,Nandoon na ang prinsesa sa Sala...."narinig kong sabi ng isa sa aking dama.

"Magandang Umaga,Prinsesa Aliyah..."pagkatingin ko ay nakakita ako ng Gwapo!Aliyah,Maghulos-dili ka!

"Anong Maganda sa Umaga,Kristoffe Gintung-Awa..."kailangan hindi ka apektado sa kagwapuhan nyan.Malay mo,Kampon ni Satanas iyan!Kasama pala ako sa kampon ni Satanas..Ako pa nga ang prinsesa!

"Kristoffe na lang para cute.."kumindat pa ang gaga..

"Huwag mo akong makindat-kindatan...Baka isaksak ko sa mata mo ang espadang hawak ko!"pagbabanta ko sa kanya kaya napaatras sya."Well,Alam mo naman kung ano ang pinasok mo sa palasyong ito..Di ba?"tumango sya.

"So,Princess Aliyah...Ano po ba ang trabaho para sa akin?"tinaasan ko sya ng kilay.

"Simple lang,Magpaligo sa akin,Magpakain at kung ano-ano pa..."napalunok sya sa sinabi ko.."Kung gusto mo,Hubaran mo na rin ako para mataas ang sahod mo..."ngisi kong sabi.

"P-pati P-panty n-nyo p-po?"kinakabahan nyang tanong kaya tumango ako.

"May angal ka?"umiling sya."May mga dapat kang sundin sa pagiging alipin mo..."hinawakan ko ang espada ko at tumayo para lapitan sya.

Pinadausdos ko ang kamay ko sa dibdib nya.Nakita kong napanganga ang mga dama sa aking ginawa."Una,Kailangan gawin mo ang mga gusto ko..."napahinto ako at tinapat ko ang espada ko sa leeg nya.
"Kasi kapag di mo sinunod ang mga gusto ko ay....Buhay mo ang kapalit...Naintindihan mo ba?"tumango sya.

"Pangalawa,Kapag nagtanong ka sa akin tungkol sa buhay ko ay kikitilin ko kaagad ang buhay mo...."hinawakan ko ang labi nya at akmang hahalikan pero umatras ako."At ang pangatlo ay hinding-hindi ka pwedeng mainlove sa akin dahil tiyak na ikakapahamak mo..."lumayo ako sa kanya at ang espadang hawak ko ay binaon ko sa sofa.

"Prinsesa,Kakapalit lamang nami-..."huminto sya sa kakadada ng tiningnan ko sya ng masama.

"I Don't Care!Mayaman ako at handa kong bilhin ang lahat ng sofa sa buong mundo...At ikaw kristoffe...Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko?"tumango sya.

"Good!"

The Hell Princess (Book 1 Of Princess Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon