"SAAN ba tayo pupunta, Iya?" puno ng kuryosidad na tanong ni Autumn sa pinsan niya.
Kakagaling lang nila sa states ng buong pamilya niya, her parents decided to settle down there in the Philippines for good dahil na rin sa mga business ng parents at kuya niya, agad silang nag set ng flight pauwi sa Pilipinas. Doon na rin siya magpapatuloy ng pag-aaral niya. At first, nahirapan siya na mag decide kung sasama ba siya sa pamilya niya, mahirap kasi na bigla na lang magbabago ang mga bagay na nakasanayan niya.
Halos lahat din ng kakilala niya nandoon sa US, pero sa huli, she decided na sumama na lang sa pamilya niya after she broke up to her ex-asshole-boyfriend. That jerk cheated on her with one of her so called 'friend'. Nahuli niya ang dalawa na nagme-make-out sa isang bar.
As if naman na iiyak siya at maglulupasay dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya? No way. Hindi naman siya nasaktan, yung ego lang niya. Wala rin naman siyang feelings sa lintik na ex niya. Nag-boyfriend lang naman siya para may masabing may 'boyfriend' siya, dahil na rin siguro sa pressure ng mga friends niya sa states.
Hindi naman niya pinagsisisihan na sumama siya sa pamilya niya nang makarating sila sa Pilipinas. Nagkaroon pa ng welcome party sa bahay nila, doon niya nakita ulit at nakamustahan ang mga kamag-anak nila, especially her cousins. Kaya nagtataka siya kung bakit siya pasimpleng hinila paalis ni Iya sa party. Wala pa naman siyang gaanong alam na lugar doon sa Manila.
"Chill, couz. Relax. May pupuntahan lang tayo sandali, parang pa-welcome ko na rin sa'yo." ani Iya sabay kindat sa kanya. Napailing na lang si Autumn sa sinabi ng babae. She trusts her cousin naman, ito kasi ang pinaka-close niya sa lahat ng mga pinsan niya. Iya is her cousin slash best friend slash confidante. Ganoon sila ka-close ng babae.
Tumigil ang kotse nito sa tapat ng isang building. Nang bumaba sila, agad na ibinigay ni Iya ang susi ng kotse nito sa isang valet na nakaabang na sa pagbaba nila. Niyakag siya ni Iya papalapit sa entrance area ng gusali.
May ipinakita pang card si Iya sa dalawang guard na nagbabantay sa pinto bago sila makapasok. Itinapat din ng babae ang hawak na card sa isang machine, nagkaroon ng ilaw na kulay asul doon, it was like a verification card machine.
"She's with me, she's my guest." saad ni Iya sa guard nang akmang haharangin siya nito. Tinanguan naman sila ng guard at tuluyan silang hinayaan na makapasok sa loob.
Nang makapasok na sila sa loob, sumalubong sa paningin niya ang mga tao na nasa tila malawak na hall. Parang bar iyon but it looks more like a formal party. Sultry at malumanay lang kasi ang tugtog na pumapailanglang sa paligid, unlike other bar na halos pang-party talaga ang mga tugtog.
"Where are we?" bulong niya sa pinsan. Hinila siya nito paupo sa isang couch, agad naman may waiter na nag serve sa kanila ng cocktail drinks.
Kapag talaga bumibisita ang pamilya nila doon sa Pilipinas noon for vacation or ang family mismo ni Iya ang bumibisita sa kanila sa states, hindi pwedeng mawala ang 'little adventure' nila ng pinsan. Katulad na lang ang pagpunta sa iba't-ibang night clubs at bar. Kaya nga partners in crime sila nito.
"We're here at 'The Lux', couz. It's a prestigious club here. Hindi ka basta basta makakapasok dito kung hindi ka member or wala kang invitation na galing sa mga members."
"So, it means member ka dito?" namamanghang tanong ni Autumn kay Iya. Ngayon alam na niya kung bakit sila nakapasok agad doon. Membership card siguro yung pinakita ni Iya sa mga guards sa labas bago sila makapasok.
BINABASA MO ANG
Singularity
RomanceLa Croix Brothers' Series #3 Pollux La Croix R18 (Mature-Content)