"Para sa ibang tao, kamalasan ang hatid ng ulan sa kanila. Dahil sa ulan ibinabalik nito ang kakaibang pakiramdam na hindi na natin gusto pang maramdaman. Ibinabalik tayo sa mga nakaraan na dapat ay nalimutan na. Dahil din sa ulan kung bakit naitatago natin ang mga luhang lumalandas sa pisngi natin. At nang dahil din sa ulan.. stranded ang karamihan sa kanilang pupuntahan.
Pero naisip ko din na para din palang pag momove on ang hatid ng ulan sa atin di ba? Kapag malakas ang buhos ng ulan, kahit may dala ka pang payong o kahit anong panangga sa ulan titigil at titigil tayo para hintayin ang pagtigil ng ulan. Pagnaibuhos na ang lahat saka lamang tayo maaaring magpatuloy sa pupuntahan.
Kumbaga sa pag ibig, kailangan tapusin ang pag iyak nang sa ganun ay kaya na nating ngumiti at mag patuloy sa buhay na walang iniindang sakit na nararamdaman sa puso.
Pero nakakainis pa din dahil naabutan ako ng ulan. Sino ba naman kasi ang may gustong mabasa ng ulan? Lalo na siguro kung aabutan ka ng ulan sa dis-oras ng gabi. Kung saan nag mamadali ang lahat para makauwi, makapag pahinga at makakain. at aaminin ko, isa ako sa mga taong na badtrip ng dahil sa ulan nung gabing iyon.
Araw ng kasal noon nila Jerry at Nelly. Yun din ang araw na makikita at makakasama ko ang barkada ko nung highschool. Mini reunion.
Nakaramdam ako ng lungkot ng makita at makasama ko muli ang crush ko nung high school. Sa totoo lang, excited akong makita sya dahil ilang taon na ang lumipas mag mula ng huling makita ko sya. Subalit nung makita ko sya napalitan ng lungkot ang sayang namamayani sa puso ko. Marahil, inakala kong mapapansin nya na ang pagbabago ko. Nag paganda. Bumili pa ako ng bagong damit. Yun nga lang hindi nya rin pala napansin.
BINABASA MO ANG
ULAN
Roman d'amour"Gusto mo bang maranasan sumaya sa ulan? Handa ka bang makasama ako sa ulan?" Simula: Agosto 27, 2020