Chapter 17

87 12 0
                                    

7 YEARS AGO



Unang-araw ng pagbabalik ni Monique sa kanilang tahanan matapos maconfined sa hospital ng sampung araw.. Ito din ang unang araw na bitbitin siya ng wheelchair para makaalis sa iisang lugar.. Ang binatang si Liam ang nagsilbing private nurse niya sa araw na ito, si Liam na ang kursong kinuha ay medisina, nais sumunod sa yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Michael, na labis din ang emosyon na nailabas matapos malaman ang masamang balita, tuloy ay kahit na hindi pwedeng lumiban sa trabahong bilang doktoro ay nandito siya, umaalalay kay Monique..

Sa loob ng sampung araw na iyon ay kapansin-pansin ang labis na ipinayat ng dalaga, pamumutla, at literal na panghihina, para bang isang kandilang may apoy na unti-unti nang nauupos... Samantalang ang ginang ay nananatiling tulala kapag hindi kaharap ang dalagang si Monique, tanging ang sweetie lang niya ang nakapagbabalik sa kanya sa wisyo..

"Ipagluluto kita ng sinangag at adobo na titiyakin kong sobrang sarap, sweetie ko.. Magpagaling ka ha.." ani ginang at ginulo ng bahagya ang buhok ng nanghihina ngunit nakangiti pading dalaga, napakabusilak ng kalooban, kung gantimpalaan man siya ng itaas ay hindi ipagtataka ng kahit na sino. "Michael, bumili ka nga hijo ng malunggay pandesal at ipagtitimpla ko din ng mainit na tsokolate si Monique." dagdag nito habang nakatingin padin sa dalaga, ni hindi nag-abalang mag-angat ng tingin sa binatang inutusan, sinunod naman siya kaagad ng kanyang panganay.. "Paborito mo ang mga 'yon kaya damihan mo ang kain mo, my sweetie, para gumaling kana, okay?." nakangiting dagdag pa ng ginang, hinalikan ang noo nito, pilit na pinipigilang maging emosyonal at patuloy na umaasang gagaling pa ang dalaga mula sa malubhang karamdaman...

Labis nang naapektuhan ang buong katawan ng dalaga, ni hindi na kayang maglakad at igalaw-galaw ang mga braso't binti.. Kaya't nanatili lamang siyang tulak-tulak ng kanyang nobyo.. Umalis na ang ginang at tumungo sa kusina, bakas sa balikat nitong humihikbi dahil sa kumpas nitong baba-taas... Umupo ang binata sa harap ni Monique upang mapantayan ito. Tumitig ang binata sa dalaga, pinagmamasdan ang maamong mukha nito na kailanma'y hindi niya pagsasawaan...

"Monique, listen to me, okay?" aniya at hinawakan ang kamay ng dalaga, tumango naman ang dalaga bilang tugon dito.. "Magpalakas ka, gagawin natin ang lahat para malampasan mo ito, ha?" iyon lang at tumayo na ito at gumawi sa likuran ng dalaga na diretsong nakaupo sa wheelchair, humawak sa wheelchair holder at itinulak iyon nang basang basa ang mga mata, sinadya niyang pum'westo muna sa likuran ng dalaga upang hindi makitang umiyak siya... Dahil nangako na siya sa dalaga na kailanma'y hindi na niyang ipakikita ditong lumuluha siya..

Agad na binuhat ng binata si Monique matapos marating ang unang bahagdan, iniwanan ang wheelchair at tila ba isang bride ngayon ang dalaga dahil sa pagkakabuhat sa kanya ng binata.. Kahit hirap ay sinikap ni Liam na buksan ang pintuan gamit ang isang kamay na nakaalalay sa isa pa niyang kamay na buong nakahawak sa dalaga.. Agad niya itong inihiga sa kama, pigil na pigil ang emosyon matapos ilapag sa higaan ang pinakamamahal,. Maya-maya'y umupo siya sa gilid ng dalaga at muling pinagmasdan nang may ngiti sa labi, ang kapaklahan ng ngiti ay natatabunan ng pilit na ngiti sa sariling labi, naglalaban ang bagay na'yon at ang pilit na ngiti ang nananaig..

"Liam, kapag sapit ng araw na wala na ako sa tabi mo, gusto kong tandaan mona ang katawan kolang ang mawawala at hindi ang pagmamahal ko sa'yo. Mananatili ka dito." pinilit ng dalaga na hawakan ang sariling dibdib, nakapagsasalita pa naman ito ng diretso, tanging hirap lamang na igalaw ang bawat parte ng katawan, bagaman ay nakakalingon pa naman ng diretso, ang mga binti't braso ay tila ba isang tuod sa sobrang hirap igalaw.. Ganoon nga siguro talaga kapag puso ang apektado, lahat madadamay.. "Huwag kang luluha sa huling sandaling naririto pa ang katawan ko, pwede ba'yon?" dagdag ng dalaga, pag-uulit sa napag-usapan na nila ng binata.. Agad na tumango ang binata, nag-iwas ng tingin at itinuon sa mga kamay ng dalaga, maya-maya'y kinuha niya iyon at muling hinalikan, napangiti naman ang dalaga sa ginawa ni Liam, na hindi na alam kung paanong itatago ang emosyon sa oras na ito, kaya't kahit hirap ay agad itong tumayo at tumalikod sa dalaga, duon na bumuhos ang magkakasunod na luha sa mga mata nito, ang sakit na nararamdaman ay hindi mapapantayan ng kahit na anong uri ng karamdaman.

"Magpahi-hinga kan-na m-muna, Mah--h--ahal ko..." tumatangis nitong tugon sa dalaga at agad na nilisan ang silid, hindi na kinaya ang sobrang sakit na nadarama, kahit na ayaw niyang tignan ang dalaga ay wala siyang magawa, pero sa mga sandaling ito ay hindi niya nagawa kaya't naiwan niya ang dalagang mag-isa..

Luha, iyak, pagtangis, tagos sa puso ang nararamdaman ng dalaga, dumadagdag sa paninikip ng dibdib.. Hindi alam kung anong gagawin, ni hindi magawang igalaw ang sariling katawan para sa sarili, kahit na gustuhing hindi magpabigat sa mga kasama ay wala siyang magawa kundi ang maupo lamang sa wheelchair at rumatay sa higaan... Batid niyang lumuha ang binata, kaya't kahit nangako ito sa kanya ay hindi niya magawang magtampo dahil alam niyang labis itong nasasaktan... Patawarin mo ako, Liam...

"Sweetie, sweetiiee kooo." niyugyog ng ginang ang dalagang ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog, ipinapahinga ang sariling katawan upang lumakas-lakas ng bahagya... Nagdilat ito agad ng mga mata at bumungad sa kanya ang nakangiting ginang. "Breakfast is ready." itinuro nito ang orasan na nakatapat na sa alas otso ng umaga.. Isang oras na nakatulog ang dalaga, ang kaginhawaan sa mata nito ay nabawi kahit isang oras lamang ang ipinahinga niyon.. Agad na pumasok ang binatang si Michael na bitbit ang tray ng breakfast food ng dalaga. Sinangag na pinarisan ng adobong manok, pandesal naman na ipinartner sa umuusok na tsokolate ang tumambad sa dalaga, pagkapanabik ang makikita sa mukha nito, kasabikang matikman ang mga paboritong pagkain.. "Kumain ka ng madami para makabawi ka ng lakas, sweetie ko..."

Ngumiti ang dalaga sa ilang beses na pagkakataon, inalalayan siya ng ginang upang makaupo ng maayos at isandal sa sandalan ng kama.. Agad siyang sinubuan ng nakatatandang kapatid na si Michael na kanya namang kinain agad, saglit na inilibot ang paningin at bumaling muli sa taong nagpakain sa kanya..

"Nasaan po si Liam?" agad nitong tanong sa mag-ina.. Nagtinginan muna ito bago nangunang sumagot ang binata..

"May inasikaso." nakangiting tugon sa dalaga, muling sinubuan ng masarap na pagkain.. "Ang bilin non ay ubusin mo ang lahat ng ito, at may sorpresa siya sa'yo." muling ngumiti ang binata sa dalaga, kaya't nahawa nalang si Monique...

"Salamat, kuya." pagdidiin ng dalaga sa huling salita para sa kaharap matapos siyang pakainin, ang ginang ay nakangiti lamang na pinagmamasdan ang dalaga..

"You called me kuya?" gulat nitong tanong sa dalaga at tinanguan siya nito.. Napatayo ang binata at muling tumingin sa dalaga, gulat amg ekspresyong ipinamalas at bumaling sa ina. "He called me kuya, Mom! Tinawag niya akong kuya!!!" namana nito sa sariling ina ang reaksyon kapag pinagsama ang gulat at galak... Napatawa nalang ang dalaga at bahagyang umiling sa ikinilos ng tigasing pagmasdan na si Michael... "Masaya akong kuya na ang tawag mo sa'kin, bunso.. Kaya dapat ay magpagaling ka, ha? Ako mismo ang magmomonitor ng condition mo.. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka." nakangiti nitong dagdag, umupo sa harap ng dalaga at hinawakan sa mga kamay. "Hindi kami mawawala sa tabi mo, Monique.. Aalagaan ka namin."

"Salamat.." sinserong tugon ng dalaga dito, Pero ako ang mawawala sa tabi ninyo, pasensya na... Iyon ang bagay na hindi niya nagustuhan na naisip niya...

Napahawak ang ginang sa kamay ng dalaga, ang posisyong nasa uluhan ng dalaga ay hindi nabago, ang binatang si Michael naman ay hindi mawala ang ngiti sa labi.. Kahit na malungkot ang mga puso ay pinilit na tatagan ang mga isip upang hindi panghinaan ng loob ang dalagang si Monique, na hinding hindi nila pababayaan hanggang huli.....










Itutuloy ...
Love after Death

Love after DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon