PROLOUGEMAGANDA
MASAYA
MAAYOS
NORMALyan ang katangian ng paaralang papasukan ko pero hindi iba pala ... Matapos ang ilang bwan ko simula ng lumipat ako dito halos hindi na tumahimik ang dati'y masaya at normal kong buhay ...
Ang buhay na kahit kailan ay hindi ko inakalang aabot sa ganito . Bakit ?
Bakit pa kailangan mangyari ito ?
Ano pa bang mangyayari ? Ano pa bang susunod ? Ilan pa ba ang kailangan mamatay ? Para lang matapos ang pag patayan !Shit !
Bigla na lang tumulo ang luha ko ng diko namamalayan ,nahihirapan ako at naguguluhan ano ba tong napasukan ko ?
Ano ba talagang meron sa "CLASS 205"?-ABANGAN...
PART 1.
RONA'S POV.
una kong nakita nasa isang abandonado akong bahay madilim . Sobrang dilim wala akong makita teka nasaan ba ako ?
"Ma , Pa"? -pagtawag ko sa aking mga magulang
Pero walang sumasagot ... Pero teka bakit ba ang dilim ? Brown out ba ?Nag lakad lakad ako habang kinakapa ko ang paligid dahil wala talaga akong makita
At para na rin sana mabuksan ko ang ilaw .Ng biglang ...
"Snifff snifff "
Parang mai tao .
"Sino yan? -pag sigaw ko
"Ma ,Pa ? Kayo po ba yan ? Nakarinig pa ako ng pag singhot maya maya'y mai humihikbi-parang babae ?
Shit !
Umabante ako paatras at nag lakad lakad ng tahimik hanggang sa mai nakita akong liwanag
Nag madali akong pumunta duon at napadpad ako sa isang lugar na mai poste
naka bukas ang ilaw pero walang tao
Kundi ako lang nasan ba talaga ako ?Pero mai nakita ako ... Isang pigura ng babae marahil sya yung naririnig kong umiiyak kanina pero sino sya ?
"Ahmm , Miss ?
Excuse me po ? Nasan po ako ?-pag tatanong ko pero hindi nia ako nilingon kaya lumapit pa ako ng kaunti sakanya ...Hahawakan ko na sana sya ng bigla itong humarap na syang ikinina gulat ko
Walang mata ang babae.Nakakatakot
Tatakbo na sana ako ng dahil sa takot pero hindi ko alam kung paano nya ako nahawakan d ako maialis Ang kamay nya sa braso ko ng bigla nyang hinawakan ang leeg ko at sinakal nya ako di ako makahinga ...
"Aaaaaaaaaaakkkkkkkkkk...
Nahihirapan na ako huminga ng biglang ...
- kriiiiiiiiiiiinnngggggggg
KriiiiiiiiiiiiinnnggggggggNapabalikwas ako kaagad ng bangon dahil sa isang masamang panaginip .
Bangungot
Isang masamang bangungot na naman hindi ko alam kung bakit palagi ko n lng napapanaginipan ang babaeng yun sino ba sya ? Mai kinalaman ba sya sa buhay ko ?
Hayyysss ... Maka bangon na nga at amoy laway pa ako .Dumiretso ako kagad sa banyo at naligo pagkatapos ko maligo nag bihis ako sinuot ko na ang pamasok ko bababa na sana ako para mag almusal ng bigla akong naka rinig ng isang bagay na tila ay nabasag .
"SIGE ! MAG HIWALAY NA TAYO DYAN KA NAMAN MAGALING EH WALA KANG KWENTA !!!
HAISTTT
napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko ang aking Ina na sumisigaw na naman hayy naku palagi na lang
Ang aga aga pero pag aaway agad ang inaatuoag nila kahit kailan talaga oh ...By the way
High wayAKO nga po pala si "RONA GARCIA" at wellcome sa buhay ko ang babaeng sumisigaw kani kanina lang ay ang aking Butihing Ina at ayon inaaway na naman nya ang aking Butihing ama na walang ginawa kundi mag lasing .
Dahil na din sa nagaganap sa baba ay hindi na lang ako bumaba , kinuha ko na lang ang aking cellphone .
Naalala ko na naman yung paniginip ko knina parang totoo .
Iwinaksi ko n lang yon sa aking isipan at itinuloy na lang ang pag cecellphone .Nag patuloy akomag cellphone ng biglang tumunog ang alarm clock ko hudyat na para ako'y pumasok .
Mabilis akong kumilos para magawa ang aking kanina ko pang gustong gawin ang
pumuslit .Mukhang tapos na yata ang away nila ?
Hindi ko na kasi naririnig ang sigawan
Eh !Mabilis kong kinuha ang bag ko at mabilis din akong bumaba ng hagdan , tinungo ko ang pintuan pero katulad kanina ay hindi ko na naman ito naituloy dahil sa sinabi ni mama na . Nakapag pa tigil sa akin
"RONA, HUWAG KA NG PUMASOK DAHIL LILIPAT KA NA NG IBANG SCHOOL ". sabi nya na syang nag pa bukas ng aking bibig .
Ano ?... Ano bang iniisip nyo ? Male late na ako oh ! Kung kelan naman papasok n ako oh ...
"H-ha ? Ma ! Naman kaka start pa lang po ng pasukan tska paano na lang yung scholar ship ko "?
"HINDI KO NA KAYA PANG PAKI SAMAHAN ANG PAPA MO HIRAP NA HIRAP NA AKO AALIS NA TAYO DITO AT ISASAMA KITA .
IIWAN NA NATIN YANG PAPA MO .sabi nya sa akin na maluha luha pa .Pero kasi paano yung scholar ship ko ?
Ugh !
Kahit kailan talaga di nla iniisip ang lakagayan ko .
"Ma !? PAANO PO YUNG SCHOLARSHIP KO ?
FIRST BATCH PA NAMAN AKO !
BAKA D NA AKO MAKA PAG ARAL NYAN DAHIL BAKA MAWALA ANG SCHOLARSHIP KO "!Medyo napataas ang tono ng boses ko sino ba naman kasi ang hindi magugulat na out of nowher eh bigla na lang syang mag dedesisyon na ilipat ako ng paaralan .
Kasalukuyan akong nag aaral sa "BLIZZ ACADEMY " at para sabhin ko sainyo na Scholar po ako at kaka start pa lng ng klase nitong mga nakaraang bwan lang ."GAGAWA AKO NG PARAAN , KAKAUSAPIN KO ANG TITA MO AT IPAPASOK KITA SA PAARALANG PINAPASUKAN NIA HINTAYIN MO AKO AT MAG BIBIHIS LANG AKO'T PUPUNTA TAYO SA SCHOOL MO NGAYON !!!
Tila pra akong nanigas at hindi na mka galaw pa sa kinatatayuan ko ngayon mukhang papasok ako sa school ko .Hindi para mag aral kundi para mag asikaso ng requirements ko hindi na din ako naka angal pa kase alam ko na kapag ganun na ang tono ng aking Butihing ina ay di na ako mkaka angal pa .
At yun nga tuluyan na kaming naka alis .Hinihintay ko ngayon dito si Mama sa labas ng faculty room . Inaasikaso nia ang mga requirements ko .
Nung una nagulat ang ibang guro dun kung bakit daw ako lilipat .
Mabuti na lang at naroon ang adviser ko kaya naman napa bilis din agad ang pag asikaso ng mga requirements koHindi na rin ako naka pag paalam sa mga kaklase ko kc nga lilipat na dn nman ako ng paaralan .
Ilang minuto pa akong naghintay bago lumabas si Mama . Habang hawak hawak nia ang isang brown envelope hindi na rn naman kami nag tagal at agad din umuwi
At ngayon nag iimpake kami ng mga gamit namin at umalis ng bahay na hindi ko man lang alam kung nasan ang papa ko
Hindi man lang ako naka pag paalam sakanyaItutuloy ...
#vote
#comment
Thank u 😊

YOU ARE READING
CLASS 205
Mystery / ThrillerWARNING: Ang storyang mababasa nio nag lalaman po ito ng malikot kong imahinasyon dahil na rin sa mga nababasa kong mga storya na nakakatakot at mga patayan , at na inspired dn po akoh sa mga author n magagaling sa pag gawa ng storya kaya sna po su...