Chapter 02: Hidden Place
Sinusundan ko si Helena nang patago kung saan siya pupunta. Tuloy pa rin siya sa paglakad. Hindi ko alam kung sleepwalk lang ‘yun o bukas na bukas ang mata at isip niya habang naglalakad. Lingon siya nang lingon na wari bang nararamdaman niyang sinusundan ko siya. ‘Di ko na nga alam kung saan siya patungo. Ang buong akala ko nga ay didiretso lang siya ng CR para umihi pero hindi, nilagpasan lang niya ‘yon kaya mas lalo ako nagtaka kung saan siya papunta.
Kinikilabutan ako habang sinusundan siya dahil sa lamig ng paligid kahit nasa tagong parte na kami ng HYO. Hindi ko nga alam na may ganito palang lugar dito. Tila mga malalamig na ihip ng hangin ang dumadampi sa aking mga binti. Dahil sa layo na ng aming narrating pati na rin tago na itong parte ng HYO, sobrang dilim na ng paligid, wala ka na talagang maaninag. Sadyang kailangan mo nalang makiramdam.
Hanggang sa napatigil ang mga yabag na paa ni Helena, napatigil na siya sa paglakad. Tumigil din ako at nagtago sa posible kong pagtaguan, sa isang dingding doon na tagong tago mula sa kanyang kinatatayuan. Nakasilip lang ang aking mga mata at nakita si Helena na may hawak na isang torch kaya lumiwanag din ang dating madilim at malamig na paligid.
“May tao ba d’yan?” bulong na tanong ni Helena habang iniikot ang mga tingin sa buong paligid. Tinanggal ko na sa pagkakasilip sa’king mga mata ng magtama ang aming mga mata. Nag-sign of the cross ako dahil sa takot na aking nadarama ng magsalubong ang aming mga mata.
Dug. Dug. Dug.
Nanginig ako sa takot ng biglang narinig ko ang mga yabag ng paa ni Helena. Napapikit ako at nagdasal. Pinagpapawisan na ang buong katawan ko kahit malamig ang paligid. Di rin naglaon, tumigil ang mga tunog ng yabag na iyon.
“Salamat, Lord,” bulong ko habang nag-sa-sign of the cross. Binaling ko ang aking mga tingin sa paligid. Ang dating maliwanag na paligid na pinapailawan ng isang torch ay biglang nawala. Paano? Nakapagtataka.
Naghintay muna ako ng ilang sandali para masigurado kong wala na sa paligid si Helena. Ang weird talaga ng batang ‘yun. Saan na kaya nagsusuot ‘yon? Pawis na pawis ang aking kamay at nangangatog habang naglalakad. It looks like I can’t move on on what happened a while ago yet I’m still here following this cool weird child on her mysterious way.
“Helena? Helena? Lumalalim na ang gabi. Ba’t ka pa andito?” Biglang bumukas ang aking bibig at lumabas ang mga katagang ‘yan. Dapat nga ay susundan ko siya kung saan siya patungo sa tagong parteng ito ng HYO pero tila lumabas na ang aking pag-aalala ng paglabas ko sa’king kinatataguan kanina.
Ipinaulit-ulit ko ang pangalan niya pero walang nasagot. Hanggang sa pahina na nang pahina ang aking pagtawag sa kanyang pangalan dahil sa isang misteryosong bulong ulit ang aking naulinigan mula sa ‘king kinatatayuan ngayon.
“Don’t you still get it? And now, you want to kill my daughter?”
Nangatog ang aking binti ng narinig ko ‘yung bulong na ‘yan. Pa-atras ako ng pa-atras at tinatakpan ang aking dalawang tenga nagbabakasakaling mawawala iyon sa’king pandinig pero patuloy pa rin iyong paulit-ulit na pumapasok sa ‘king tenga. Tila galit at gusting manghiganti ang nagbulong ng mga katagang aking narinig.
“Sino ka ba? Can you please stop this nonsense?” Sigaw ko ng na-corner na ako sa isang gilid ng pader. Wala na akong pwedeng atrasan habang nakatakip pa rin ang aking tenga ng aking dalawang kamay. Tumindig lahat ang aking mga balahibo sa katawan. Akala ko’y mahihimatay ako pero biglang may…
“UWAAAAAH!” Nagulat ako ng biglang may humawak ng aking kamay na kanina’y nakatkip sa ‘king tenga. Isang malamig at maliit na kamay. Napatakip ako ng mata gamit ang isa ko pang kamay at unti-unting sumusulyap ako mula sa’king pagkakatakip.
BINABASA MO ANG
The Truth about 11:11 {TO BE REVISED}
HororEvery wish has replacements that you'll never like. Current Cover by three3na Former Covers by alphami & haryleu