CHAPTER 28
"Katrina," banggit ni Camille sa anak niyang kalalabas ng classroom.
"Hello po."
"Anak, ako na muna ang susundo sa'yo ha? Sinabi ko na rin naman kay manong Noel."
"Sinabi niyo rin po ba kay Papa?"
"Bakit? Mommy mo naman ako. Tsaka gusto sana kitang makasama sa mall para kumain tayong with Calix."
"Really? I miss Calix so much."
Pagdating nila sa mall, bumitaw bigla si Katrina at tumili.
“Mama Shaira!”
Hinagkan ni Shaira si Katrina, walang kamalay-malay ang dalaga na kasama nito ang ina.
“Shaira, si demon wife,” bulong ni Sam at hinatak ang damit ni Shaira. Masa ang tingin ni Camille habang papalapit sa kinaroroonan ni Shaira at Sam.
“Kat, mauuna na kami ha? May pupuntahan pa kasi kami ni Sam.”
“Katrina halika na,” bakas sa boses ni Camille ang galit kaya lumapit ang bata sa kanya.
“Alam mo shaira, kung ako lang talaga ang nasa sitwasyon mo, sinabunutan ko na ‘yan! Siya na nga ang nanlalaki, siya pa ang galit at kung umasta parang si Kean pa ang may mali! Gaga talaga sarap upakan.”
“Hayaan mo na siya, hindi ko rin naman siya papatu--, excuse Sam,” lumayo ng bahagya si Shaira dahil sa tawag ni Kean. Nahalata ito ni Sam at lumapit kay Shaira.
“Where are you now? Pwede ba kitang yayain mag-dinner?”
“I’m with Sam,” tinakpan ni Shaira ang speaker ng phone at tinawag si Sam nang bigla itong kumaripas ng takbo upang iwan siya. “Sam bakit mo ako iniwan! Ugh!”
“Hello Shaira?
“Ah--y-yes? Sige nandito lang ako sa mall."
Hinihintay ni Shaira si Kean sa labas ng terminal hanggang sa makita na niya ang sasakyan nito.
"Saan tayo pupunta?"
Ngiti lamang ang sagot ni Kean at mas lalong kinabahan si Shaira sa gagawin ni Kean. Ilang sandali at narating nila ang 360 deck view, namangha ang dalaga dahil hindi ordinaryong dinner date ang naghihintay sa kanya.
“Ang bongga naman,sir.”
“Don’t call me Sir, ilang beses mo na akong tinawag na Kean.”
Nang umupo si Shaira, hindi pinalampas ni Kean ang pagkakataon upang lumuhod sa harapan ng dalaga.
"I like you more than an employee. Alam ko nagulat ka, lalo na't alam mong may anak ako pagkatapos ikaw na dalaga at career woman. When I’m with you, I feel so happy, pakiramdam ko lalabas ang puso ko. Mula noong nahalikan ko ang mga labi mo, hindi ka na nawala sa puso at isip ko. This is all true, Shaira. I love you, at kahit no gagawin ko para sa’yo.”
Hindi nakakibo si Shaira at nanlalamig ang katawan niya sa sobrang kaba.
“Are you okay?”
“Paano si Camille? Kasal pa kayo, sa madaling salita kabit ako.”
“No, no. You are not my mistress. Alam mo ang istorya ng buhay ko. In process ang annulment namin, Lahat iyon mawawalan ng bisa sa ayaw at sa gusto niya.”
“Pero ang mga mata ng tao sa akin?”
“Mahal kita, wala silang ambag sa buhay natin. Liligawan ko ang Mama mo para tanggapin niya ako.”
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romantiek"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...