Chapter 7:

1.1K 46 3
                                    


Chapter 7

Magic


Matilda's POV

Alam niyo ba noong High School ako, Idol na Idol ko si Tinkerbell. Even though she was small at sobrang layo ng agwat nila... nanatili parin siya sa tabi ni Peter Pan. Kahit na may dumating pa na Wendy sa buhay niya nandun pa rin siya.

Oo.

Kasalanan talaga ni Tinkerbell kaya tumandang dalaga ako.

Charr lang. Ako talaga ang may kasalanan. Nabanggit ko lang talaga si Tinkerbell. Hindi ko man masyadong pinakaisipan bakit— BAKIT ako nasaloob ng kwarto ni SIR PRINCE. At mataman lang nakikinig sa maganda at gwapo niyang boses. Yes, kahit na may bahid ng medyo paos at childish pa na boses ang tinig ni Prince, 'di mapagkakailang pogi pa ring pakinggan ang boses niya. Pati pagkurap at paggalaw ng mga pilikmata niya kitang kita ko na parang in 3D pa!

Patawarin nawa ang halos 30 years old na matandang dalaga na ito—pero kasi...ang batang version ni Prince, nagpapalaglag parin ng panty ko. Bakit ba kasi half Irish ang Mama ni Prince? Bakit ba kasi ang tangkad at tikas ng Papa ni Prince? At bakit kasi lahat ng mga magagandang katangian nila sinapo ni Prince? At bakit ba nung nagsaboy nang kagandahan sa mundo si Lord absent ata ako? BAKIT???

" Are you even listening? "

Untag ni Prince saakin.

" H-ha? "
Parang wala naman sa sariling sagot ko dahil nga masyado akong busy sa pagtitig sa mukha niya. Hindi kasi ako sanay na nakikita siyang sobrang lapit!

" A-ah! Oo! Nakikinig ako! Nakikinig ako! " Pag uulit ko nang hindi siya sumagot at pinanliitan lang ako ng mga mata.

" I was too kind to teach you, dahil alam kong walang laman ang utak mo kundi mga walang kwentang bagay, but here you are—not listening. " Iritableng sabi niya habang nakakunot ang noo. Pero bakit ganoon? Gwapo parin siya kahit nagsusungit?

" Nakikinig ako! Nadi-distract lang talaga. " Pag aamin ko sabay tingin dun sa Adam's apples niya. Nakita ko kasi na humahagod sa lalamunan niya nung nagsasalita siya kanina.

" I know I'm too handsome. "
Biglang sabi niya. Napabaling naman ako sa mukha niya. Nag smirk siya sabay taas kilay. Then, nagising na ako sa pagpapantasya ko. Yabang eh! Kala mo naman tinititigan ko siya.

Oo, kaya! Kulang na nga lang mag laway ka diyan Matilda!

Sagot ng konsensiya ko.

" Ahem! Eh bakit mo ba ako naisipan turuaan? " Pagiiba ko ng topic. Nakakahiya kasing aminin na pinagpapantasyahan ko siya. Pero hindi siya sumagot kaya natigilan din ako.

" ...about what happened —"
Pag sasalita niya.

" Ha? "

" Yesterday —sorry. "
Natigilan uli ako. Yung bang tungkol sa tatlong bruha yung sinasabi niya? So...hanggang ngayon iniisip pa rin niya yun?

" Ahhh- Don't worry! Hindi naman ikaw yung nag kulong saakin dun. Don't say sorry para sa tatlong Bruha. Wala kang kasalanan. " Awkward na sabi ko. Gosh, bakit ba ako biglang kinabahan.

Her Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon