Haaayyy,,, monday na naman. Kung hindi lang sana dahil kay Cristoff, hindi ako magiging ganito kainteresadong pumasok sa school pero buti na lang meron siya, *insert kilig*.
Nasa East Northumberland High na ako ngayon at kasalukuyang naglalakad papuntang classroom. Sa kabilang coveredwalk ako naglakad kung saan mas malayo sa room namin pero ok lang yun dahil nadadaanan ko naman yung classroom nila Cristoff. Umagang umaga puro Cristoff na ang laman ng mind ko, at malamang hanggang maghapon na itong kakaCristoff ko or what I call "Cristoff Syndrome". Sana makita ko siya para naman mag-uumpisa itong araw ko na good vibes lang. Di ba angsaya ng ganun, para ganahan akong mangopya ng writings sa blackboard, o magtake down notes, o makinig sa discussion, at para di ako nadistruct sa kakaisip kung pumasok ba siya o hindi.
Ilang sandali pa ay tumunog na yung bell, sign ng flag ceremony. Nagpuntahan na ang mga students sa ground kung saan isinasagawa ang flag ceremony. Yung line na dapat ay naarrange according to height, ay naging according to your friends na. So magkakalapit lang kami nila Marj, Sophy at Sam. Samantalang ang aking mga mata naman ay hindi mapakali sa paghahanap kay crush, you know? ^_-
Tit...tit...tit...tit...tit...detecting Ivan Cristopher Dizon. Tit...tit...tit...
Tootootootoot... Crush detected.
At ayun siya, nakita ko na.
Pagkatapos ng prayer, lupang hinirang, panatang makabayan at school hymn, pumunta ang principal namin sa harap para sa speech niya.
"Goodmorning everyone, I just wanted to announce that our Intramurals will be held next week. To all the students who will participate in the sports competition, make sure that you'll register your name to the president of the Sports Club and you have all the time this week to practice in your chosen sport. Good luck to all of you and that's all."
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa classroom namin at nagkwentuhan kami nila Sam, Marj at Sophy.
"Guys anong sasalihan niyong sports?" -Panguna ni Sam
"Ahmmm ako, sasali ako sa acrobatics" -pabirong sabi ni Marj
"totoo sasali ka Marj? Di ko alam meron din palang acrobatics."
-Sophy
"Baliw! Joke ko lang yun, naniwala ka naman. Walang acrobatics no! Kung meron man e di sana andami ko na ngayong gold medals hehe" -Marj
Kailan ka pa nahilig sa acrobatics Marj? - sophy
"Hay nako anghirap talagang magbiro sa mga taong kagaya ni Sophy na masyadong henyo." -sarkastikong sabi ni Marj
"Henyo? Ako? Haha thanks" -sabi naman ni Sophy
"Alam niyo naiimagine ko na ang gagawin natin sa Intramurals" -ako
"Huh? E ano naman? -tugon ni Sam
"Naiimagine kong, nandun na naman tayo sa bleachers nakaupo at walang ibang ginagawa kundi ang manood at magcheer." -sagot ko
"Haha angbitter mo naman C.A.! Malay mo may milagrong mangyayari at mababagsakan tayo ng bulalakaw tapos mawawalan tayo ng malay tapos paggising natin madidiskubre natin yung mga super powers natin, na napakatalented at sobrang sporty na pala natin. Di ba? Di ba?" -tugon ni Sophy
"Ayan! kapapanood mo ng wansapanataym!" -sabi ko
Habang naglalakad, nadaanan namin yung registration ng mga sasali sa mga sports competition. May linya para sa mga sasali sa badminton, basketball, volleyball, table tennis, lawn tennis, chess, gymnastics, running, archery, at kung anu-ano pa.
Sa dinami dami ba naman ng sports, wala man lang akong alam kahit man lang sana sa isa. Pero wala e, magmemorize lang ng lyrics ang talent ko. Mabuti pa sana kung sinamahan na ng magandang boses kaso waley. Pag ako talaga nagkapera, magvovoice lesson, guitar lesson, piano lesson, at magbabayad ako ng trainor ko sa lahat ng sports.
"Wait si... yung sinasabi kong magaling sa basketball noon!" Sabay turo ni Sam sa isang lalake na nakapila sa linya ng basketball, kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Kaso hindi ko pa alam yung pangalan niya." -dagdag pa ni Sam
"Upo nga muna tayo sandali" -sabi ni Sophy
"Crush mo siya no?" -tanong ni Marj kay Sam sabay evil smile.
"Oo bakit ano na naman ba pinaplano mo ha? Alam ko na naman yang tingin na yan. Kayo, pag kayo nag-iskandalo, ay subukan niyo lang." -Sabi ni Sam sa amin
Iskandalo? grabe naman yang term mo. Hmmm siguro sabihin na lang nating mas ok lang ng konti kaysa sa iskandalo. Di ba guys? Sabay nakipag-apir ako sa kanila.
"Oy! Andyan na siya, magtino tino kayo!" -utos ni Sam sa amin
"Ikaw Marj ang magtatanong sa pangalan ng crush ni Sam, tutal ikaw naman ang may pinakamakapal ng mukha dito." -bulong ni Sophy kay Marj
Isa sa mga advantage ng may friends ay yung may tumutulong sayo, like yung pagpush sa inyo ng crush mo.
At gaya nga ng plano, biglang tumayo si Marj at lumapit sa crush ni Sam na may kasamang iba pang mga lalake. Wala naman ng nagawa si Sam kundi umupo at panoorin kung anong gagawin ni Marj.
"Kuya! Kuya! Excuse me, pwede bang malaman ang complete name mo, Ah I mean complete names niyo kasi kailangan lang po namin,,,, kailangan namin kasi pinapakuha po ng MAPEH teacher namin yung mga names ng participants sa basketball. Ahmmm ok lang po ba?" -pagsisinungaling Marj sa kanila.
"Paulo Ruazol" -tipid na sagot nung crush ni Sam
Tinignan ni Marj yung I.D. niya.
"Sorry di ko po kasi alam yung spelling ng pangalan niyo." -sabi ni Marj
At nagpakilala din yung mga ibang kasama niya.
"Ay oo kilala ko na kayo" -pagsisinungaling ulit ni Marj sa kanila.
Umalis na sila samantalang si Marj naman bumalik na sa amin
"Paulo Ruazol daw yung pangalan niya fren!" -sabi ni Marj
"OMG fren, we're proud of you, angkapal talaga ng face mo." Puri ko naman kay Marj
"Thank you talaga Marj" - sabi naman ni Sam
"Take note ngayong araw ay araw ni Sam" dagdag pa ni Sophy
"Nalaman lang yung pangalan niya, araw ko na agad? Ang OA nio din e no?" -tugon ni Sam
"Pero kinilig ka naman?" -sabi ni Marj
BINABASA MO ANG
Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)
Teen FictionSi Cara Adelise Margano, isang babaeng never pang nagkaboyfriend kaya naman kung magkacrush ay to the maximum level. Naging theme song na rin niya ang kanta ni Anne Curtis na "Tinamaan" kaya nga wala siyang pakialam kung maging desperada man siya, p...