"uhm,jane may balita ka ba kung kailan m-manganganak si abi?"tanong ko.nandito kami ngayon sa isang fastfood malapit sa may hospital,nag-aya bigla si jane at hindi ko alam kung bakit dito pa kami kumain.
"ayun nga ang ipinunta natin dito,ngayon na ang due date niya"tugon niya.
"ano?!bakit ngayon mo lang sinabi?"gulat kong tanong.
"eh,sorry baka kasi hindi ka pumunta"
"alam mo namang matagal na iyon diba?wala na rin naman sa'kin 'yon,at napatawad ko na sila"nakangiting ani ko.ilang buwan na rin kasi ang lumipas,naisip ko na naging parte pa rin naman siya,sila ng buhay ko.
"tara na,gusto ko na makita yung baby!"excited na aya niya nang matapos kaming kumain.tumawag kasi si vince sakan'ya at sinabing tapos na nga daw.
pagkarating namin ay nasa labas si vince."mauna ka na muna"ani ko kay jane,tumango naman siya at pumasok na sa loob.
"marisse,kamusta?"tanong niya.
"ayos naman,ikaw?daddy ka na ngayon ah..congrats"nakangiting tugon ko.
"ang bilis ng panahon.hindi ko inaasahan na magiging tatay na ako pagkagraduate ko.."iiling-iling na aniya saka tumawa"wala eh,loko loko ayon tuloy ang napala ko"buntong hiningang patuloy niya.
"ano ka ba,'wag mo ngang sabihin 'yan,alam ko namang magiging mabuting magulang kayo no"
"sorry marisse ah,thank you din..kasi nagawa mo pa rin akong mapatawad sa kabila ng mga ginawa ko sa'yo."
"wala 'yon no"
"hindi mo deserve ang gagong katulad ko..pero siya,siya na ang nakalaan para sa'yo.deserve mo ang pagmamahal niya,kaya 'wag na kayong maghihiwalay ah"nakangiting aniya.
"siguro, ikaw yung naging daan,lahat ng mga nangyari ay naging dahilan kaya ako naging mas matibay,oo natakot akong magmahal ulit,pero..wala naman sigurong masama kung susugal ulit ako,wala naman sigurong masama kung pagkatiwalaan ko ulit yung lalaking minsang pinagkatiwalaan ko at nagpatibok ng puso ko.."ani ko at niyakap niya ko.
"bilib talaga ako sa'yo!"natatawang sambit niya"tara na sa loob"aya niya saka kami pumasok.
bumungad naman sa'min ang nurse,lumapit ako sa kama ni abi at nakita kong nagulat siya nang makita ako.umupo naman si vince sa may couch sa gilid.
"abi,ano kamusta ang bagong ina?"biro ko.
lumapit ako sakan'ya at hindi ko na napigilan ay niyakap ko siya bigla.
"i missed you"bulong ko.pagkakalas ko sa pagkakayakap ay nakita kong pinunasan niya ang pisngi niya."i'm sorry.."umiiyak na aniya
"wala na 'yon,kalimutan na natin ang nakaraan..ang mahalaga natuto tayo"nakangiting sabi ko at niyakap ulit siya.
"sali naman d'yan"ani jane saka sumali sa amin.
"anong pangalan ng inaanak ko?"natatawang tanong ko saka lumapit sa baby.
"gailee"ang cute naman,babaeng babae.
"hi gailee,ang cute naman ni baby!"ani ko sa maliit na boses.napatingin kami dahil bumukas ang pinto.
"what's up madlang pipol!"sabi ni cahlil,nakasunod naman sakanya si crist na may bitbit na paper bags,mga pagkain siguro ang laman.
"huwag ka ngang maingay,maaalimpungatan si baby"bawal sakanya ni jane.
"hi daddy!"pabaklang biro ni crist kaya nagsitawanan kami.
nagstay pa muna kami do'n hanggang sa nagdesisyon na rin kaming umalis nung bandang hapon.
_____
"ma'am,pinapatawag ho kayo ng daddy niyo"sabi ng sekretarya ni daddy pagkapasok sa opisina ko.
"sige,susunod na ako"ani ko.bakit kaya?pwede naman niya akong tawagan e.dalawang taon na rin pala ang lumipas at gano'n lang ang ganap ko sa buhay,papasok sa trabaho,mag de date kami ni liam tapos uuwi sa bahay.
"dad,pinapatawag niyo daw ako"tanong ko pagkapasok."oh ate,anong ginagawa mo rito?"nagulat ako dahil minsan lang naman pumunta si ate dito.
"hija,mamayang gabi na ang flight namin papuntang japan para sa business trip..at kasama si kath"kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"bakit kasama si ate kung business trip?"naguguluhang tanong ko.
" 'trip' ko lang"natatawang ani ate.
"hindi ba ako pwedeng sumama d'yan dad?"tanong ko.ang daya eh,baka mamasyal lang gawin ni ate do'n.
"hindi na marisse,babantayan mo ito..1 week kaming mawawala" napabuntong hininga nalang ako.hindi ko naman siya mapipilit e.
pero nagtataka ako,normal naman na umaalis sila pero pinapunta pa ako rito para sabihin iyon.tapos kasama nila si ate.
bumalik na ako sa opisina at nilibang ko nalang ang sarili sa mga papel na nasa table ko.
"hello,busy ka ngayon?"tanong ko kay liam sa kabilang linya.
["uhh,oo eh babawi nalang ako sa'yo bukas"]aniya at bigla nalang pinatay.napatingin naman ako sa screen.hindi naman kami nag-away ah,bakit bigla niya akong pinatayan?
"hello,jane busy ka?labas sana tayo"sabi ko sa kabilang linya,kung ayaw ni liam,mga kaibigan ko nalang.
["sorry marisse,busy ako ngayon eh..next time nalang ha,bye!"]pinatayan din ako?!
"hello,abi ano busy ka rin?"ani ko,inunahan na siya sa sasabihin.
["paano mo nalaman?babawi ako sa'yo promise,bye sis!"] napabuntong hininga nalang ako at binaba na ang phone ko sa table.
bakit ba lahat sila busy?hindi naman sila ganyan kapag nagaaya ako. ang weird naman ng kinikilos nila.
hayaan ko na nga lang,intindihin ko nalang baka busy talaga sila.nang mag hapon na ay naisipan kong kumain muna sa isang fast-food malapit dito.
umorder nalang ako ng pizza at pasta.
saka ko kinain habang lutang ang isip ko.mga kasam-bahay nanaman kasama ko sa bahay mamaya,ng buong isang linggo pala.ang lungkot naman,papuntahin ko kaya si liam?o kaya mga kaibigan ko?kaya lang may mga ginagawa naman sila baka makaistorbo lang ako.hindi ko alam kung paano ko mabilis na naubos ang kinain ko dahil hindi ko namalayan.
nang makarating ako sa bahay ay hindi na ako kumain ng hapunan,dumeretso na agad ako sa kwarto.nagshower lang ako.tapos ay nahiga na.
kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang instagram saka nag scroll lang ng nagscroll pero hindi pa rin ako makatulog.kinuha ko nalang ang laptop ko para manood ng pwedeng mapanood.
matutulog na sana ako pero biglang nag ring ang cellphone ko.si jane ang tumatawag kaya sinagot ko agad.
"hello?"
["hello,marisse pumunta ka na dito ngayon,si l-liam naaksidente! itetext ko nalang sa'yo kung saan,dali"] bigla
namang kumalabog ang puso ko at tumibok ng mabilis.hindi ko na siya sinagot at dali daling nagbihis dahil naka pajamas lang ako.
nag drive lang ako hanggang sa makarating sa sinabi ni jane na lugar.bumaba ako at dahan dahang naglakad sa mga nagkukumpulang mga tao.
nang makasingit at tuluyan ko nang nakita ang nangyari ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.kasabay nito ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
"liam.."
~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
ספרות נוערsinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...