Tatlong taon na ang nakakalipas, nang may nakasabay ako sa Jeep isang lalaki na nakatitigan ko lang hindi ko akaling mamahalin ko na pala. Naka sabay ko siyang papuntang Mall, nung una akala ko may jowa na at suplado si Kuya. Pababa na kami ng Jeep nang tatayo na ako upang bumababa nalaglag ang panyo ko na siyang naka agawa ng atensiyon niya dali-dali niyang pinulot 'yon at iniabot sa akin na siyang nakapag pangiti sa akin. Na una na siyang bumababa habang bumababa siya sinusundan siya ng aking mga mata nang hihinayang na hindi man lang na laman kanyang ngalan.
Buong araw akong tulala, kakaisip sa lalaking naka-sabay ko sa Jeep.
Hanggang sa...
May na bunggo akong tao, sa sobrang kung pag iisip sa lalaking nasa Jeep kanina hindi ko namalayan na may na bunggo na pala ako, pero hindi ko mawari ang aking saya nang nakita ko ang nabungo ko, 'yong 'yong lalaki kanina sa Jeep!
Sobra sobra ang ngiti na ipinakita ko sa kanya hanggang sa nag salita siya"Ow, Miss ikaw pala ulit. Mag-iingat ka sa susunod baka poste na ang mabunggo mo" bigla siyang tumawa na ikinahiya ko ng ka onti.
"Ay, sorry iniisip ko kasi pangalan mo kanina pa" banggit ko ng pabulong pero hindi ko akalin na maririnig niya!
"Ha? Panglan ko? Amm, Yohann, Yohann pangalan ko, nice meeting you!"
"Hala, nice meeting you too, I'm Cassandra nga pala, sorry kanina sorry talaga"
"Yeah, it's okay! nga pala may kasama kaba, tara milktea, treat ko tutal friends naman na tayo?"
"Ha? Friends lang ayaw mo ng Girlfriend?" banggit ko ulit ng pabulong sana hindi na niya narinig hmpk!
"Hmmm, sure kaso dadaan pako ng National Book Store to buy some highlighters"
"Tara, samahan na kita."
Omyyy, Lord sign na ba 'to na siya na? chos. Lord, thank you talaga lakas ko sayo.
Pag tapos namin pumunta sa National Book Store, pumunta nga kami sa Milktea Shop at siya ang nag bayad,tama ba 'to kakakilala pa lang namin. Pero ayos na 'yan baka siya na ang THE ONE ko.
Makalipas ang ilang linggo naging close kami ni Yohann, madalas kaming mag kita, madalas kami mag date lumabas labas.
Hanggaang sa isang araw nung magkasama kami sa park, bigla siyang naging seryoso akala ko kong ano na, 'yon pala aamin lang siyang gusto niya ako. Na siya namang ikinatuwa ko dahil gusto ko din siya.
Lumipas ang mga araw at naging kami, mag ka vibes sa lahat ng bagay kong ano ang gustong gawin ng isa go lang basta alam ang limit. Hindi kami nag-aaway pero hindi ko inaaasahang aalis siya, akala ko sa pinas lang siya aalis 'yon pala pati sa buhay ko. Nag punta silang America isinama siya ng mama niya sabi niya walang magbabago, magiging masaya parin kami kahit magkalayo, pero iba ang nangyare nagkalabuan kami, napapadalas ang away na dating hindi namin na gawa.Lumipas ang limang buwan nakita ko sa Instagram niya na may kahalikan siyang babae na may caption pang "Love, i love you" gumuho ang mundo ko, umiiyak ako ng walang naging sandalan, nawala 'yong taong nangako sakin na magiging masaya parin kami. Sinubukan ko siyang tawagan para kausapin pero wala na, hindi ko na siya macontact, pati sa mga social media niya.
'yong taong pinahalagahan ko ng mahigit tatlong taon nawala ng biglaan ng hindi ko namalayan.
Akala ko magiging masaya ako sa piling ng iba pero bakit hinahanap hanap parin kita?
Tatlong taon nating pinagsamahan sinayang mo Lang para sa pandaliang saya.
Tinanggap ko, nag hanap ako ng iba gaya ng ginawa mo. Pero bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ako masaya? Siguro kasi Mahal parin kita at ayokong gumamit ng iba para kalimutan ka.
Akala ko Mahal ko na siya, pero hindi pala. Dahil Mahal parin kita. Mahal parin kita! Pilit kong kinakalimutan ka pero.
Bakit hindi ko magawa?
Ayoko na, masakit na.
Tama na.
Pero ang daling sabihin, ang hirap gawin.
Gusto kong sabihin sayo na..
"SANA TAYO NA LANG ULIT"
Pero ayoko, dahil alam kong iiwan mo lang ako sa huli gaya ng lagi ginawa mo noon.
Wala nakong nararamdaman na sakit pag nakikita kang may kasamang iba. Dahil masaya nako para sayo, pero sana tayo na lang ulit.
Dahil ikaw ang kasiyahan ko,
Buhay ko at Mahal ko.
Mahal parin kita, Sana alam mo 'yan.
Pero masaya ka ng wala ako sana magawa ko rin ang ginagawa mo na maging masaya ng wala ako sa piling mo.