CHAPTER FIVE

143 47 22
                                    


LUCAS'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng simbahan kasama si Samantha at ang sakit sa tenga nyang kaibigan na si LanaLata. Napapahinga ng malalim at ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng pawis ko dahil sa kakaibang pakiramdam ko. Pinunasan ko ito kasabay ng pag-aayos ko ng kwelyo dahil parang nasasakal ako sa kabang nararamdaman ko. Potek. Pinagpapawisan din pala ang kaluluwa like me?

"Bilisan mo Samantha at magsisimula na ang misa!" sigaw ni LanaLata kay Samantha para mapabalik ako sa reyalidad at mapaharap dito. 

Hinawakan nya ang kamay ni Samantha papasok ng simbahan. Pasimpleng lumingon sa akin si Samantha at napanguso naman ako dahil hindi ako makasunod sa kanila.

"Wait lang Lana!" sabay hinto ni Samantha sa paglalakad dahilan para mapalingon sa kanya si Lana."Mauna kana pala, may gagawin lang ako. I-save mo din ako ng upuan."

Napatango si LanaLata at pumasok na siya ng simbahan. Lumapit sakin si Samantha at pasimpleng bumulong.

"Bakit hindi ka makasunod? Hindi ka makapasok noh?" pang-aasar na sambit nito sakin.

Napakunot ang noo kong tumitig sa kanya. "May kakaiba akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano ito" Lumayo sya ng bahagya sakin at napanguso ako ng makita kong nakayuko siya. "Bakit? Anong meron?"

Marahan nyang iniangat ang kanyang ulo kasabay ang nakakalokong ngiti nya sakin. Napalagay nya ang kanyang kamay sa kanyang likod at napaatras pa.

"Ambait pala talaga ni Lord noh?" isang malaking ngiti nya at hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi."May lugar pala na hindi mo ako masusundan." 

"Bakit? Anong balak mo?" tanong ko sakanya.

Tumalikod siya sakin at itinaas nya ang isang kamay nya. "Pano ba yan? Alis nako! Iwan na kita dito...."

"Hoy! Hwag mo kong iwan dito! San ka pupunta?!" malakas na sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo palayo si Samantha. Walang lingunan itong pumasok sa loob ng simbahan at tuluyan nya akong iniwan sa labas.

 Napapailing akong napasunod dito ngunit natigilan ako ng mapagtanto kong papasok na ako sa loob ng simbahan. 

Napalunok ako at tinanaw ko sya mula sa malayo. "Tandaan mo tong araw na ito. Iniwan mo ako dito sa labas!" Napahinga ako ng malalim at napameywang pa. Inis naman akong lumingon sa simbahan. 

"Masubukan ngang pumasok. Baka nadala lang ako sa takot ko kanina dahil isa akong kaluluwa pero hindi pa naman ako patay para hatulan ni Lord."

Lumapit ako sa pintuan at tinignan ang kamay ko. "Kamay ko muna ang itetesting ko para pag may nangyareng hindi maganda.. Ito lang ang masusunog sakin." ipinasok ko ang kamay ko at agad kong inilabas din. Napakunot ang noo ko at napatingin dito. 

"hmm?"  Inulit-ulit ko ang ginawa ko kanina 

"Wala naman akong nararamdamang kakaiba" sabay hawak ko sa baba ko na parang pinag-iisipan ko kung papasok ba ako o hindi. 

Napahinga ng malalim at itinaas ang isang paa. Napapasok ito sa loob at wala pa din akong naramdamang kakaiba. Inilapat ko ang aking paa sa sahig nito kasunod ng isa ko pang paa dahilan para mapapasok ako ng tuluyan sa loob ng simbahan. 

"Hmm.." sabay ikinapa ko ang katawan ko.

 "Okay pa naman ako." Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Samantha ngunit napukaw ng atensyon ko ang isang batang babaeng bulag na nakaupo sa tabi.

Lumapit ako sakanya at bumagsak ang balikat ko ng mapagtanto kong mag isa lang siya, dahil sa dumi at punit punit niyang mga damit. "Bata ka pa lang pero ang hirap na ng kalagayan mo." Naawang sambit ko sabay talikod ko sakanya.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon