Chapter 4: First Mess They Started

34 6 5
                                    

Chapter 4

RUBY

"Argh!" daing ko nang makalabas na ako sa portal at sumubsob sa lupa una pa ang mukha.

Leche! Humanda sakin yang yelong yan mamaya. Tatayo na sana ako nang biglang may dumagan sakin kaya ang ending? Nakipaghalikan ulit ako sa lupa.

"Ang Sapphire na yun! Pwede namang makiusap". Hindi ko alam kung sino mang nilalang ang kausap ni Amethyst pero wala na akong pakialam diyan. Ang gusto ko lang ay ang umalis na siya sa pagkakadagan sakin.

"A-amethyst", nahihirapang saad ko habang sinusubukang bumangon pero parang bingi ata tong kapatid ko dahil patuloy lang siya sa pagsasabi na 'sesermonan ko talaga siya mamaya' at 'ang babaeng yun talaga'.

Itinukod ko na ang dalawang kamay ko sa lupa at nang makaangat ng kaunti ay sinigawan ko na siya.

"Puchangyawa Amethyst!Mamamatay na ako sa kakadagan mo sakin!"

Tila natauhan naman siya sa sigaw ko at napalingon sakin. Humingi muna siya ng paumanhin at aalis na sana siya sa pagkakadagan sakin nang may marinig kaming nakakabinging sigaw galing sa portal.


"WAAAAAAAAHH!!"

'Kingina mehn'

Ilang beses na ba akong nakipagkiss to kiss sa lupa? Masyado na ba akong maganda kaya pati lupa ay type ako? Kasalanan ba talaga ang pagiging maganda?

Dahil sa paglabas ni Pearl sa portal ay ayun, nakipaglips to lips na naman ako sa lupa.

"Pearl! Are you okay? Oh my gosh Ruby!"

Agad silang umalis sa pagkakadagan sakin at tinulungan akong bumangon. Umalis kami agad sa bukana ng portal dahil baka sa susunod ay elepante na ang lumabas diyan, ikamamatay ko yun.

"llang kaning baboy ba ang kinakain mo Pearl? Kasing-bigat mo na ata ang isang kalabaw". Napasinghap naman siya at dinuro-duro ako na parang hindi siya makapaniwala na sinabi ko yun eh totoo naman.

"Excuse me?!" eksaheradang tanong niya.

"Ruby are you okay?" nag-aalalang tanong ni Amethyst habang sinisipat ako. Gusto ko sana siyang sigawan ng, 'Ano sa tingin mo? Mukha ba akong okay pagkatapos akong daganan ng dalawang babaeng kasingbigat ng kalabaw?!' pero wag nalang. Hindi ko kayang sigawan ang isang mala anghel na kapatid ko na alalang-alala sakin. Mahirap na magkakaroon na naman ako ng free pass sa impyerno.

"Ayos lang," napadaing ako nang sinubukan kong tumayo kaya agad niya akong inalalayan. Dagdag sakit na naman sa katawan hayst.

"Hey, you're not fine"

Ayos naman na ako pero dahil sa likas akong mabait...

"It really hurts," pagdadrama ko habang nakahawak sa likod ka. Ngayon ay nag-aalala na talaga siya at pati si Pearl na mukhang nakamove-on na sa sinabi ko kanina ay lumapit na sa amin na handa nang gumamit ng healing spell.

"Saan? Saan ang masakit?"

"Ang magmahal ng ganito," pakantang dugtong ko sa sinabi ko kanina kaya naman dalawang malakas na batok na katumbas ng isang suntok ang natanggap ko.

"Kahit kailan talaga!"

"You are so annoying"

Pinagtawanan ko lang sila at naupo sa malapit na puno. Dinala kami ng portal sa isang gubat. Hindi ko nga lang matukoy kung anong gubat ito ng Aurelia. Bata palang kami nung huling punta naming dito. Ilang taon na din. Nandito na ulit kami.

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon