TITLE: MARRYING MY FATHER [Romance|General Fiction][COMPLETED]
(Controversial. One of the reasons kung bakit binigyan ko ng chance ang kwentong ‘to. It can be a good thing because you’ll get people’s attention. Maraming mai-intriga kung bakit ganito ang title ng kwento. This could also be a bad thing because when you get attention, some will judge the story regardless of the plot ore the ending. Magbabase sila ng opinions nila sa title. Pwedeng hindi na nila bigyan ng pagkakatong basahin pa ang buong kwento.)
AUTHOR: TRINIE ROMUALDE (TRINIEFANGS)
RATING: 10/10
COMMENTS:
o The first Filipino story that I have tried in my four years in Wattpad. Naabutan ko pa na kakaupload lang ulit ng kwento dahil minsan na itong tinanggal ng awtor sa kanyang account. Maraming naging usap-usapan tungkol dito kaya binigyan ko ng pansin at binasa ang MMF.
Pero hindi ako nagkamali sa pagbasa ng kwentong ito. Mapili ako sa mga kwentong Filipino. Kadalasan kasi sumisikat ang mga kwentong mainstream o cliché sa mga Pinoy na mambabasa kaya mahirap maghanap ng mga kwentong may kakaibang plot at twist.
Sa lahat ng mga hinula kong mangyayari sa kwento, wala akong tinama maski isa, dahil ang takbo ng kwento ang kakaiba sa normal na inaasahang mangyari ng mambabasa. At natuwa ako dito, dahil alam kongmalaki ang potensyalng kwentong itokung mas maraming tao ang makakabasa.
Mas maganda pa ang kwentong ito kung ganito ang mga tipo ng kwentong ipapalabas sa TV o sa mga lokal na pelikula. Pero baka maging indie fim ang MMF pag nagkataon at mas lalo lang hindi mapansin.
Hindi naging madali para salaha ngmga characterang mga naging desisyon nila. Sa pagaaya pa lang ng kasal ni Wesley sa kanyang ‘anak’ na si Charmaine ay siguradong marami nang magtataas ng kilay sa kwentong ito. Pero kagaya ng nalaman ko, hindi lang palaitoang magiging twist ng kwento sa kabuuan nito. Maraming pinagdaanan at nalaman si Charmaine sa kanyang buhay na nagpabago sa kanya, nagpasama ng loob niya at nagpagalit sa kanya dahil sa mgatusong plano ng kanyang lolo.
Isa siguro sa mga naging dahilan kung bakit madalikong nagustuhanang mga karakter ng MMF ay dahil hubog sila mula sa mga totoong tao na marahil ay nakakasalamuha natin sa araw-araw. Pero kagaya nga ng iba, hindi natin alam na may mga mapapait pala silang karanasan.
Sa pagsikat ng MMF at sa mga pagkakataong muntik na itong mai-publish bilang isang aklat, maraming nagbigay ng mga komento tungkol sa kwento at lalong-lalo na sa pamagat nito. Naging dahilan ito upang hindi bigyan ng pagkakataon ang kwento at magbase ng komento tungkol lamang sa unang kabanata at sa pamagat ng kwento. Maraming nagsabing imoral at hindi karapat-dapat ang kwentong ito dahil maraming pwedeng makabasa ng kwentong ito lalo na sa internet.
Pero para sa akin, hindi malalaman ng isang mambabasa ang katotohanan salikod ng kwento at pamagat na ito kung hindi nila ito bibigyan ng pagkakataon.
Isang guro ang awtor nito at isang kaibigan ko na rin. Isang napaka-ganada at napaka-kakaibang kwento ang kanyang nagawa at sana mas maraming taong sumubok ng kwentong ito dahil isa ito sa mga kwentong nararapat lamang bigyan ng pansin, intindihin at basahin dahil hindi malalaman ang totoong kwento nito kung hindi babasahinng buo ang MMF.
Lahat ng karakter sa Marrying My Father ay naging importante sa kabuuang plot ng MMF. Isa sila sa mga ginawang parte ng isang malaki at magulong kwento na nagpaganda ng kwento. Itoang kauna-unahang Filipino na nobela na iniyakan ko dahil sa may parte na akala ko may isang karakter at mawawala.
Hindi mahirap mapalapit sa mga karakter ng MMF. Kaya kahit matapos ito, halos lahat ay nagbiga ngmarka sa akin. At kahit kailan,hindi mapapalitan ng MMF sa mga Filipinong kwento na nagustuhan ko.
I really hope na maraming tao na magbasa ng kwentong ito. Despite the views on the first chapter, dahil hindi ako nagsisi na matapos ko ito. Unique and really different. Hindi lang siya simpleng kwento dahil tatatak ito sa puso ng mambabasa. Salamat ate Trinie! Looking forward to Someday in Paradise.
BINABASA MO ANG
Books, Pens & Papers (REVIEWS)
Non-FictionCollection of my reviews of different Wattpad stories. They could be in Filipino or English. These are my personal list and I do not intend to offend anyone. These are the stories that I've finished reading. I will be uploading as soon as I am done...