Chapter Nine

38 7 4
                                    

----

"Good morning, Nana!" masiglang bati Yesha nang maabotan sa labas ng kwarto ang Nana. Masaya niyang sinumulan ang araw, binalewa ang sakit ng nakaraan, ngunit hindi niya alam kung matatapos niya ba ang araw ng naka-ngiti.

Medyo tinanghali ng gising si Yesha, alas 8:30 na ng umaga dahil narin sa kaniyang ginawaga sa bawat nagdaang araw, ngunit nakapagtatakang hindi siya kinatok ng ina upang pagalitan o di kaya'y saktan. Sa paglipas ng mga taon ay namemorya na niya ang kagawian ng pamliya, sa simple niyang pagkakamali o di kaya'y sa mga bagay na hindi nila nagustohan.

"Good morning, anak. Halika't mag-breakfast ka na," ani ng Nana, saka siya inakay patungo sa hapag-kainan.

Habang magkahawak-kamay na naglalakad papasok sa dinning area ay sabay silang napalingon sa pintuan nang bumukas iyon. Pumasok ang kaniyang ina na may dalang paper bags saka sumunod si Seah na may dala ring bags. From the looks of it, mukhang nag-shopping na naman sila. Kaya pala malaya siya kaniyang mahimbing na pagtulog. Yesha smiled bitterly, feeling envious. Ang huling beses na naalala niyang nakasama siya sa lakad ng pamilya ay noong naroon pa kapatid na lalaki. Nagulantang siya ng salubongin ng masasamang tingin ng ina ang kaniyang tingin.

Tumaas ang kilay nito bago nagsalita. "Are you just going to stare, Yesha? Hindi mo lang ba kami tutulungan?"

Agad namang lumapit si Yesha sa kanila. "Good morning, mmy, ate Seah, tulungan ko po kayo," nasasaktan man ay nagawa niyang batiin gamit ang masiglang boses ang mga bagong dating. She even put a wide smile on her lips, as if she's not hurting, as if she was not breaking. Napa-irap lamang ang mag-ina sa kaniya.

Nanatiling nakatayo ang mag-ina sa harap ng pintuan, nag-hihintay sa kaniyang paglapit. Nang makalapit ay kinuha niya ang bitbit ng ina saka lumapit kay Seah upang kunin ang dala nito. Ang ina naman ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Tanga ka ba? Pa'no mo madadala 'tong akin kung kay Mommy palang ay nahihirapan ka na?" Pagtataray ni Seah na naging dahilan sa paghinto ni Yesha sa akmang pag-abot niya sa mga dala nito.

"Akala ko ba matalino ka? Pwede mo namang ilagay muna 'yan sa couch saka mo 'ko balikan, diba? So feeling mo kaya mo? tsk! Fine, oh, ayan, bitbitin mo."

"AHH!" Napasigaw siya nang muntik ng tumama ang matulis na bahagi ng paper bag sa kaliwa niyang mata. Akala ni Yesha ay ibibigay lang ito sa kaniya ngunit muli siyang natigilan nang itapon ni Seah ang mga dala sa mismong mukha niya. Nagkalat ang maraming paper bag pati narin ang mga laman nitong mga bagong damit at cosmetics.

"O My God! What happened?" hindi makapaniwalang sigaw ng ina nang makita ang gamit ni Seah na nagkalat sa sahig.

Sabay na napatingin ang magkakapatid sa ina na nakatayo sa may pintuan ng dinning area, kakalabas lang nito. Nanginig si Yesha sa takot, dahil alam niyang sa ano mang oras ay muli niyang matitikman ang galit ng ina. Ang nag-aalab na tingin ng ina ay lalong nagpakaba sa kaniya, gusto niyang tumakbo, nais niyang lumayo, o kaya'y magtawag ng saklolo, pero wala, wala siyang nagawa dahil sa sandaling hinawakan pa lamang ng ina sa kaniyang mga buhok ay bumuhos na ang kaniyang mga luha.

"D*amn, Yesha, mas mahal pa yan keysa buhay mo!" Kinaladkad siya patungo sa sala, parang humiwalay na ang buhok ni Yesha sa sariling anit sa sobrang pagkakahila ng ina.

"Glaissa, ano ba! Tigilan mo 'yan!" Nag-angat ng tingin si Yesha upang tignan ang naglakas-loob na sawayin ang ina. It was Nana Sally, ang karamay niya sa lahat ng panahon, sa kasayahan man o sa kalungkotan.

Tila napantig ang pandinig ng ina sa pagsaway na iyon ng Nana, "Nana! I told you to stay out of this matter! She's my child, so I'll discipline her!" Galit na sigaw ng ina saka mas hinigpitan pa ang paghila sa kaniyang buhok na naging dahilan sa pagkaluhod niya sa carpet mabuti nalang at walang matutulis na bagay doon.

Napailang naman ang Nana, "Hindi mo siya dinedisiplina, Glaissa, sinasaktan mo na siya. You should discipline Seah instead dahil siya naman ang nagtapon ng mga gamit niya!" Pagpapaliwanag nito.

Sumama kaagad ang mukha ni Seah sa narinig, "Excuse me? Why me? Kasalanan ko bang tanga siya?" maarte nitong ani.

"Anong nangyari dito?" Napalingon ang lahat sa may ari ng boses. It was their dad, Renzo. Nagtatakang niyang tiningnan ang bawat isa sa loob ng sala, hanggang sa mapako ang kaniyang tingin kay Yesha. Ang dating emosyon ay unti-unting napapalitan ng galit, ang tingin na iyon ay mas lalong nagpakaba kay Yesha.

"Si Yesha, dad, hinulog niya 'yung mga paper bags ko, nagkalat na tuloy 'yung  mga gamit." Pagsisinungaling at pagsusumbong ni Seah sa ama habang ang tingin ay naroon kay Yesha, nakangiti ito ng nakaka-insulto.

Kinakabahan man ay nagawa parin ni Yesha'ng maki-usap, "D-daddy, please, that's not true. B-believe me, p-please." Nanghihina nitong pagmamakaawa.

Her dad went closer, while her mom let go of her hair. Malakas ang pagkakabitaw na iyon kaya tuluyan na siyang napaupo sa sahig. Her dad, kneel his one foot, then he grabbed her chin harshly. Walang nagawa si Yesha kundi mapadaing sa sakit ng pagkakahila ng ama.

"What the hell are you doing this time?" nanggagalaiting tanong nito.

She looked at her Dad with full of pain, suffering, fear and hopelessness. Sakit at pagdurusa sa paulit-ulit na paghihirap na kaniyang naranasan. Takot, na baka sa muling pagkakataon ay mawawalan na naman siya ng pag-asa na muling maramdaman ang pagmamahal ng pamilya.

"S-sorry," tanging tugon niya. Inaako ang kasalanang hindi niya naman ginawa, binaba niya ang tingin, iniiwasan nag-aalab na titig ng ama, ngunit ang luha niyang patuloy lamang sa pagbuhos.

"Last warning, Yesha, magtino ka kung ayaw mong mawalan ng tahanan. Tama na nang sirain mo ang pamilyang 'to." Saka nito patapong binitawan, pagkatapos ay tumuloy na sa itaas kung saan naroon ang kanilang kwarto.

NAMUMGTO ang mga mata ni Yesha habang pinagka-abalahan ang kaniyang gawain. Ilang oras na ang lumipas pero naroon parin sa dibdib ang halo-halong emosyon na nararamdaman. Tapos na siya paglilinis sa labas ng bahay. May garden sila sa kilid ng bahay at malawak iyon. Maraming iba't ibang klase ng bulaklak at lahat ng iyon ay napakaganda, tila may mahikang nagpapakomportable sa mga taong may dinaramdam na pighati. Dahil wala namang siyang gagawin at muling umalis ang pamilya ay naisipan niyang magpahinga muna sa isang bench na naroon.

Sa muling pagkakataon ay nag-uunahan na naman ang kaniyang mga luha sa pagkawala sa mga mata niyang naglalabas ng tunay na dinaramdam na sa labi at mukha ay pilit na tinatago. Ipinikit niya ang mga mata saka dinama ang simoy ng malamig na hanging at ang halimuyak ng mababangong bulaklak.

'What did I do to deserve this? Did i really deserve this? I'm tired, really tired, yet I can not just give up. Fighting, Yesha!' Pagpapalakas-loob niya sa sarili. Ngumiti siya at humming ng malalim pagkatapos ay unti-unting idinilat ang mga mata.

Inunat niya ang isang braso upang abutin ang isang bulaklak nang naagaw ang kaniyang pansin ang nangingitim na bahagi ng braso. Napakunot ang kaniyang noo saka tinignan iyon ng mabuti. Pasa. Pasa iyon, malaking pasa. Domuble ang kaniyang pagtataka, iniisip at tinatanong sa sarili kung saan niya iyon nakuha pero ilang sandali pa ay talagang wala siyang maalala. She sighed heavily, siguro isa na naman ito sa mga pasang nakuha niya ng hindi namamalayan. Ilang beses siyang sinaktan nang magkasunod, bawat araw kung iisipin, physical man o emotional, bakit pa nga ba siya nagtataka kung magkakapasa siya ng hindi namalayan. Ilang beses na siyang nagkaroon ng ganoon kaya't hinayaan nalang niya. Ngunit nakakapagtakang hindi siya nakaramdam ng sakit, kahit noong hawakan niya ito ng mahigpit. Sa 'di malamang dahilan ay napangiti siya, ngiti na puno ng pait.

'Nasanay na yata ako sa sakit, physically, kaya hindi na 'ko nakakaramdam. Sana gano'n rin ang puso ko.'

When She Closed Her Eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon