Chapter 59

195 5 1
                                    

Alia's POV

Magaan sa pakiramdam na makita ulit sila pero ang hirap tanggapin na dahil sakin ang buhay namin pare-parehas nasa alanganin..

"Mauna na kayo hahanapin namin si mommy.." sabi ni kuya

Ramdam ko na mabilis ang bawat lakad namin kahit karga lang ako ni Paul sa sobrang nanghihina ako..Hindi ko na kaya gumalaw pakiramdam ko maya maya lang ay mawawalan na ko ng malay..

Siguro nga hindi lahat ng kwento ng buhay ng bawat tao ay masaya minsan kailangan may matalo may mawala para maging maayos ang lahat, maayos nga ba?

Sa dinami rami ng nalaman ko hindi ko na alam san sisimulan...Puno ng inis, galit, pananabik makasama ulit si mommy at mga kapatid ang puso ko...Nalilito rin pano ko sisimulan itanong lahat?

Sobrang sikip ng dibdib ko sumabay pa ang hagulgol ko sa dibdib ni Paul..

Oo..Naalala ko na lahat..Lahat lahat simula pagkabata ako na minsan ko din nakalimutan..Pero ang di ko alam kung may hindi pa ako nalalaman..Bakit? Buong buhay pala ako nabubuhay lang ako sa kasinungalingan? Kung hindi pa siguro nangyari ang lahat ng ito

Tama nga sila, everything happens for a reason..

"Shh stop crying..Magiging okay na lahat..Hindi kita iiwan.." bulong niya na nagpatindi pa ng pag iyak ko

Sana nga maging okay na ang lahat, Sana nga hindi mo ko iwan, Sana nga hindi mo din ako lokohin tulad nila..

"Paul san tayo?! May bantay na jan" sabi ni Caith na nagpatigil sa paglalakad

"We should go there! I think it's an abandoned place! Paalisin lang natin saglit yung mga bantay" sabi naman ni Gaile habang si Amy wala paring malay

Si Amy na mismong dalawang mata ko ang nakakita pano siya saktan ng mga tao na nandito, Kaibigan ko siya mahal ko.. pero totoo bang may alam din siya?

Nagsimula na ulit silang maglakad at pumasok kami sa isang pintuan hidni ko maaninag kung saan dahil nga sa puno na ng luha ang mga mata ko sinabayan pa ng paghabol ko ng hininga

Bumabalik lang ang mga nalaman ko habnag narito ako..

"Alia how are you my dear? Sobra na bang sakit?" Sabi niya habang pinapanuod ako

"AHH! T-tulong!" Sigaw ko dahil namamalipit sa sakit ang ulo ko

"Bumabalik na ba ang mga ala ala mo? Naalala mo na ba lahat?" Tanong niya

"H-hindi kita kilala!" Pinilit kong sumagot ng maayos sumunod ang muli kong pagsigaw dahil hindi ko kaya pigilan ang sakit

"Pwes magpapakilala ako sayo"  aniya sabay tayo sa upuan kung san siya nakaupo

Sino ba talaga siya? Yan ang nasa isip ko non

"Ako si Sheena ang pangalawang babae sa buhay ng tatay mo! Tatay rin ng anak ko kilala mo na siguro si Maelly diba?" Sabi niya

P-pangalawa?

"Baka naguguluhan ka bakit pangalawa, Ako ang nauna sa nanay nanay-an mo ngayon pero mas pinili parin kayo ng walang hiya niyong tatay!" Galit niyang sabi

Naguguluhan ako, Panong pangalawa at nauna kay mommy? Panong nanay nanay-an?

Bigla nalang may tumawag sakaniya tila naglalaro parin sa isip ko ang mga sinabi niya

Accidentally inlove to A Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon