7 YEARS AGO
Ika-limang araw na ang nagdaan matapos mailabas ng ospital ang dalagang si Monique.. Ito din ang kauna-unahang pagkakataong masilayan ang lugar ng Palawan..
Panandalian nitong nakalimutan ang sariling karamdaman dahil pagkagalak ang namayani sa kanyang dibdib, na ngayon ay guminhawa ng bahagya...
"Kamusta ang pakiramdam mo, Monique?" tanong ni Michael sa dalaga habang maiging sinusuri ang mga mata ng dalaga, tsinek-ap din ang tibok ng puso, at maging ang paghinga ay hindi pinalampas.. "Move your hands." utos nito sa dalaga at nasunod naman kaagad iyon ni Monique nang hindi nahihirapan at walang iniindang sakit... Labis na ipinagtaka iyon ng binata, ang agarang pagresponde nito sa utos ay pag-asa ang dulot sa kanya..
Kahit na naguguluhan ay agad ulit nitong pinakinggan ang tibok ng puso ng dalaga gamit ang stethoscope, muling napatingin sa mga mata ni Monique, at muling pinakinggan ang Stethoscope.. Paulit-ulit iyong ginawa ng binata, bagamat wala siyang sapat na kagamitan kaya't hindi nito tiyak ang nangyayari dito, at tanging ang matalas na memorya lamang niya ang nagiging instrumento sa pagsusuri sa dalaga..
"Your heart beats normally, Monique!" matiwasay ang mukha nang sambitin iyon ni Michael sa dalagang maski ang pag-upo nang maayos ay nagagawa na. "I'm glad that your strength have been finally restored.."
"Breakfast is ready!" biglang wika ng ginang mula sa pinto, may hawak-hawak itong isang tray ng pagkain para sa dalaga.. Sinangag na halos puro hotdog ang laman at piniritong itlog na may pula sa gitna. Sinamahan naman ng malunggay pandesal at mainit na tsokolate. Agad nitong tinungo ang dalaga at ipinatong ang hawak na tray sa bed side table. Pinagmasdan ang nakaupo nang si Monique sa puting kama.. "Sweetie??" ipinagtataka kung paanong nagawa iyon ni Monique kaya't agaran itong umupo ng tagilid sa harap ng dalaga, hinawakan ang pisngi at hinawi ang buhok ng dalaga. "Kamusta ang pakiramdam mo, anak ko?" hindi na nito naitago ang ngiti sa labi.
"Ma-a-ayos na po." utal ngunit nakangiti namang tugon ng dalaga..
"Michael??" agad bumaling ang ginang sa panganay na anak at nginitian naman ito ni Michael..
"I think her condition is now starting to be good."
"Really!?" biglang napahawak sa bibig ang ginang, ang labis na saya ay hindi na naitago. Bigla nitong niyakap ang dalaga at muling hinipo ang pisngi. "Narinig mo ba 'yon, Monique?? Umu-okay kana!" masaya ulit nitong dagdag, at nginitian naman siya ng dalaga.
"Pero hindi dapat tayong maging kampante, Ma."
"I know! I know! Kailangan nating mag-hire ng professional licensed doctor para naman ay may kasama ka sa pangangalaga sa sweetie ko.." agarang tugon ng ginang habang nakangiti lang sa dalaga.
"May private doctor si Dad, Ma." suhestiyon ng binata upang mas lalong magliwanag ang mukha ng ginang.
"That's great, then!"
"Sige po. I'll talk to Dad about this." Iyon lang at nilisan na ni Michael ang silid..
"Nasaan po si Liam?" hindi na napigilan ng dalaga ang magtanong habang sinusubuan siya ng ginang ng pagkain..
"Kinakausap siya ng Daddy nila.. Mamaya-maya ay magte-training si Liam.." nakangiti paring tugon ng ginang.
"Training po?" labis naman ang pagtatakha sa mukha ni Monique matapos marinig iyon.
"Sa kanila ipapamana ng dad nila ang kompanya na ito sweetie. --Say, A-ahhh...." anang ginang at itinapat sa bibig ng dalaga ang kutsara.. Agad naman itong sinubo ng dalaga at ngumuya..
BINABASA MO ANG
Love after Death
RomanceMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...