//2//

23 5 4
                                    


My phone vibrates at pagkakita ko kung sino ang nagtext, napangiti nalang ako.

Cams +639*********
Elyyyyy! Kamusta na? Di ka na nagtetext o nagpaparamdam man lang :p

Reply to Cams
Omg Cams! Hello! Missyou bro :( okay lang naman ako, ikaw?

Cams +639*********
Eto namimiss ka. Hahaha jk :) Gala naman tayo! Yung tayong dalawa lang :p

Reply to Cams
Oo naman sure! Haha! Kelan ba? Basta libre mo bro? :pp

Cams +639*********
Sige ba! :D Hmm, bukas pwede ka? May sasabihin din pala ko sayo. =))

Reply to Cams
Ah okay sige! Paalam ako. Sama ko ba si Perty? Hahahaha!

Cams +639*********
Ah wag na muna. Gusto ko kasi tayong dalawa lang.

Reply to Cams
Sige bro! See you! Mwa :*

Cams +639*********
See you my Ely. :)

"What? Anyare dito? Hahaha. Ang sweet na kuya naman neto." natatawang sabi ko sa sarili.

Nagvibrate nanaman phone ko. And I think may tumatawag?

Perty♡ calling..

"H-hello?"

[Hello sungit Ellice babes. Hahahaha!]

"Tse! So anong kailangan mo?"

[Aw grabe! Wala lang. Namiss ko lang ang bestfriend ko.]

Wtf he just said. Gusto kong tumalon talon sa kama at sumigaw ng malakas kaso hindi pwede. Seryoso ba siya?

[Huy? Anyare na? Hahaha! Kinikilig na yan oh!]

"Y-yuck! K-kadiri ka perty! N-nagaayos kasi ako ngg-gamit ko. Oo tama."

[Weh? Ano namang aayusin mo? Wala namang pasok!]

"Ah, k-kasi aalis ako bukas."

[San punta?]

"Niyaya kasi ako ni Cams eh."

[Si Cams? Gago yun ah. Sama ko!!]

I heard something bago niya sinabi yung sasama siya. Ano kaya yun?

"Ah, hindi daw pwede eh. Gusto niya kaming dalawa lang daw. Tsaka may sasabihin daw siya sakin."

[HA?! HINDI PWEDE. SASAMA AKO.]

Inilayo ko ang phone sa tenga ko kasi bigla biglang sumigaw ang mokong. Anong nangyari dun?!

"Ay binaba." Call ended na. Haaay ang gulo forevs.

Cams +639*********
Oo nga pala Ely. May papadala ako sa Yaya kong damit, sana suotin mo bukas yun. :) Daanan kita sa bahay niyo bukas. Okay? Kitakits nalang my Ely. =))

Napanganga nalang ako. Bakit ganito si Cams ngayon? May pa-my ely my ely pa siyang nalalaman.

Seriously, what happening? Kanina biglang sumigaw si Perty tapos ngayon, ang weird naman ni Cams. Tapos sasama si Perty? Hay nako bahala nga sila.. T_____T

***

♪♪ I'll hold the door
Please come in
And just sit here for a while
This is my way of telling you I need you in my life

Its so cold
Without your touch
I've been dreaming way too much
Can we just turn this into reality cause--

"Ang aga naman. Anong oras na ba?" antok na antok pa ko. Pinilit kong imulat mga mata ko ng maalala kong aalis nga pala kami ni Cams.

Pagkabangon ko may bumungad na isang box na palapad pero manipis. May letter pa!

Hi my Ely,
Suotin mo to ah! Be ready. :)

See you! ;)

"Hmm.. Ang weird talaga." inayos ko na mga susuotin ko at naghanda ng maligo.

***

Patapos na ko sa lahat. Nakapagbihis na ko, nakapagayos na ko at aayusin ko nalang gamit ko.

And.. My phone vibrates again.

Perty♡ +639*********
Open the door. Im here infront of your house.

Napalakas tibok ng puso ko.. :O

Agad agad kong pinalitan pangalan niya sa phone ko from Perty♡ to Perty.

Pagkalabas ko, parang tumigil yung mundo. Okay, ang OA ko. Pero hindi ko alam kung bakit ganon yung titig niya sakin.

Bago pa ko magsalita, bigla nalang niya kong niyakap.

"A-ano. Perty, a-aalis na ko." pero hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkayakap namin.

"Sabi ko naman sayong sasama ako diba." he's so serious. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ang hirap talaga hulaan ng mood neto ni Perty.

Hindi pa rin kami umaalis sa pagkakayakap ng makita kong may dumating sa sasakyan sa tapat ng bahay namin and I saw Cams.

"Ah-Perty, nandyan na si Cams." bumitaw na siya ng yakap at lumingon sa nagpark na sasakyan.

Lumapit si Perty kay Cams at nagshakehands. "Im joining bro."

Hindi pa sumasagot si Cams ng lumapit sakin pabalik si Perty. Hinawakan ang kamay ko at niyaya akong pumasok sa sasakyan without asking any permission kay Cams.

Walang nakaupo sa passenger seat kaya naman magkatabi kami ng baby k- este ni Perty. At ang nagddrive ay si Cams malamang.

Sobrang tahimik sa sasakyan as in. Nahalata kong nagiba ang aura ng dalawang lalaking kasama ko. Lalo na si Baby- este Perty.

Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso. Ano ba kasing nangyaya--

"Bakit ganyan suot mo?" nabigla ako sa biglang pananalita ni Perty.

Tinignan ko ng maigi ang suot ko kung anong meron at kung may mali ba.

Nakasuot ako ng isang simpleng light blue na dress. Yung walang sleeve. Kita yung kilikili hehe. Kanina pa nga to ipit na ipit eh. Pawis na ata.

"Ay! Hehehe." inayos ko ang strap ng bra ko kasi nakalabas pala.

"Hindi yan." akala ko matatawa si Perty pero nagulat ako ng maglabas siya ng.. "Sinasabi ko na nga ba yan ipapasuot sayo eh. Suotin mo."

I heard whisper nanaman galing sa kanya. Pero hindi ko naintindihan.

Tumingin ako sa salamin sa harap ng sasakyan at nakita kong tumingin sa direksyon namin si Cams at nakita kong naging masama ang timpla ng itsura niya.

"Ah hindi okay lang Perty." nginitian ko si Perty at ibinalik sa kanya ang sweatshirt na binigay niya.

Pero ang makulit na Perty, pinasuot niya pa rin sakin. I mean, siya yung nagsuot. Shet kilig much?! (*^﹏^*)

"S-salamat." ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng makita kong ngumiti sakin si Perty. Shocks, anong nangyayari? T_____T

***

Nandito kami ngayon sa Max's. Ngayon lang uli ako makakakain sa ganito. Mayaman kami pero ewan ko? Nuknukan kami ng tamad para gumala and bond as family. Puro kami padeliver. Hahaha.

"Table for 3 please." sabi ni Cams. Magkabila silang nasa gilid ko. Im feeling awkward, hindi ko alam kung bakit.

Walang nagsasalita sa dalawa hanggang sa dumating yung pagkain.

"Grabe. Namiss kita Ely." ikinabigla ko naman yung paghawak ni Cams sa kamay ko. Ang awkward bakit ba ganito sila?

Di pa man din ako nakakasagot ng biglang sumabat si Perty. "Namiss din kita, Ellice babes. Hahaha." at ngumiti sakin. And again, i felt my cheeks that is about to explode. →_→

Pero naramdaman kong peke lang yung tawa niya. Siguro.. nagaasaran tong dalawa to? Tama nga ba? Nagaasaran sila? Pero they're friends. We're friends. Ba't naman nila kailangan mag-asaran. At lalong ako ang dahilan?

Okay, assumera lang.

Summer BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon