EPISODE 1:

9 2 2
                                    


"I will never fall in love again.", ay isang statement na binitawan ni Justin pagkatapos makipaghiwalay si Cheska sa kanya.

Si Justin ay isang 17 taong gulang na anak ng isang well-known painter na si Fred Alfeche, at isang freshman college student ng Maithland State University. Noong siyam na taong gulang pa lamang siya, namatay sa isang car accident ang kanyang pinakamamahal na ina, kung saan, siya lamang at ang kanyang ama ang nakaligtas.

Para makalimutan ang sakit na iniwan ni Cheska matapos makapaghiwalay sa kanya, ginawa ni Justin ang painting as his new love. Ang painting ay tunay niyang pangarap dahil gusto niyang sundan ang mga yapak ng kanyang ama. True enough, eversince he came into this world, napansin ng mga magulang niya na sa murang edad palang ay nakaka-appreciate na siya ng paintings ng kanyang ama.

Back to school as if wala lang nangyari. However, nakita niya coincidentally si Cheska kasama ang kanyang bagong nobyo na si Steven, isang campus varsity player ng volleyball, na naghahalikan. Dahil diyan sa nakita niya, nasaktan muli si Justin.

At biglang dumating ang kanyang kaibigan. "Hey, Justin", said Alex, ang kanyang bestfriend, "You're back! Kamusta na? Okay ka na ba ngayon after what happened sa inyo ni Cheska?".

"Okay naman! Perfectly fine!", ang sagot ni Justin.

Nag-ring na ang bell kung saan hudyat ito na magsa-start na ang klase.

It was time for Arts Class!

Excited si Justin sa kanyang favorite subject. Mr. Fermano, Arts teacher, began the discussion immediately. He just only announced na kailangan nila makagawa ng sariling masterpiece through painting bilang isang requirement na ipapasa next week.

Thereafter, habang naglalakad si Justin kasama ang kanyang bestfriend na si Alex, he was thinking about kung ano ang magiging subject niya sa kanyang painting.

Suddenly, tinanong siya ni Alex, " Ano ang magiging subject mo sa painting mo? Naka-decide ka na ba?"

Justin just simply said, "Whatever comes sa aking isipan, yun na!"

Time checked: 8:36 P.M.

Until now, nalilito parin siya kung pano simulan ang kanyang painting. After six minutes, nakapag-decide na siya na ipinta ang imahe ng kanyang ideal girl para kalimutan ang masakit na kahapon.

After an hour, natapos niya rin ang kanyang painting. Na-amaze siya sa kanyang obra maestra. Ang resulta ay napakaganda. Imahe ng isang perfect lady.

Then, na-admire si Justin sa kanyang naipinta, "Oh! Napakaganda mo! You're such a perfect art. Isa kang tunay na pinakamagandang masterpiece ko."

For almost two hours, siya ay sobrang tutok na tutok sa kanyang painting at sinabing, "Kung totoo ka lang, gagawin ko ang lahat para maging akin ka. Papakasalan kita dahil mahal na kita. Bukas, as I am going to wake up, I wish na magiging totoo ka."

Time checked: 5:00 A.M.

Nagising si Justin ng kanyang alarm clock at napansin niya ang pagbabago sa kanyang painting. Wala na ang babae.

Lumabas siya sa kanyang kwarto, napansin niya na mayroong nagluluto sa kusina and he was thinking na ang ama niya ang naghahanda ng kanilang agahan.

Sa pagpasok niya sa kusina, nagulat siya nang matuklasang isang babae pala ang naghahanda.

HE'S IN LOVE WITH HIS MASTERPIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon