Hello, loves! Kung napapansin niyo ay pinalitan ko 'yung book cover nito, kasi po parang ang dull no'n tignan. 😂 So, thank you Ms. RIRI_ELLE for this beautiful cover😘 (Comment down if you read this, haha)
----
"PALAWAN we're coming!" Malakas at masiglang sigaw ni Seah nang madatnan ni Yesha, kasama nito ang ina na natatawang pinagmasdan ang anak. Nasa sala ito, nakaharap at may ginagawa sa kaniyang laptop, abot tenga ang matamis at excited nitong ngiti. Nakangiti naman niyang pinagmasdan ang kapatid, ang mahaba nitong ilong, perpektong mga kilay, ang mapupulang labi, mahabang pilik-mata at ang mga mata nitong kulay itim ay lalong nagpatingkad sa kaniyang ganda. Sa makinis niyang balat at ang straight niyang buhok ay pwede na itong pumasok sa pagmomodelo. Tunay ngang maganda ang kapatid, at labis ang paghanga niya rito. Nang tingnan ang ina ay lalo pa siyang napangiti, hindi maitatanging nagmana ang ganda ni Seah sa ina, kay ganda rin nito sa simpling pag-aayos lang.
Napahinto si Seah sa ginawa nang matamaan ng tingin si Yesha. A smile remained in Seah's lips, bagay na hindi inaasahan ni Yesha. Tuwing lalapit siya ay ugali na ni Seah ang magtaray o kaya'y sumimangot, ito na yata ang muling pagkakataon na nginitian siya ng kapatid. Ang simpling pagngiting iyon ay labis ang dinulot ng saya sa kaniyang puso.
Yesha smiled backed, "Pupunta po tayo'ng Palawan, ate?" Pakikisali niya sa kasabikan ng mag-ina.
"Yes! At 5 days tayo roon! Excited ka na ba?" pasigaw nitong ani dahil sa labis na kasiyahan.
Hindi siya makapaniwala sa narining, tila panaginip lang ang ito. Ito ang unang pagkakataon na pinakitunguhan siya nang ganoon ni Seah sa paglipas ng mahabang panahon. Ang ngiti nito'y hindi niya mawari kung totoo ba o hindi, pero sa huli ay pinili niyang maging masaya. Nang tingnan ang ina ay ganoon narin ang kaniyang gulat nang nakangiti ito habang nakatitig sa kaniya kahit pa man makikita ang hindi mawaring emosyon sa mga mata. Dumoble ang sayang nararamdaman, tila siya'y nakalutang sa langit. 'Ito na nga ba ang pagkakataon hinintay ko? Is everything is fine, now?'
"Go on, pack your things Yesha." Tinulak pa siya ng kapatid nang mahina, inuundyok na pumasok na sa kwarto at maghanda.
Magmamadali naman siyang pumasok sa kwarto, abot langit ang kaniyang mga ngiti at nagniningning sa tuwa ang kaniyang mga mata. Habang papasok ng kwarto ay narinig niya ang halakhakan ng mag-ina, tila masayang-masaya ito bagay na nagpangiti rin kaniya. Sa isip niya'y ito na ang simula nang pagtanggap sa kaniya bilang parte ng pamilya. Simula sa pagpili ng mga damit na dadalhin ay naging maingat siya, ininiwasang makamali sa takot na bumalik ang dating trato sa kaniya ng pamilya. "o, God, I'm so excited. Thank you." bulong niya sa sarili.
It took her awhile to prepare her things, when everything is settled and ready she went outside. She only has one backpack and one hand carry bag where her personal belongings are inside. Sa kagalakang maramdaman ay halos hindi niya malayan ang bigay ng dinadala.
Nang makalabas ay tahimik na ang sala, napalinga siya upang hanapin ang ina at kapatid, pero wala ang mga ito. Siguro ay nasa kanya-kanyang kwarto kaya't sinubokan niyang akyatin ito, ngunit hindi pa man siya tuluyang naka-akyat sa hagdan ay may narinig siyang ugong ng makina. Napahinto siya at pinakinggan iyon, makina iyon ng sasakyan na tila ba naghahanda na paalis. Inisip niyang naroon na ang pamilya at siya na lang ang hihintay, bitbit ang mga gamit ay masaya niyang tinungo ang garahe.
Nang makarating ay lumapit na siya sa kotse, nakasakay na roon ang buong pamilya. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalapit ay pinatakbo na ito ng ama na siyang nagmamaneho, natigilan si Yesha at nagtaka, tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Sa labis na pagkalito ay napatakbo siya at pilit hinabol ang sasakyan.
"Mommy! Daddy! Nandito pa po ako! 'wag niyo akong iwan!" Sigaw niya habang tumatakbo, bitawan niya ang kaniyang mga dala upang mapabilis and kaniyang pagtakbo. "Mommy! Nandito pa po ako! Ate!" Paulit-ulit niyang sigaw habang tumatakbo.
Sa labis na hingal ay unti-unti na siyang napahinto. Sa paghinto niya ng tuluyan ay siyang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Hinihingal, nasasaktan, at nahihirapan. Iniwan nga siya ng pamilya, pinaasa lang pala siya. Sakit. Labis na sakit ang kaniyang nararamdaman.
Dahan-dahan siyang napaluhod habang walang humpay sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Ang pag-asang nabubuhay sa kalooban ay unti-unti na namang namamatay. Ang sayang naramdaman ay napalitan na naman ng hindi masukat na pait. Naninikip ang kaniyang dibdib, napahawak siya rito sapagkat nahihirapan na siyang huminga. Ito ba ang sagot sa taong nangangarap na mahalin man lang? Ilang sakit pa ba ang dapat maramdaman, ilang paghihirap pa ba ang dapat daanan upang mahalin o tanggapin man lang ng pamilyang hindi niya binalak na sukuan?
IKATATLONG araw na simula ng umalis ang pamilya para magbakasyon, at tatlong araw narin siyang nag-iisa sa maliking bahay na tirahan. The house is full of luxurious things, but it feels so empty. Naka-leave lahat ng mga katulong kaya't sulo niya ang lahat ng gawain. Simula sa pag-va-vacuum, pagpupunas ng mga bintana, pagwawalis sa garden ay sa kaniya lahat, ginawa niya ito upang kahit sa sandaling oras ay malimutan niya ang pag-iwan at pagpapa-asa sa kaniya ng pamilya. Pero hindi sapat ang kaniyang pagpaka-busy dahil sa pagsapit ng kadiliman ay bumabalik ang sakit na walang sawa siyang pinapahirapan.
Oras na nanghapunan kaya't naisipan niyang magluto, pero laking panlulumo niya nang makitang apar na itlog, 2 can goods at isang balot ng tinapay nalang ang laman ng ref. Paano niya pagkakasyahin iyon sa mga natitirang araw na wala ang pamilya, limang araw daw sila mawawala, paano na lamang siya. Hindi niya namalayan ang pagkawala sa mga luha sa kaniyang mga mata, patunay sa labis na pighating nararamdaman na halos hindi na niya makayanan pa at tuluyan nang nagpamanhid sa kaniya.
Napangiti siya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Sa isipan ay muling naglakbay ang mga katanongan, ilang balding luha pa ba ang sasayaning upang mahalin, mamahalin at tatanggapin pa ba siya, ilang beses pa ba siyang pipikit at taguan ang nakakamatay na tingin ng pamilya. Imbes na magluto ay dumeritsu nalang siya sa kwarto, hindi naman siya ganoong nagugutom kaya't mas mabuti nang magtipid nalang. Pagkapasok ng kwarto ay kumuha siya ng pamalit saka naglinis ng katawan. Pagkatapos ay hinayaan niya ang sariling lamunin ng kadiliman. Ang nakakabingin katahimikan ay naghatid sa kaniya ng takot, ayaw niyang mag-isa, pero ano nga bang magagawa niya, wala, kundi ang lumuha, walang magawa kundi ang pumikit, walang magawa kundi ang magmakaawa at magkunwari. Kung sana ay naroon ang kaniyang kuya Kyle ay tiyak na hindi niya ito mararamdam at mararasan. Sana ay narito ito upang punan ang kulang sa kaniyang pagkatao. Sana ay maayos parin ang lahat, sana hindi siya nasasaktan ng ganito, at sana ay ramdam niyang kahit papaano ay bahagi parin siya ng pamilya. Kung sana... hanggang sana nalang ang lahat.
TINANGHALI ng gising si Yesha, alas 10 na nang umaga ngunit sa pagbangon niya'y labis na panghihina ang kaniyang nararamdaman, tila ba pagod na pagod siya. Pero oo nga naman, sa sitwasyon niya ay hindi maipagtatakang palagi siyang pagod, sa pisikal man o sa emosyonal na bahagi ng kaniyang pagkatao. Muli niyang pinikit ang mga mata sa pagbabaka-sakaling bumuti ang pakiramdam. Pinilit niyang ipahinga ang isipan, ngunit tila napaka-imposible ng bagay na iyon, ang masasakit na pangyayari ay tila kaluwawa niya na hindi pweding mawalay sa kaniya.
Ilang sandali pa ay bumangon na siya nang maramdaman ang pagkalam ng tiyan. Minabuti niyang lutuin ang isang itlog at kumuha ng isang tinapay, nagugutom man ay kailangan parin niyang tipirin ang pagkaing naiwan sapagkat maraming araw pa ang kaniyang titiisin bago ang uwi ng pamilya. Hindi naging sapat ang nakain, nagugutom pa siya kaya't uminom siya nang maraming tubig upang tuluyan ng mabusog. Hawak-hawak ang baso ay napatawa siya bigla, natatawa siya sa kaniyang kalagayan ngayon.
"Nakakaawa ka, Yesha. Nakakaawa ka." Bulong niya sa sarili na sinundan pa ng mahina niyang pagtawa kasabay ng mga luhang nagsisi-unahang kumawala sa kaniyang mga mata.
'Ang gusto ko lang naman ay mahalin niyo ako, mahirap ba iyon?'
--
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Teen FictionYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...