Gabing-gabi na nang magsi-uwian kame. Nauna lang si pichie na umuwi dahil takot mapagalitan. At inihatid naman siya ni carl but the rest stayed until 11pm.
Pagod na pagod akong nahiga sa kama. Siguro bukas ko nalang gagawin yung natitirang assignments ko. 11am naman ang start ng klase ko bukas, mag-aalarm nalang ako.
I picked up my phone to open my wattpad app—papagurin ko na lang muna ang mata ko para mabilis akong maka-tulog.
'Mabilis na tinakbo ni brianna ang pagitan nila ni gavin na unti-unti nang nawawalan ng lakas.
"Kung saan-saan kita hinanap!" umiiyak na ani ni brianna. Mabilis niyang niyakap ang lalaki.
Ang kaniyang mga yakap ay tila may mahikang dulot sa kaibuturan ni gavin dahil unti-unti'y nagkakaroon siya ng lakas.
Malungkot siyang ngumiti saka gumanti ng yakap kay brianna.
"Nagtataka ako.. Kung bakit higit dalwang bwan na pero hindi parin ako binabawian ng buhay..." Bumuntong hininga siya. Naghahalo ang lungkot at saya sa loob-loob niya.
"I guess I'm still hoping that you're going to look for me..""And look, you're here..I guess it's all worth it. The pain is worth it.." nakangiting sabi ni gavin ng bumitaw ito sa yakap ni brianna.
Iyak naman ng iyak si brianna. Mabilis niya itong siniil ng halik saka muling yumakap ng mahigpit.
"Mahal kita gavin.. Dito ka lang. Wag kang aalis.. Wag mo kong iiwan.. Pinangako mo sakin iyon diba? Tuparin mo gavin, tuparin mo .. Dito ka lang.." puno ng hinagpis na saad ni brianna habang yakap yakap si gavin—tila wala ng balak na ito'y bitawan.'
Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang may nag-pop up na message sa screen ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
Bwiset! Sabi ko magbabasa lang ako bilang pam-paantok pero grabe naman, tutulog na nga lang ako nananakit pa!
Sisinghot-singhot akong binuksan ang messenger ko para tingnan kung sinong nagchat.
Medyo napabangon ako ng makita kong si dada iyong nagchat. Immediately, I clicked his name to open his chat.
Dada: Payat
Mabilis akong nag-reply.
Me: po?
Dada: Thankyou hehe😅
Nangingiti kong ikinunot ang noo ko. Nagpa-salamat na siya kanina ah? Hmm, he's probably pertaining to my greeting message. Napangisi ako.
Me: Ano ba yan late
reaction! Kanina pang
12 yan ihh HAHAHA!Dada: Sorry na haha
Napangiti ako.
Me: So kamusta naman
ang araw mo?Dada: Masaya.. Salamat sa inyo :)
Bahagya akong sumandal sa pader. We just chatted for an hour about a lot of things—specifically nonsense things kasi nang-aasar lang naman siya.
Napairap nalang ako sa sarili ko.
Inaasar ka pero tuwang-tuwa ka naman. Bumuntang hininga nalang ako saka muling itinuon ang atensyon sa screen. Tuluyan nang nakalimutan ang binabasa ko wattpad.
Napataas ang kilay ko ng bigla ay magsend siya ng picture. It was the same photo that judy showed me.
Me: Nakita ko na yan.
Ano ba ang meron dyan at
send ka ng send ng ganiyan?
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...