Prologue.

454 15 8
                                    

Chandria's P.O.V.

Hanggang ngayon,iniisip ko parin ang pagkikita namin ng lintik kong ex. Hindi pa rin ako maka get over sa kanya lalo na ngayon na may kasama suyang impakta. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung anong meron ang babaeng yun na wala ako! Mas maganda naman ako,mas matalino at mas mahal siya! May sayad ata yun sa utak eh, nasa harap na nga ang prinsesa maghahanap pa ng CHAKA! Hays!

Paano ba kasi ang mag move on? Ilang taon ba ang dapat palagpasin para mawala lahat ng sakit at hapdi na nadarama ng pusong nadurog? Bakit kahit anong gawin ko upang burahin lahat ng tungkol sa kanya,pilit parin itong bumabalik? Bakit ba kasi siya pa ang minahal ko? Bakit kahit anong iwas ko sa kanya,pilit pa rin kaming ipinagtatagpo ng LINTIK na tadhanang yan!

Bakit ba siya nandito sa school na pinapasukan ko ngayon? Sinusundan niya ba ako? Para ano? Para ipamuka sa akin na wala na kami!

P*ste lang, may kasama pa talaga siyang impakta! Edi sila na, sila na ang masaya,sila na ang bagay!! Maghihiwalay din kayo, TIWALA lang!!

Aissssssssshhhhhhh! Lalong nag-iinit ang utak ko lalo pa ng nalaman ko na ang bestfriend kong si Chila na kasama ngayon si Mil ! Baka kasi magkadevelopan sila tapos masaktan lang siya! Ayaw kong maranasan ng bestfriend ko ang lahat ng mga naranasan ko! Baka mahirapan lang din siya at Maging Bitter kagaya ko!

"KAINISSSSSS!" napasigaw tuloy ako habang iniisip ang mga bagay na iyon! Mga paasa at masyado kasing pa-fall ang mga ibang lalaki!! Bwiset,mamatay sana sila sa panlolokong ka sweetan nila!! Letche!

"Gurl are you alright?"

"Muka ba akong alright? Mayroon bang alright na ganito ang mukha ha? Obvious naman diba? I am totally not alright! " aisshh! Napagtuonan ko tuloy ng galit ko tong kaklase kong si Marlon,isang beki na balita ko ,BITTER din kagaya ko. . Tatanga tanga ba naman kasi.. Obvious naman na hindi ako okkay.

"Chilax lang gurl,ang beauty mo baka masira,sige ka baka pumangit ka! " binigyan ko siya ng pamatay look kaya naman nag peace sign siya at hinaplos haplos ang braso ko upang patahanin. Tinaboy ko yun siyempre, ayaw na ayaw ko kayang hinahawakan ako lalo na kapag nagagalit! Lalo lang akong naiinis nun at isa pa,hindi ako aso para pakalmahin niya!

"Tskk!! Nakakainis talaga eh!" tumalikod ako sa kanya at nag cross arms. Nakakainis talga yung RHENDEL na yon,dahil sa kanya naging BITTER tuloy ako! Hindi naman ako dating ganito eh.. Masayahin ako dati,friendly,sweet at jolly!

Bakit nga ba kasi nagiging bitter ang isang tao? Siguro dahil sa mga rasong ito:

Una, dahil sila ay Nagseselos.

Nakakabitter yung pagseselos kasi yung tipong naiinis ka sa isang tao dahil siguro nilalandi nya yung mahal mo, at yung mahal mo naman walang kaalam-alam na nilalandi na pala sya kaya hala sige tuloy lang yung paglalandi nung isa. O kayay,nagseselos ka kasi hindi ikaw yung pinili niya. Nagseselos ka kasi bakit siya at hindi ikaw ang minahal niya! Nakakaletche diba?

Pangalawa, Kung yung mahal mo ay may mahal ng iba.

Lagi mong ma-iisip, ano kaya kung ako yung kasama nya? Nakakainis siguro kung ako yun hindi sya iiyak. Kung ako nalang kasi dapat di sana masaya na sya masaya pako. Kung sana hindi lang niya ako iniwan,edi sana may forever pa!

HANGGANG FRIENDS lang sila ng taong mahal nya.

Kasi diba sinong hindi magiging bitter kung yung gusto mong makasama habang buhay ehh hanggang friends alng yung turing sayo. Yung tipong nagmahal ka, pinansin ka, akala mo naman mahal ka din yun pala naghahanap lang sya ng kaibigan. Sa madaling salita, PINAASA ka lang niya! Peste masyadong pa-FALL eh hindi naman marunong mag CATCH! Tanga-tangahan lang ganun?

Sa sitwasyon ko naman, naging bitter ako dahil minsan na akong nagmahal pero sa huli ay sinaktan,niloko,pinaasa at ang mas malupit ,pinaniwala sila ng salitang FOREVER!

Oh diba? ANG LUPIT!!!!

"Huhulaan ko,lalaki no?" tanong sa akin ni beki marlon kaya nilingon ko siya habang naka kunot ang noo ko.

"Pano mo nalaman?"

"Haler! Im one of those BITTER people kaya! I hate boys also no.ThEY are paasa and they are so pa fall. Grrr! I want to punch them! "

"Hey hindi naman siguro lahat ng lalaki no " correction ko sa kanya,kahit kasi bitter ako,umaasa pa din naman ako na darating yung aaraw na may makilala akong lalaking magpapaalis ng lahat ng Bitterness ko sa katawan at papalitan nya yun ng Sweetness. Umaasa pa din ako na isang araw, hindi na tatanga tanga si Cupido at aayusin na niya ang trabaho niyang pagpana! Naniniwala parin ako na may isa sa sampung lalaki ang matino parin.

"Yeahh your right. Not all boys din naman. Pero gurl,may itatayo akong club, Gusto mong sumali? Gagawin kitang president dun at ako ang magiging vice mo promise. " nag cling siya sa akin habang nakangiti.Tiningnan ko lang siya at kumawala sa pag cling niya sa mga braso ko. Inikutan ko siya at pini-figure out kung bakla ba talaga siya. Huminto ako at pinatong ang arms ko sa shoulder niya.. Tiningnan ko siya ulit habang siya ay hinawakan ang salaming suot niya. SAYANG tong baklang to,gwapo pa din naman sana at mukang mabait. Bakit ba kasi naging bakla pa to?

"Eh anong club naman yun? Club ng mga BItter? AHAHAH patawa " sarkastika kong sabi sa kanya. Kumawala siya sa pang cling sa mga braso ko at pumatong sa arm chair na nasa harapan namin.

"Exactly! Tumpak na tumpak! At ang club na iyon ay tatawagin nating AMPALAYA CLUB! Oh diba bongga? "

"Kalokohan. Ano naman ang meron sa club na iyan aber? SIge nga Marlon,spill it out! " naka cross arms kong tanong sa kanya. Baka kasi may sayad to sa utak eh,naninigurado lang. Bumaba naman siya sa arm chair na pinatungan niya at lumapit ulit sa akin.

"Ano ka ba gurl! Dont call me marlon! Just call me marly okay..O kaya just call me beki Marlon para bonggga! " mas lumapit pa siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita.

" Ganito yun. Sa ampalaya club,we are going to search for the bitter people like us then we will set this following PARA MAGING CERTIFIED MEMBER.

1.) BE A HEART OF STONE.

2.) Dont sha dare to Believe in love again.

3.) MAKE A BITTER SWEET REVENGE TO THE ONE WHO HURT YOU THE MOST.

4.) DON'T FALL IN LOVE AGAIN WITH THAT SOMEONE WHO HURT YOU.

5.) BE BITTER FOREVER.

Yun lang yung mga rules.. Ano challenge accepted?"

(See the picture of beki Marlon and Chandria------>>>>> )

Chandria's Ampalaya ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon