Yourstruly

31 1 0
                                    

Year 2011 ng una kitang makita at makilala. Nakipagkilala ka sakin at hiningi mo ang number ko. Simula nun, naging magkaibigan tayo. Un ung panahon na lagi akong pumaparty at lagi ka ring sumasama saamin. Lagi mong tinatanong kng pwede mo ba akong ligawan, pero lagi kitang nirereject dahil takot akong mafall ulit. Sinabi ko sayo kung bakit. Dahil nga takot na ko na maloko at iwan ulit ng mahal ko. Mas pinili ko nun maging single dahil paulit ulit lang akong nasaktan noon. Pero ayun ka, nangulit. Lahat ginawa mo mapapayag mo lang ako. Wala akong ibang ginawa kundi ireject ka. Hanggang sa nkita mo kong may kasamang ibang lalaki. Nakita ko ung naging reaksyon mo. Sobra kong naguilty dun. Kinausap kita. Pero simula nun nagbago ka. Lumayo ka. Namiss kita nun kaya ako na lumapit sayo. Hanggang sa time na huling beses ka na pala magtatanong kng tayo na ba. Sakto naman na sumagot na ko ng "oo". Naisip ko kasi nun na baka un na ung huli kang magtatanong. Tama pala ako. Nagulat ka sa sagot ko at tinanong mo na baka bukas bawiin ko na. Dumaan ung mga araw na lagi kang nanjan para sakin. Araw araw nabuhay tayo ng tayo lang lagi magkasama. Sobrang saya natin. Lumipas ang mga taon, ikaw at ako pa rin pero marami ng nagbago. Hindi ka na kagaya ng dati na mahal na mahal ako. Parati na tayong nagaaway. Pati maliliit na bagay pinagaawayan na natin. Lagi ng mainit ulo mo sakin. Ilang beses na rin kitang nahuli na may nilalanding iba, pero pinapatawad kita. Habang tumatagal, mas minamahal kita. Pero bakit kabaligtaran ung ginagawa mo? July 2014, naghiwalay tayo. Akala ko, tapos na talaga ang lahat satin dahil ang tagal mo na kong di pinapansin. Mag iisang buwan na. Dumating na rin ako sa point na bitaw na ako. Nakaayos na papers ko nun papuntang ibang bansa para makalimot rin sayo. Nung malaman mo un, 1week before ako umalis, kinausap mo ko ulit bigla. Nagkaayos tayo. Hanggang dumating na ung araw na aalis na ako. Wala ka nung araw na yun dahil hindi ka pinayagan ng parents mo. Sinabi ko rin sayo na wag mo kong ihahatid dahil mahihirapan akong umalis lalo. Wala pang 1month bumalik agad ako. Ilang araw nalang birthday ko na din. Isusurprise sana kita. Ilang oras bago kita puntahan, nakita mo sa post ng tita ko na nandito na ako. Nagalit ka. Hindi mo yata naintindihan ung meaning ng "surprise". Simula nun hindi mo na ulit ako kinausap o kinita. Iyak ako ng iyak kasi bumalik ako para makita ka ulit pero mas pinili mong lumayo sakin. Dumating ung birthday ko ng inaaway mo ko. September 5 birthday ko pero September 6 ka nagpakita sakin. Pero ok lang. Lumipas ang araw, ibang iba ka na. Hindi na ko importante sayo. October, 3rd anniversary natin. Akala ko hindi tayo magkikita dahil mas priority mo sungitan ako. Pero nagkita naman tayo ng gabi. Uminom lang. Bago umuwi, nagtalo nanaman tayo sa maliit na bagay. Simula nun sinabihan mo na ko na di na kita makakausap. Masakit ka magsalita pero dahil mahal kita, hindi ko magawang magalit. Un na rin pala ung huling araw natin. November, pumunta ako sainyo. Naglakas loob na ako. Nung makita mo ko, pinaalis mo ko. Bago ako umalis, tinanong ko sayo kung may iba ka ba. Bakit di mo nalang inamin sakin? Baka kung inamin mo, siguro hindi na sana ako umasa pa. Hanggang nabalitaan ko nalang na may iba ka na nga. Halos magmakaawa ako sayo pero dedma ka lang. Unang beses kong makita ung picture na pinost mo na kasama sya at ung buong team, nakaramdam ako ng kirot. Sigurado akong durog ako nun. Nasa ibang lugar ako nun pero iyak ako ng iyak. Kahit pag nasa work ako, hindi ko napipigil maiyak. Ang sakit kasi talaga. Araw-araw akong umiiyak kasabay ng pagligo ko. Hindi ko alam kung paano mo yun nagawa. Pinilit kong kayanin ung sakit. Iiyak nalang ako tuwing hindi ko na kaya. Ending? Araw-araw talagang umiiyak. Sinubukan kong magpakatatag bawat araw na lumilipas ngunit sa tuwing nakakainom ako, hindi ko alam na nagtetext pala ako sayo. Nalalaman ko lang un dahil bigla kong napapansin na nasa recent messages ang pangalan mo. Sa tuwing mababasa ko kung ano man ang mga pinapadala ko sayong mensahe, nakakaramdam ako ng hiya dahil desperada ako kung matatawag. Kung maaari ko lang bawiin, pero hindi na. Lumipas ang araw, linggo, buwan. Napakahirap pa ring makalimot. Pasko na, umaasa akong sana kahit batiin mo man lang ako. Pero wala. Lumipas na pati ang bagong taon pero wala talagang paramdam. Walang araw na lumipas na hindi kita naalala. Bawat bagay nakakapagpaalala sakin tungkol sayo. Kung minsan, naiisip ko, naaalala mo rin kaya ako kahit minsan? Pero alam kong 'hindi' ang sagot sa tanong ko. Naaalala ko, noon, ang sabi mo, hindi mo gagawin sakin ang ginawa ng mga ex ko. Pero bakit eto ang nangyari? Ginawa mo pa rin at mas ginrabihan mo pa. Mas masakit pa ang ginawa mo. Hindi ba ako worth ng kahit explanation man lang? Wala ba talagang halaga sayo o hindi mo man lang ba talaga nirespeto ung tatlong taon natin? Basta nalang, 'BULAGA! BREAK NA TAYO! MAY IBA NA AKO!'. Ganun lang ba? Hayy. February14,2015. Ayan na ang huling araw na naramdaman ko ung sobrang sakit. Hindi ko rin maintindihan. Matagal ko ng iniintay na makalimot, sa wakas, dumating din ang araw na un. Mas naging madali na ang araw ko simula nun. Hindi na ko iyak ng iyak. Less pain na. Mas nagiging masaya na ako. Nagagawa ko ng palipasin ang mga araw ng nakangiti, masaya. Last week of February, nagpunta ako ng Ilocos. Inikot ang buong Ilocos! Napakasaya ko nun. Naaalala mo ba? Pupunta tayo noon dapat ng Ilocos kasama parents mo diba? Pero di tayo natuloy. Alam mong pangarap at gustung gusto ko magpunta ng Ilocos. Ngayon, natupad ko na. Masaya ako dahil ngayon kaya ko ng gawin ang mga bagay na noon hindi ko magawa ng hindi ka kasama. Malakas na ang loob ko. Though, naaalala kita habang nasa Ilocos ako nun dahil naisip ko, 'dapat kasama kita dito'. Isang gabi, habang nasa Vigan, nagulat ako at nakita ko ang facebook account mo. Nakablock ako sayo dati pero bakit ngayon tila inunblock mo ako? Akala ko baka nagloloko lang ung iPhone ko kaya dinouble check ko sa isa ko pang fone. Tama nga, inunblock mo nga ako. Pero bakit? Lumipas ang ilang araw, binlock mo ako ulit. Simula nun nabother ako. Bakit mo ko inunblock? Bakit kung kelan nagiging okay na ko, saka ulit magugulo ung utak ko at nararamdaman ko? Nakabalik na ko ng Manila, sumasagi pa rin sa isip ko un. Ilang araw ulit ang lumipas, nagpunta naman ako ng Mindoro. Mag-unwind sa Puerto Galera. Nakita ko nanaman ung fb mo. Meaning, inunblock mo nanaman ako. Napangiti ako in a way kasi naisip ko, siguro nga, naaalala mo ako kahit papaano dahil hindi naman aksidente ang pag unblock. And inunblock mo ko to check my account. Sigurado ako dun. Lumipas lang ulit ang mga araw, binlock mo ko ulit. Bumalik na ko ng Manila. Bigla along nakaramdam na naeenjoy ko ang pagtravel. Simula nun, sunud sunod na ang pag alis ko papuntang iba't ibang lugar. Nahanap ko ang paglilibangan ko. Naging traveler ako. April2015, malapit na ang graduation nyo. Masayang masaya ako ng mabalitaan kong gagraduate ka na. Gustung-gusto kitang makita sa araw na suot mo na ang toga mo. Wala akong balak magpakita pero ikaw, gusto kitang makita. Nakausap ko ang isa sa mga tropa mong gagraduate rin. Sabi ko, kahit picture nalang ng nakatoga ka, masaya na ako. Pangarap ko noon pa man na kasama ka sa araw na un pero ngayon, wala na akong space sainyo. Iba na ang kasama mo. Sa sobrang saya ko, nagawa ko pang imessage ang mom mo. Sabi ko, Congrats and napakasaya ko para sainyo. Hindi ko inaasahan ung isinagot nya. Nawala lahat ng saya ko. Napalitan lahat ng luha. Bakit ganun? Positive ng message ko, sobrang negative ng sagot. Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ung naramdaman ko pero wala akong nagawa kundi ang umiyak. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob, pero sa pagkakataong to, naramdaman kong nagagawa ko na. Ayoko ng nararamdaman ko dahil masama magtanim ng galit pero masama rin ang sinabi nya. Simula nyan, walang gana na ako. Kahit na nakita ko ung paggraduate mo, nawala na ung sobrang saya at excitement ko. Ngiti nalang ang kaya ko. Nakita ko nanaman ulit na inunblock mo ako sa fb. Napansin ko na every middle of the month, inuunblock mo ako. Ano ba talagang nasa isip mo? Namimiss mo ba ako? Gusto kong malaman. Pero dahil sa sakit ng loob na naramdaman ko sa mga sinabi ng mom mo, nakuha ko ang lakas ng loob na sa pagkakataong ito, ako na ang mambblock sayo. At nagawa ko nga. Okay na siguro yan para pareho tayong hindi magulo. Hindi na magugulo ung mundo ko sa tuwing iuunblock mo ako. Makakatulong din siguro sakin ito sa pagbuo ko ng bago kong mundo. Mundong, nakahiwalay sainyo. Pagod na rin naman ako. Lalo na sa mga taong nakapaligid. Ang mga kaibigan ko at kaibigan mong walang ginawa kundi magmessage sakin na ang tanging dulot, sirain ang araw ko dahil walang magandang sinasabi kundi against sainyo ng gf mo. Gasgas na nga ang linya kong "hayaan nyo na sila. Masaya naman yata sila kaya bayaan nalang". Mas galit pa sila kesa sakin. Naiintindihan ko naman sila pero sana naiintindihan din nila ako na mas mahihirapan ako kung lagi nila akong minemessage ng tungkol saiyo o sainyo ng bago mo. Hiling ko ang kasiyahan mo noon pa man. Nung mga unang buwan na ipinagpalit mo ako, nagbabantay ako, nagdadasal ako na sana mahalin ka nya ng higit sa pagmamahal ko sayo, na sana wag ka nyang lolokohin o sasaktan dahil pag nangyari un, mas doble ang sakit na mararamdaman ko. Masaya akong nakakakita ng pictures nyo na mukhang masaya ka. Masaya ako basta masaya ka kahit na hindi na ako ang dahilan ng kasiyahan mo. Akala ko noon, sa mga movies and stories sa book lang un pero totoo pala un basta totoong nagmamahal ka. Ngayon ko lang naramdaman na maging masaya para sa mahal ko kahit iba na ang kasama nito. Huwag kang mawawalan ng dahilan para ngumiti dahil may ibang taong masaya na basta makita kang masaya. :)

*

*

Eto kaya ang buong storya natin sa lifetime na to? Kung makikita kita ulit, ako ang unang ngingiti. Ano man tong kinahantungan ng kwento natin, nagpapasalamat ako sa Diyos at sa tadhana dahil pinagtagpo tayo sa isang mahaba't makahulugang chapter ng buhay ko.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon