Chapter 17- Feeding Him

352 20 0
                                    

Tine's Pov

Pagdating ko sa University ay agad kong hinanap si Sarawat kasi ibibigay ko na sana sa kanya yung binili kong Jollibee, kaso di ko sya mahanap.

Nagka idea agad ako kung san ko sya mahahanap, at agad ko syang pinuntahan.

It was the Football field, and naabutan ko syang nag lalaro kasama yung mga kaibigan nya.

Wala akong ibang nagawa kung di umupo nalang muna ako sa benches, hihintayin ko nalang syang matapos yung laro nya.

At sa wakas natapos din, agad nya akong nilapitan nung nakita nya' akong naka upo sa benches.

"Oh, para sayo" agad kong bungad sa kanya pagkalapit nya sa'kin.

"Alin yung para sa'kin? Yung binili o yung bumili?" tanong nya na nagpa init ng mukha ko.

"Ano, kukunin mo ba tong binili ko o hindi?" sabi ko sa kanya.

"Oo na kukunin ko na, ang sungit mo naman ngayon." sabi nya, hindi ko nalang pinansin.

"Pwede mo ba akong samahan muna?" tanong nya sa'kin.

"Saan?" tanong ko pabalik.

"Basta" sabi nya at agad akong hinila, nagtanong pa sya kung hihilahin nya din naman pala ako. Di nya man lang hinintay yung sagot ko.

Dinala nya'ko sa lugar kung saan nya'ko unang tinawag na "Expe", teka ba't ko ba naaalala tung lugar na'to?

Nagulat ako ng umupo na sya bigla at nag simula ng kumain.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Uhm pwede ka nang umalis kung wala kang gagawin dito, nag pahatid lang naman ako sayo. Salamat sa pag hatid!" sabi nya na biglang nag painit ng ulo ko.

"Ano?! Tangina mo talaga!" sigaw ko at agad na akong tumalikod sa kanya.


Sarawat's Pov

Agad syang tumalikod sa'kin at nag lakad na papalayo, pero nagulat ako ng bigla syang bumalik at umupo sa tabi ko.

"Baby kain ka na" sabi nya sa'kin sabay tulak sa kamay kong may hawak na kutsarang puno ng manok papunta sa bibig ko.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari hanggang sa narealize ko kung bakit nya ginagawa sa'kin to'.

Nakita ko sa di kalayuan si Green at grupo ng kababaihan papunta sa'min, pamilyar sa'kin yung mga mukha ng mga babae. Mga myembro sila ng "Sarawat Wives".

"Tiiiiiii-" hindi natuloy yung sigaw ni Green ng nakita nyang sinusubuan ako ni Tine ng pagkain.

Makikita mo sa mukha nya yung disappointment, nag expect siguro sya na hindi kami ganito ka sweet. Actually hindi naman talaga, gustuhin ko man kaso ang manhid ng isang 'to.

Agad na umalis sila Green kasama yung myembro ng "Sarawat Wives".

Nung maka alis na sila ay agad na binitawan ni Tine yung kamay ko, biglang kumurot yung puso ko.

"Ba't ba ayaw nya'kong tantanan? Di ba sya naniwala sa sinabi mo noon?" sabi nya na nagpalingon sa'kin sa kanya.

May biglang pumasok na idea sa utak ko, chance ko na 'to.

"May "Eyes and Ears" si Green everywhere" sabi ko.

"Huh? anong ibig mong sabihin?" tanong nya sa'kin.

"Kita mo yan?" tanong ko sa kanya sabay turo sa isang babaeng kanina pa nakamasid sa'min patago.

"Myembro sila ng "Sarawat Wives", nakipagkaibigan sa kanila si Green. Mag hahanap sila ng proweba na hindi tayo mag-on, para makuha nila ako at makuha ka ni Green." paliwanag ko sa kanya.

"Wow, ang laking wow lang talaga ha. Ganyan naba talaga ka disperada yang mga "Fans" mo? Ang lala naman nila maging Fan Girl, pati buhay mo papakialaman." sabi nya.

"Ganyan na talaga sila, di mo na mababago yan unless..."

"Unless ano?" tanong nya.

"Unless kung gagawin natin both ng paraan."

"Anong paraan naman yung gagawin natin?" tanong nya ulit.

"We have to stay close at each other all the times, and we have to take this acting skills of ours to the next level." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya.

"Bye! I'll see you later, susunduin kita!" sabi ko at umalis na.


:)


Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon