Chapter 30: Palibhasa hindi mo nasubukang maging mahirap

310 8 1
                                    

Oh hi guys! Andito na naman ako! Haha .. Can you believe that?? I'm here with an update again! xD

Oo nga pala nabalitaan niyo ba yung magnitude 5.9 na lindol kaninang madaling araw sa Luzon mabuti na lang at hindi nagkarun ng tsunami. Hayy

Sa movies naman tayo, nakakaiyak yung movie ni winter the dolphine kanina ano? Talagang tiwala lang. Okayyy para na akong reporter dito. Pansin niyo? xD

Oo nga pala, ang haba na nitong student ball no? Hihi, Talagang sinusulit ko eh.. xD  Ang masasabi ko lang ay malapit na tayo sa climax. xD Kaya everybody, kapit lang, tiwala lang at makakaraos din tayo. haha.

Mahaba ito ah! Supposed to be two chapters pero tinatamad akong magpost ng doble.. xD

Oh siya, enjoy reading! And thank you so much sa mga nagfafollow, vote, comment, read, support at sa inyong lahat na nagbabasa nito ngayon. Much love guys!

-------

Napatikhim ako at nanahimik na lang sa kinauupuan ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagkaing binigay ni Ven kesa sa mga taong asa paligid ko. Mas importante ang pagkain at hindi ito dapat pinaghihintay kaya ikinain ko na lang ang init ng ulo ko.

Mabuti nga at hindi nakalimutan ni Ven na samahan pa ito ng drinks dahil sa sobrang gutom ko na rin ay halos mabulunan pa ako.

"Hoy, Veronica, baka mamaya hindi ka na makahinga dyan. Puro ka subo at lunok." sinamaan ko lang ng tingin itong katabi ko bago abutin ang inumin na kulay dugo at doon uminom. Bahagya ko pa iyong inilayo para matitigan ko ng unti. Pinadaanan ko pa ng tingin ang palibot nito habang iniikot ng aking kamay. Ang tamis naman nito.

Masarap!

"Huwag mo nang masyadong pakialamanan si Ronnie at baka masikmuraan ka na naman." patawa tawang sambit ni Troy pero hindi ko na lang siya pinansin bagkus ay muling sumimsim sa binigay ni Ven na inumin. Nasaan ba ang pinanggalingan nito nang makaround two ako. Ang sarap talaga eh. Para siyang strawberry na candy na may halong raspberry o kung ano man. Ang tamis talaga eh.

Dahil dito ay napangiti ako. Bigla kong naramdamang magrelaz ang nerves ko at nakalimutan na ng katawan ko ang kaninang init ng ulo at inis na nararamdaman ko.

"Ven, san mo nakuha ito? Ang sarap!" tinignan ko si Ven na may sa gawing kanan ni Mervin kaya napadaanan ko rin ng tingin ang mokong. Hindi na lang ako nagpaapekto dahil importanteng malaman ko kung san ito galing.

Napansin kong mag-angat ito ng tingin sa akin mula sa kinakain nito. Mabagal ang pagnguya niya sa pagkain na para bang sinisiguro niyang tunaw na ito sa kanyang bibig bago lulunin. Napakaweird niya pero ayos lang mabait din naman kahit na niloko niya ako sa pagiging bakla niya at sa hindi malamang dahilan ay pinatulog sa kotse.

Mamaya ko na lang siguro tatanungin ang tungkol doon kapag wala na kaming ibang kasama dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.

"Sa punch bowl." sabi nito bago lingunin ang kinaroroonan ng buffet at nang tumingin ako roon ay nakita ko nga ang dambuhalang crystal bowl na may laman ng maladugong likido.

"Oh, thanks." sabi ko na lang at nakangiting bumalik sa kinakain ko. Mamaya na lang ako kukuha. Ubusin ko muna itong kinakain ko. Magsusubo na sana akong muli nang mahulog ang laman ng kutsara ko dahil may bumunggo sa balikat ko.

"Ow, you shouldn't have done that Mervin." rinig kong sambit sa kabila ko which I knew was Red.

Napatitig ako doon sa kutsarang hawak ko na wala nang laman at ngayon ay nagkandahulog na sa plato. Yung iba pa nga ay sa mismong puting mantel ng mesa nahulog kaya nadumihan tuloy ito.

"At bakit naman?" tugon ni Mervin habang ako ay nakatitig pa rin sa kutsara ko.

"You'll see." bigla kong naramdaman yung mainit na tingin sa akin ng mga kasama namin sa mesa.

"Lagot na tayo nito." bulong ni Timmi pero narinig ko pa rin.

"Just Mervin." relax na sambit ni Pen.

"Sunflower, ano bang pinagsasabi niyo?"

"Ronnie, you can have mine." inosenteng offer ni Kendra sa isang platong dala niyang hindi pa nagagalaw.

Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga bago ako magmulat ulit. Binaba ko yung kutsarang natabig or should I say sinadyang tabigin ni Mervin bago tumingin sa kanya.

Nginitian ko ito.

"Masyado naman ata kayong nageexaggerate sa mga bagay girls." rinig ko pang komento ni Troy.

"Well, why are you smiling cheesecake?" malambing na tanong ni Mervin pero hindi ako naapektuhan ni isang katiting.

"Nakita mo ba ang nagawa ng katangahan mo?" paunti unti kong sabi habang nakangiti pa rin.

"Oh God, not now."

"Ano bang pinagsasabi mo Timmi?"

"Troy, ilayo niyo na yang kaibigan niyo kung ayaw niyong mamatay yan."

"Ano?"

Napailing ako at bahagyang humalakhak.

"Na-nababaliw ka na ba Veronica?" batid ang pagbabago ng timpla ng mukha ni Mervin pero hindi nun mabubura ang ginawa niya sa pagkain ko. Sinira niya ito.

"Hindi mo ba alam na maraming nagugutom ngayon ha? Anong karapatan mong sayangin ang pagkain? Anong karapatan mong dungguin ako ha? Nakikita mo to? Ang kalat! Nagkalat na yung pagkakaayos ng pagkain ko sa plato!" halos maghabol ako ng hininga sa inis. Nararamdaman ko na rin na nanginginig ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa. Ganito ako pag umabot na sa nuknukan ang inis ko.

"So what? Pwede naman kitang ikuha ng bago." hindi nagpapatinag ang boses niya pero halatang uncomfy na siya. Dapat lang. Dapat lang na maging uncomfy siya sa ginawa niya.

"Punyeta lang, Mervin. Hindi yun ganun ganun lang. Palibhasa hindi mo nasubukang maging mahirap. Palibhasa mayaman ka at hindi mo nasubukang magutom. Palibhasa kayong mayayaman walang pakialam kung matapon ang mga pagkain dahil alam niyong hindi kayo mauubusan!"

"Ano bang pinagsasabi mo?" nakita kong malukot ang mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya pero mabuti sana kung gulung gulo na ito sa mga panahon ngayon dahil kulang pa yan.

"Ano bang nangyayari?" rinig kong bulong ni Troy.

"Hindi mo ba napapansing ang ayos ng plato ni Ronnie nung hindi pa siya dinunggo ni Mervin? Wala ka talagang alam."

"Kaya nga tinatanong para alam ko."

"Tss. Tignan mo kasi, oh. Kita mo nakahiwalay ang salad sa sweets at sa main niya. Di ba, kitang kita mo ang division hindi tulad niyang sayo naghalo na ata lahat diyan sa plato mo."

Naramdaman kong dumapo ang kamay ko sa isang malamig na metal at alam kong humigpit ang hawak ko roon. Itataas ko na sana iyon nang mapansin kong may biglang humawak sa aking pulso at sa isang bagay na pumatong sa ibabaw ng mesa sa aking harapan.

Napatingin ako kay Red at doon ko narealize na kanya yung kamay na sa ngayon ay nakapatong na sa aking kamay na kasalukyang mahigpit na nakakuyom sa hawakan ng bread knife. Napatingin rin ako doon sa panibagong baso sa aking harapan.

"Take it easy." rinig kong bulong ni Ven. Kinuhaan niya akong muli nung matamis na inumin. Unti unting lumuwag yung pagkakahawak ko sa kutsilyo at inabot ang baso.

Muli akong sumimsim mula roon at dahan dahang lumiwanag ang aking isipan. Naibagsak ko ang baso sa mesa at tumingin kay Mervin.

Anong na naman bang ginawa ko?

"Sh.t." anas ko nang magtagpo ang mga tingin naming dalawa.

"So that's how you feel." hindi ko binawi ang tingin sa kanya pero kahit na ganoon ay hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kanyang isipan. Napansin ko na lang na bumuntong hininga siya. "I'm sorry." wika nito at tinitigan ako ng mataimtim.

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos niyang sambitin ang dalawang salitang iyon hanggang sa marinig namin ang ilang pagtap sa mikropono. Agad akong napabawi ng tingin at itinutok ang aking pansin sa may stage kung saan nakatayo ang isang babaeng nakasuot ng black and pink skimpy mini dress at siyang may parang paru parong itim na maskara. 

"Hello! I'm sorry about that. Things got a little out of hand but okay, some of you kept on requesting..." napansin kong mapailing siya na para bang sinasabi niya hindi siya makapaniwalang ginagawa niya ito. Pssh, Danna and her irritating mannerisms. "..another song from the men in black masks. So, guys! What do you think?" bigla siyang tumuro sa table namin at lahat naman ay napatingin sa direksyon kung saan kami naroroon. "Can you play for a few songs?"

"Oh my gosh! Do it!" says the girls na malapit sa amin. 

"Yes! Pretty please?" natahimik yung mga kasama naming lalaki sa kinauupuan nila habang nagkakatinginan. Siguro ay nagkakadiskusyon pa sila kung gagawin nga nila or what. Paki ko naman.

"Okay lang sayo sunflower?" rinig kong tanong ni Jake kay Pen.

"Oo naman."

"Basta lahat ng kakantahin ko iaalay ko sayo." tapos nakita ko pang halikan nito ang likod ng kamay ni Pen. Please, gaano ba katamis ang lalaking ito. Ito namang si Pen ay halatang nagpipigil ng kilig. Grabe, hindi ba sinabi kong magiging masaya ako para kay Penelope pero bakit na naman ako nagkakaganito?? Mahirap na talaga sigurong baguhin ang nakasanayan.

"Huwag kang mainggit." inirapan ko lang si Mervin. Kakasorry lang kanina nang-iinis na naman. "Marami mang babae sa paligid, asahan mong sayo lang ako tititig."

"Yan tayo eh!"

"Lakas mong bumanat Mervs!"

"Umalis ka na nga baka magdilim ang paningin ko." iritable kong sagot at tumayo naman siya kasabay nung mga kasama niya. Tsk. Bwesit.

"Magdilim man ang paningin mo, di bale, tignan mo lang ako at magliliwanag ang mundo mo." ngisi nito bago tuluyang tumalikod.

"Tarantado!"

--

"Ang sweet ni Mervin no?" naisatinig ni Timmi at siyang pagtingin ko sa kanya. Obvious na siguro sa mukha ko ang mensaheng gusto kong ipahatid dahil napatitig agad siya sa akin at sinagot ang unspoken message ko. "Hindi ako nahihibang okay? Sinasabi ko lang yung napapansin ko."

Napakurap siya bigla at tinabi niya yung pagkain niya saka doon nangalumbaba sa mesa.

"Hindi ka pa rin nagbabago Ronnie. Kanina akala ko talaga sasaksakin mo na si Mervin mabuti na lang at napigilan ka ni Red and of course the sweet beverage." gumawa siya ng paikot na gesture gamit ang isa niyang kamay dun sa baso na nakakalahati ko pa lang.

"Right. Seems like food has a great connection to you." pagsingit ni Pen na hindi pa rin naiaalis ang tingin sa kinaroroonan ng boyfriend na ngayon ay nag-aayos ng plug sa gitara niya.

"Pwede ba, malaki talaga ang koneksyon ng pagkain sa tao." pamimilosopo ko pero muling sumagot si Pen na siyang nakapagpatahimk sa akin.

"You know that I'm not that direct." Tumingin siya sa akin. "So to speak." dagdag niya pa. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ronnie, kung gusto mo ng food, pwede kitang ikuha ha, sabihin mo lang sa akin. Also, we can crush Mervin together. Nobody messes with food power!" sabi ni Kendra. Ang laki talaga ng appetite ng isang ito pero kahit na ganoon ay hindi pa rin siya tumataba.

"Nah, I'm okay." sabi ko at muling uminom sa bigay ni Ven. Ang bait talaga ng isang yun.

"Hinay hinay lang Ron sa pag-inum baka malasing ka."

"Pssh." sabi ko na lang. Anong malasing? Hindi ko rin talaga maintindihan minsan ang mga sinasabi ni Red sa akin. It's like she's talking in a foreign language. Hindi naman lasang alak to eh. Ang tamis kaya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko nung maubos ko na yung laman ng baso. I need mooore!

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Red sabay pa ng paghawak niya sa braso ko.

"Dyan lang."

"Siguraduhin mong hindi ka na iinum niyan. Malalim na ang gabi." may tono ng pag-aalala ang boses nito pero hindi ko na lang iyon pinansin. Bakit ba siya nag-eexaggerate? Juice lang naman ito at saka wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin.

Hahakbang na sana ako ng magsimulang dumilim ang paligid. Siguro para bigyan ng malaconcert na dating ang mga lalaking yun sa stage. Tss. Mabuti na lang at nakikita ko pa rin yung paligid.

"Ehem." rinig ko pa sa mic. Pwede bang kumanta na lang sila at huwag na yung tilian ng mga babae? Imbes kasi na yung kanta ang marinig, mas umaapaw pa yung padyak at tili eh. "Hush girls, fall in love with the song, not with me." Sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako sa stage. Nakapalibot ang dalawang kamay ni Mervin sa mic nun at para akong kinilabutan nung dumapo ang tingin niya sa akin. Paano niya akong nakita sa ganung layo? Baka guni guni ko lang. "I'm taken.." he whispered at kinindatan ako. Napatingin ako sa likod pero pakiramdam ko nagmukha akong tanga dun dahil sino ba ang niloko ko? Lahat ata ng babae naggigitgitan na sa harap ng stage. "Let's rock!" at hayun nga kung anong upbeat song ang tinugtog nila na wala akong kaide-ideya kung ano.

"Whatever." bulong ko na lang at nagpatuloy sa buffet. Yung mahabang table na siyang kinaroroonan ng sobrang daming pagkain. May lechon pa nga eh pero siyempre dun ako dumeretso sa may punch bowl.

Mabuti na lang pala at kumanta sila. Nawalan ng tao dito.

Sumalok ako dun at naglagay sa isang baso na kinuha ko sa tabi nung bowl. Paunti kong sinimsim bago ko lagukin ng deretso.

"Hmm! Sarap!" sabi ko bago muling sumalok ulit. Nakalimang baso na ako nung maramdaman ko ang tawag ng kalikasan.

Grabe, bakit ganun? Ang daya naman! Napalinga ako sa paligid at hinanap ko kung saan nga ba naroroon dito ang banyo. Bat naman kasi ang lamig lamig dito kaya siguro ako naiihi agad.

Napatingin ako sa parteng pisukan ng ilang babae at doon dumeretso at pagkatingin ko naman ay hindi din pala ako nagkakamali at nakita ko ang washroom kaya lang occupied na lahat at may ilan pang nakapila. Oh sh.t lalabas na.

Napahigop ako ng maraming hangin bago tumakbo palabas ng auditorium at sa sobrang pagmamadali ko pa ay hindi ko alam ang tutunguhin ko. Pagkalabas ko ba naman ay napatakbo ako sa kanan at napabalik din sa kaliwa.

San ba dito pinakamalapit? Tumakbo ako sa direksyon papunta sa music hall dahil yun lang naman ang pinakamalapit sa auditorium at ubod ang pasasalamat ko nang maabutang bukas iyon. Siyempre ginawa ko na yung dapat kong gawin at napahinga na lang ng maluwag nung makalabas na rin akong muli.

Bigla lang umihip ang napakalamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Kung bakit naman kasi walang kasamang balabal man lang ang damit na ito eh.

Nagpalakad lakad ako sa paligid nung music hall hanggang sa makarating ako sa likod ng auditorium. Rinig na rinig hanggang dito yung tugtog mula sa loob. Ayos rin naman pala kahit dito na lang ako tumambay eh. Hindi naman kasi madilim dahil sa liwanag ng buwan saka ngayon ko lang napansin ang daming stars sa langit.

Stars.... Tss. Naalala ko na naman yun. Dapat magpakita na siya sa akin nang maibalik ko na yung anklet niya at mabawi ko na rin yung kwintas ko. Naupo na lang ako sa may sementong bakod nung mga nakatanim na bulaklak sa gilid ng auditorium at napabuntong hininga.

Ang daming nangyari sa isang linggo at hindi ko maitatangging nagbago ang takbo ng buhay ko dahil sa isang lalaki. Yak naman pakinggan yun.

Natahimik na lang bigla yung kaluluwa ko nung bigla kong narinig yung harmony nung mabagal na pagtipa sa gitara. Sino kaya yung nagpplay nun? Si Jake kaya o si Ven? Imposible naman kasing si Chris yun kasi bass yung kanya. Pero siguro sumasabay na rin siya dun sa pagtugtog. Di ko masyadong mapinpoint dahil sinasabayan pa ng malamig na ihip ng hangin pati yung mga bulong ng nagsisihawiang dahon sa puno pati na rin dito sa mga halaman sa likod ko.

With every appearance by you, blinding my eyes,
I can hardly remember the last time I felt like I do.
You're an angel disguised.

Di ko masyadong maintindihan ang sarili ko dahil gusto kong palawigin yung pandinig ko nang maintindihan ko yung lyrics. Ang ganda nung boses nung unang kumakanta. Si Ven ata eh.

Hindi pa rin ako makapaniwala at lahat ata sila biniyayaan ng magandang boses. Ayoko sanang aminin pero maganda rin ang boses ni Mervin. Gusto ko na lang isipin na naka-auto tune yung ginagamit niyang mic pero hindi eh. Bwesit siya. Bat ang ganda ng boses nung mokong na yun? Well at least hindi naman siya magaling sa lahat ng bagay dahil hula ko kaya wala siyang hawak na gitara kasi hindi niya alam. Mabuti na lang.

And you're lying real still,
But your heart beat is fast just like mine.
And the movie's long over,
That's three that have passed, one more's fine.

Napatigil ako sa pagmumuni muni nang mapansin kong dumilim na yung kinaroroonan ko. Nakayuko kasi ako nun habang nakatitig sa desenyo ng damit ko. Magkano kaya to? Mukha kasing mamahalin.

Napagdesisyunan ko na lang na umalis na lang dahil baka hinahanap na ako ni Red. Ang sarap kaya manermon nun, mas malutong pa nga ata sa chicharong baboy.

Humangin muli ng mas malakas pa kumpara kanina at doon ko naamoy ang masamyong bango marahil ay dahil sa mga nakatanim na rosas sa paligid pero iba pa rin yung amoy nito.

Tiningala ko muna yung akala kong ulap na humarang sa liwanag ng buwan pero napaigtad ako nung iba ang nakita ko.

May nakatayong lalaki sa aking harapan at nagulat na lang ako nang lumuhod ito sa isang tuhod sa aking harapan at ilahad nito ang isang kamay sa aking harapan.

Nakita ko kung paano humiwalay ang mga talulot ng mga pulang rosas dahil sa lakas ng hangin at magsayawan sa aming paligid.

Will you stay awake for me?
I don't wanna miss anything
I don't wanna miss anything

Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko sa aking nasaksihan. Sinipat ko ng tingin ang estranghero na ngayon ay nakaluhod at nakayuko sa aking harapan. Nakasuot siya ng itim na sweater na may hood. Sa palagay ko ay sa kanya nanggagaling ang mabangong amoy na nilalanghap ko pa rin magpahanggang sa ngayon.

Tumingala ito sa akin at nakita ko ang kulay pilak na suot nitong maskara na siyang tumatakip lamang sa kanyang mga mata. Subalit kahit na ganun ay hindi ko pa rin siya mapagsino dahil sa aninong binibigay ng suot niyang hoody sa ulo.

Paunti ko siyang tinitigan bago ko iabot ang aking kamay sa kanya. Wala akong kahit isang ideya kung bakit ko iyon ginawa. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko dapat siya pinaghihintay ng ganun katagal.
 
I will share the air I breathe,
I'll give you my heart on a string,
I just don't wanna miss anything.

Nang dumampi ang aking palad sa kanyang balat ay agad akong nakaramdam nang hindi maipaliwanag na panlalamig. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hindi matapos na pag-ihip ng hangin o sadyang malamig lang ang kamay nitong estranghero sa aking harapan.

Tumuloy siya sa pagtayo at mas naipamukha nito sa akin ang kanyang tangkad nang marahan niya akong hilahin patayo. Magkahawak pa rin ang aming kamay habang pilit kong iginuguhit sa isipan ko ang mukha nito. Pero kahit na anong gawin ko ay sobrang dilim at tanging matangos na ilong lamang niya ang siya lamang nakikita ng aking mga mata maliban sa pilak nitong maskara.

I'm trying real hard not to shake. I'm biting my tongue,
But I'm feeling alive and with every breathe that I take,
I feel like I've won. You're my key to survival.

Yumuko ito at napagaya na lang rin ako nung maramdaman kong hawakan niya ang kabila kong kamay at naramdaman kong muli ang lamig ng kanyang palad. Ipinatong niya ito sa kanyang balikat habang hindi pa rin naaalis ang pagkakahawak niya sa kabila.

Hinapit niya ako ng mas malapit pero hindi ako pumalag. Wala akong masabi at tanging init lang ng kanyang katawan ang nagpanatag sa nagwawala kong puso. Hindi ko maintindihan pero kanina pa ito hindi mapalagay at kumikirot na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok nito subalit ngayong magkalapit na kami ay hindi ko maipaliwanag ang biglang pagtahimik nito.

Inudyukan niya akong sumayaw nang mag-umpisa itong humakbang pagilid na siyang sinundan ko naman. Mabagal ito pero hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi dahil kinakabahan rin ako kahit papaano. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag akong makisayaw sa kanya?

And if it's a hero you want,
I can save you. Just stay here.
Your whispers are priceless.
Your breathe, it is dear. So please stay near.

Nararamdaman ko ang hininga niya sa ibabaw ng ulo ko na para bang nahihirapan ito. Tiningala ko ang mukha niya at agad kong napansin ang kislap sa kanyang mga mata. Hindi ko mapigilang mapangiti at hindi ko alam kung bakit! Ano bang nangyayari sa akin!?

Nanatili kami sa pagsayaw hanggang sa hindi ko malamang dahilan ay sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Ang init sa pakiramdam dagdagan pa ng pintig ng kanyang puso. Mabilis ito pero paunting pumanatag gaya ng akin kanina. 

"Will you stay awake for me?
I don't wanna miss anything
I don't wanna miss anything..."

Muli akong napangiti nung sabayan niya ang kanta sa loob. It's like somehow, in my heart, I know this guy.

"...I will share the air I breathe,
I'll give you my heart on a string,
I just don't wanna miss anything."

Hindi ko mapigilang makiliti ang tenga ko sa dibdib nito habang siya ay kumakanta. Pakiramdam ko ay para kaming mga batang sumasayaw sa ilalim ng buwan na pilit na ginagaya at pinagkakatuwaan ang mga bagay na ginagawa ng mga mas nakakatanda.

"Say my name. I just want to hear you.
Say my name. So I know it's true.
You're changing me. You're changing me.
You showed me how to live....


...So just say. So just say," he said in a hushed voice.

Muli akong tumingala sa kanya. Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang balikat at humakbang patalikod.

Kasabay ng pag-angat ko ng kamay sa kanyang mukha, ay ang marahan kong pagngiti.

"Yuu." anas ko kasabay ng pagtanggal ng kanyang maskara.

Tinanggal niya ang suot niyang hood at nakita ko ang ngiting puminta sa kanyang mga labi.

Naramdaman ko na lang ang likod ng kamay nitong humaplos sa aking pisngi bago bumulong. "Yes, it's me."


(c) lyra_shin

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon