Ikadalawamput-isang Yugto: Ordinary Day

44 2 0
                                    

Alex's POV
        Ang weird ni Celest. Hindi sumama sa amin sa weekend picnic namin. I need to know what's going on. Maaga akong pumasok. Alam ko nag-jojogging si "kumag" este si Nicco sa field ng ganitong oras. Alam ko naman na hindi ko basta-basta makakausap si Nicco ng walang padulas kaya nagdala ako ng energy drink na madalas niyang iniinom at burger. "What's up, Lex?" tanong niya habang pinupunasan ang pawis niya. Di ako kumibo instead inabot ko sa kanya ang energy drink. Kinuha niya ito at uminom. "So what brought the great Alexis Bettina Samaniego to treat me with an energy drink? Is this about what we talk about a month ago. I stop right? Wag mong sabihin na gusto mong ituloy natin?" sabi ni Nicco na nakangiting aso. Sapakin ko kaya ito. "What's going on between Sam and Celest?" I said bluntly. "So, you went through all this trouble just to ask me that? Ganyan kaespesyal si Celest. Look Sam's dealings with his girls, I don't care abour it. He is my friend but that's just it. Whatever he does with them is none of my business." sabi niya habang inuubos na ang energy drink. "Please Nicco. I won't talk or beg or even try bribing before, ngayon lang. Ngayon ko lang ito gagawin at sa iyo pa. Gusto ko lang malaman kung ano ba ang namamagitan talaga sa kanilang dalawa." pagpapakumbaba ko. I hate guys. I don't like what I am doing but for Celest lulunukin ko na lahat ng pride na meron ako. "All I know is. He just wanted to try how a relationship would be with a perfect girl. Alex, if you want answers talk to your friend not me nor si Sam nor si Seth. Ang kaibigan mo lang makakasagot ng totoo at tapat sa iyo. You should know better not to trust someone like me." sagot niya na may kasama pang kindat. May point siya. Bakit ko ba siya nilapitan? This is so not me.

        ...Heto ako. Makikita ko siya kasama ang mga kaibigan niya. Pinuntahan ako ni Seth kahapon but I didn't face him ganoon na rin ang barkada ko. Why do I feel so broken? Is this me missing him already?  I need get my act back to normal.

        Nagpahatid ako kay Mang Caloy ayoko kasing magmaneho. Ayoko ng maging lonely. Enough na ang dalawang araw na pagmumukmok. Let this be an ordinary day. Ordinary day just like before. Walang Sam na manggugulo sa iyo Celest. Pagbaba na pagbaba ko sa kotse pinagtinginan na ako. All eyes on me. So much for ordinary day. Syempre, ayan na naman ang bulungan.

        "Aasa-asa kasi. Sino ba naman kasi siya para patulan ni Sam? Matalino lang naman siya eh." sabi ng isang babae. Di ko na tinignan kung sino.

        Marami pang mga bulung-bulungan at di ko na lang pinakinggan. I tuned them out.

        "Look kung sino ang nabuhay." bati sa akin ni Stacy. "Yeah. Very much alive and kicking." sagot ko habang nakangiti. Halatang takang-taka sila sa ikinikilos ko. "You know what for someone who was broken-hearted you don't look so broken." sabi ni Alex. "I need to move on. He's not worth it." sabi ko. Mukhang naconvince ko naman sila. Pwede na ata akong mag-sideline bilang artista. Pati mga sarili kong kaibigan naloloko ko na. I don't want to lie to them but this is for the best. Di na nila dapat malaman ang pinagdadaanan ko ngayon. Kasalanan ko rin naman kasi.

        Maya-maya lang ay dumating na ang M6. Celest, this is an ordinary day.

Sam's POV
        Kuliling-kulili na ako sa umiikot na usapan sa campus. Syempre kami na naman ni Celest ang bida. Well, mostly si Celest. They are talking about how pathetic she is. I couldn't take this. I was the jerk, I mean I am the jerk. She is not pathetic. She is the most reasonable, kind-hearted, reliable, logical at kung ano-ano pang positive attitude nasa kanya na. Kaya nga perfect. But, even though I really wanted to stop these girls talking bad about Celest di ko magawa. Naduduwag ako. Tae naman! Basta ayokong magpatalo sa gungung kong barkada.

        Malapit ko na siyang makita. I miss her sweet smile. Will she still smile at me just like before all this things happened to us? Lahat naman kasi in good terms siya. Ningingitian niya naman kami dati sana di un magbago. Praying it goes back to an ordinary day. We caught each other's eye. Mabilis naman niyang nilihis ang kanyang tingin. Kinuyom niya ang kamay niya at pumikit. Am I causing this so much pain on her? Pero diba dapa di naman siya talaga nasaktan sa ginawa ko? It was an act after all. 

Comments? Votes?

***Look to your right: Alexis and Niccolo

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon