Kabanata 10

12.3K 293 8
                                    

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko habang nakatingin kay Boss na nandito sa bahay.

Anong ginagawa niya dito? Tumibok ng mabilis ang puso ko. Shit! Natauhan lang ako galing sa mahimbing na pagkatitig kay Boss nang marinig ko ang boses ni Papa.

''Ikaw! Binuntis mo ang anak ko!'' sigaw ni Papa na nagpalaki ng aking mata.

Akmang susugurin na ni Papa si Boss buti ay napigilan ko.

''Joke lang iyon Pa!'' awat ko.

Hinawakan ko ang kamao ni Papa na papasuntok na kay Boss.

''Anong joke?! Sabi ng kapatid mo buntis ka!''

Binalingan ko si Raney na tumatawa. Sinenyasan ko siya na tulungan ako, mabilis naman siyang pumagitna at nagpaliwanag din.

''Pa, joke lang iyon, wala pang nangyayari kay Ate at sa Boss niya at kung meron man, hintay tayo nine months---Aray!'' Piningot ni Papa si Raney.

''Ikaw na bata ka! Papatayin mo talaga ako dahil diyan sa bunganga mo!'' sabi pa ni Papa na parang nahiya kay Boss.

Umakyat si Raney at Papa, mukhang pagsasabihan iyon duon. Ayaw kasi ni Papa talaga na pinapagalitan kami sa harap ng mga tao kasi malalaki na kami.

Napaigtad ako nang magsalita si Boss na nasa likod ko. Nakaharap kasi ako sa may hagdan, pinapanood kung paano bubug-bugin si Raney. Bwiset kasi na bakla, ang bibig walang preno.

''You are pregnant'' he stated.

I gulped. Hinarap ko siya. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko galing sa puso ko. Nakangiti siya na parang nanalo sa lotto. Gusto niya ba talaga akong buntisin?

''Sa labas tayo, Boss'' aniko at umunang lumabas. Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makalabas kami.

Huminto ako sa may malapit sa gate namin. Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. ''Anong ginagawa mo dito, Boss?'' tanong ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin, mukhang nakikipaglabanan ng titig. Nakakailang pero dapat hindi pahalata.

''I want to make sure that you are not pregnant, what if you are really pr---''

Eto na naman kami. Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako mabubuntis sa kanya.

''Boss, hindi ako buntis you don't need to worry'' I assured him.

Kung natatakot lang siya na baka ipaako ko sa kanya kapag nabuntis ako, well oo naman. Syempre pagkakataon ko na iyon para maakin siya. Grab the opportunity to make your life better!

Tumaas ang kilay niya. He's not buying it. ''How can you be so sure? Hindi natin a---'' Pinutol ko siya. Kahit nahihiya akong sabihin ito ay wala akong magagawa.

''Boss, I got my menstruation after that day'' aniko. Pareho kaming natahimik. The disappointment was written on his manly and handsome face.

Gusto niya ba talagang magkaanak? Ayaw ni ba magkaanak kay Ma'am Diane.

''Tapos na ba ang menstruation mo?'' daritsaan niyang tanong sa akin. Seryoso parin ang mukha.

Natigalgal ako ''Ha?'' Pati ba menstruation kailangan niyang malaman?

''I am asking if you're menstruation is done''

I nodded kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

Nararamdaman ko na rin ang init na dumadaloy sa pisngi ko. Nakakahiya makipag-usap sa lalaki lalo na't menstruation ang pinag-uusapan. ''T-tapos na Boss'' sagot ko

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon