Chapter 28: No!
Rue
"BANTAYAN niyo ng mabuti 'yan,"
"Bakit?"
"Bobo! Malamang para hindi makatakas."
Nagising ako sa ingay ng mga nagtatalong 'yon. Ang iingay! Kitang natutulog ang tao e! Tatayo na sana ako at sisigawan sila para tumahimik pero hindi ko 'yon nagawa. Mahigpit na nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan at naka-tape rin ang bibig ko.
What the?
Nilibot ko ang tingin pero hindi ako pamilyar sa lugar na kung nasaan man ako ngayon. Nanlaki agad ang mga mata ko ng mapagtanto kung anong nangyari sa 'kin. Sh*t!
"Gising ka na pala, Miss Byutipol!" Ngumisi ang taong bungi at hindi katangkaran sa harap ko.
Lumapit agad ito sa 'kin at walang habas na kinuha ang tape na nasa bibig ko. Tang na juice ang sakit! Tumingin na rin sa 'kin ang iba pa niyang mga kasamahan at sinamaan ako nang tingin.
Oh scary! Whatever!
"Bakit niyo ako kinuha? Sino ang nag-utos sa inyo? Kapag nakawala lang talaga ako rito mga tang*na niyo babasagin ko 'yang mga mukha niyo!" Sigaw ko.
Nagkatinginan lang silang lahat at nagsipagtawanan. Am I joking?
"Palaban miss ah? 'Yan ang gusto ko. . ." Lumapit ito sa 'kin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Napapakagat labi ang ang walanghiya at nananabik ang mga mata.
Yuck! Manyak!
Sinamaan ko siya nang tingin. Mas lumapit pa ito at hinawakan niya ang mukha ko kaya kinagat ko nang sobrang lakas ang kamay niya. Serves you right!
"Aray p*tangina kang babae ka!" Galit na sigaw siya at sinampal ako ng ubod nang lakas. Nang dahil na impact ng sampal niya ay natumba ako kasama ang upuang pinagtatalian sa 'kin.
Napadaing ako nang bumagsak akong patagilid sa maalikabok na semento. Nag-iinit ang bahagi ng pisngi kong sinampal niya. Kingina ang sakit!
Nalasahan ko bigla ang sariling dugo kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Ah!" Sigaw ko.
Pinabangon niya akong hawak ang buhok. Halos maalis na ang anit ko sa ginawa ng hayop na 'yon.
"Tandaan mong babae ka! Hawak namin ang buhay mo ngayon kaya manginig ka na sa takot!" Ngumisi siya kaya sumilip ang bungi nitong ngipin.
"Mas mamamatay ako sa naamoy ko galing sa bunganga mo gago!" Sabi ko at ikinasama iyon ng mukha niya.
"Baho raw ng hininga mo tol oh!"
"Totoo ka diyan miss,"
"Parang kanal ba?"
Nagsipagtawanan silang lahat at uminom.
"Tumahimik kayo!" Asar na sigaw ng kaharap kong hayop. Ngumisi ako sa kanay kaya mas lalong napikong ang gago kaya nakatanggap ako ng suntok sa tyan.
"G-gago!" Halos mamilipit ako sa sakit dahil do'n. Kapag nakalas lang talaga ang tali sa kamay ko, lintik lang ang walang ganti!
"Sinabi ko bang galawin mo 'yan Raymond?" Lumabas ang taong pamilyar ang mukha.
"B-boss A-arllu!" Utal na tawag ng Raymond na sumuntok sa 'kin. Napayoko pa ito at takot na napaatras.
Takot din pala! Lakas magyabang.
"Umalis ka sa harap ko bago pa kita masaksak ng hawak kong kutsilyo!" Banta sa kanya kaya dali-daling pumuta ito sa labas. Natigil na rin sa pag-iinoman ang iba at ewan ko ba pero walang bakas na nag-iinoman sila kanina lang.
Binalik niya ang tingin sa 'kin. Sinamaan niya ako ng tingin kaya binalik ko sa kanya 'yon.
"Hindi pa ako nakakabawi sa Zinnon na 'yan..." Simula niya at humakbang palapit at marahas na hinawakan ang baba ko. "Kita mo 'to?" He pointed his right cheek na may bakas ng isang tahi. "Kagagawan 'to ng hayop na Zinnon na 'yan!"
"Oh tapos?" Hindi intiresado kong wika at inirapan siya.
Hindi ko ito kilala base sa mukha niya. Hindi rin ito ang nakasagupa namin ni Owen na si Philip ang pangalan. Lalong-lalo na hindi rin siya ang tinakbuhan ko sa iskinita. Sino na naman ito? Tang*na ka Z ang dami mong kalaban! Ganda ng pang birthday ko! Wow!
"Walang hiyang babae ka! Magbabayad 'yang Zinnon na iyan!" Sumama ang mukha niya at mas diniinan ang pagkakahawak sa baba ko.
P*tek!
"Puro ka Zinnon! Zinnon! Hindi ko 'yan kilala. Kaya pwede ba? Pakawalan mo ako rito!" Sigaw ko at sinipa ang kayamanan niyang nagtatago sa pagitan ng hita niya. Dahil sa ginawa ko ay nabitawan niya ang mukha ko at nanilipit siya sa sahig.
"ARGGHHH!"
"Boss!" Sabay na sigaw ng mga alagad niya. Sumenyas lang siya na tumigil kaya walang nagawa ang ibang alagad niyang ang papangit ng mukha.
I smirked. Bakit kasi nakalimutan niyong itali ang mga paa ko? Mga bobo!
"P*tangina kayo! Magtatali na nga lang kayo hindi niyo pa nagawa ng maayos!" Tumayo siya habang iniinda ang sakit sa pagitan. Kawawa naman ang mga future anak nito. Mukhang hindi mabubuo.
"Napakabobo kasi pati ang boss na sinusunod," biglang sabat ko.
"Anong sabi mo?" Galit na galit na sigaw ng boss nila.
"Ang sabi ko napakabobo mo!"
Sinugod niya ako kaya hindi ako nakailag. Malamang nakatali ako diba? Sinuntok niya ako ng malakas sa tyan at sinampal ng paulit-ulit.
"Ang yabang mo rin e no? Anong pinagmamalaki mo? Ang section mong walang kaalam-alam kung nasaan ka? Si Zinnon na duwag? Ha!" Sinuntok niya ukit ako sa tyan kaya napaubo na ako ng dugo.
Hindi ako nakasagot dahil parang nawala ang lakas ko sa mga suntok na natamo. May kinalikot siya sa cellphone at ngumisi sa 'kin na malademonyo. Ni loud speak niya para marinig ko rin ang sasabihin nga baliw na Z na 'yon.
"Hello Zinnon..."
"..."
"May hinahanap ba kayo?"
Tumawa siya at tinutukan ako ng kutsilyong hawak niya.
"Pakinggan mo oh. May surpresa ako sa 'yo." Humalakhak siya.
"Ahh!" Sigaw ko ng hiwain niya parte ng leeg ko.
"Pu*tangina ka Arllu! Let go of her!"
"Oh? Kilala mo pala agad eh...Alam mo at alam ko kung saan kmo ako mahahanap. Bilisan mo, dalhin mo ang buong section bago ko gilitan ng leeg ang babaeng nag-iisa sa section niyo..." Humalakhak ulit ang Arllu 'yon.
"H-huwag kayong pumunta Z! Pabayaan niyo na ako. Marami sila kay-" hindi ko 'yon natapos dahil sinipa ng gagong Arllu na 'yon ang inuupuan ko ng ubod ng lakas.
Tumilapon ako kasama ang upuang pinagtatalian ko. Napadaing ako dahil sa sakit, mas dumoble dahil sa ginawang pagsipa niya.
"T-t*ngina mo!" Sigaw ko. Napaubo ako ng dugo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"RUE! HOLD STILL! WE'RE COMING!"
"Kung maabutan niyo ng buhay Zinnon." Humalakhak ulit siya na parang baliw.
"F*ck you!"
Matapos no'n ay pinatay niya ang tawag at humalakyak ulit.
"Makakaganti na rin ako sa wakas. Katapusan na ng section mo 'to! Magbabayad sila!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng magsilabasan ang ibang kasamahan nila na may mga hawak-hawak na tubo. Double sa nakit ko kanina ang bilang nilang lahat ngayon. Double sa bilang ng section namin.
"N-no...Z! D-don't f*cking c-come here..."
A S T A R F R O M A B O V E
★
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Ficção Adolescente(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...