ONE SHOT STORY

0 0 0
                                    


I was here at the hospital. Binabantayan ko si Lola. Mahigit dalawang linggo na din sya dito. Inaamin ko, walang nagbabago sa sitwasyon nya. Katulad ng dati, kaunti ang kinakain, madalas sumasakit ang puso nya. At ang sakit tignan

"Lola Kain na po ikaw" alok ko sa kanya ng pagkain ngunit inilingan nya lamang ito.

"Lola naman eh, kagabi ka pa di kumakain kahit kaunti" ngumiti lamang sya at hinaplos ang mukha ko.

Hindi na din sya nakakapag salita ng maayos dahil sa sakit nya kaya sobra-sobra ang lungkot at pangungulila ko sa boses nya.

"Sige Lola ha, mamaya po kakainin nyo yan. Pupunta lang po ako sa botika para bumuli sandali ng gamot ninyo. Paubos na po kasi eh" pagpapa-alam ko rito pero bago pa ako makaalis ay pinilit nitong magsalita.

"Princess, A-Apo ko" wika ni Lola na hirap na hirap sa pagsasalita. Ewan ko ba pero kung kanina lang ay namimis ko na ang boses nya, ngayon ay ayoko na. Masakit marinig mula sa kanya na nahihirapan na syang magsalita.

Lumapit ako sa kama nya at ngumiti. "Po Lola?"

"N-Napakaganda at napakabait mong Bata" naubo pa sya ng matapos nya iyong sabihin. "W-Wag na wag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah"

Ramdam kong patulo na ang mga hula ko at alam ko na pag nagsalita pa ako ay magka-crack na ang boses ko kaya't tango at ngiti na lamang ang iginanti ko.

"A-At tsaka apo, m-may mga n-naipon akong p-pera sa mga karton na lalagyan ko ng damit. N-Nais Kong gamitin mo yun s-sa mga naisin mo" ngumiti sya at ako Naman ay hindi mapigilang tumulo ang mga luha ko.

Marahan itong pinunas ng Mahal kong Lola.

"W-wag Kang umiyak apo. B-Buhay pa ang lola mo ay iniiyakan mo na" biro nito ngunit hindi nagawang tumawa.

"K-kung pupunta ka sa m-mall, gamitin mo ang pera ko na inipon ko para sayo. Pag natatakot ka sa kidlat tuwing gabi, ay tumabi ka kina mama mo. Pumunta ka lang sa kwarto natin tuwing umaga" katulad ng kanina ay ngumiti lang ako at tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng mga luha ko.

"M-Mag-aaral magsaing ha para h-hindi ka pagalitan nina mama mo" wika nya muli.

"L-Lola, malapit na po ang graduation namin ah. Sana po ay gumaling kana at ikaw ang magkabit ng medalya ko" utal na wika ko at ngumiti.

Ngumiti din sya ng matamis at natural na Parang hindi sya nagdurusa sa sakit niya.

"S-Susubukan ko a-apo" wika niya.

"A-At, apo ko Princess tandaan mo na mahal na Mahal ka ng Lola ha" wika nito at pinunas nyang muli ang mga luhang u umaagos sa mukha ko.

"M-Mahal na Mahal k-ko din po kayo Lola" wika ko at inikap sya.

Ilang segundo nanatili ang pag yakap namin sa isa't isa hanggang sa si Lola na din ang kumalas.

"O-Oh diba ay pupunta ka pa sa botika? D-Dalian mo na at pag balik mo ay kakain na ako" wika ni Lola kaya't napangiti ako.

"S-Sige Po Lola, babalik Po ako agad" wika ko Kay Lola at lumabas ng kwarto nya.

Nagpasikot-sikot ako sa loob ng hospital dahil bago pa lang naman ulit ako nakalakad mula dito sa labas ng pasilyo ng hospital. Sa dalawang linggo kasi ay kasama ko lang si Lola eh. Dinadalhan lang kami ng nurse ng mga kailangan namin.

"Nurse, meron po ba kayo nito?" Inabot ko sa kanya ang resebo na ibinigay sa amin ng doctor Ni Lola.

"Sige, wait po ma'am" wika ng nurse kayat ngumiti ako tumango.

Sa pag-aantay ko ay diko napansin na masasagi ko na pala ang figurine sa gilid ng braso ko. Kaya't nalaglag ito at nabasag.

T-Teka

"OMG. I'm sorry Po, sorry Po talaga, hindi ko po kasi napansin eh! Babayaran ko na lang Po" wika ko sa nurse na dala-dala ang gamot ng Lola ko.

"Ayos Lang ma'am. But ma'am, you better to go back. Masamang pamahiin po iyan" wika nito na ikigulat ko.

Inabot nya sakin at supot na may lamang mga gamot ni lola. Inabot ko din sa kanya ang bayad. Ngunit Hindi ko alam kung bakit ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto na pinalalagian ng lola ko.

Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Lola na ..

Natutulog?

Pagka-alis ko kanina ay gising pa sya. Ah, baka napuyat sya kaya nakatulog.

Pero dahil kailangan nya ng Kumain at uminom ng gamot ay napag desisyunan kong gisingin sya. Lumapit ako sa kama nya. Nakatagilid kasi ang ulo nya kaya't diko Makita Ang kanyang mukha.

"Lola, ito na po ang gamot nyo. Kumain na ho kayo" wika ko at niyugog ito.

Ngunit hindi ito nagrerespondi.
Napasarap siguro ang tulog.

"Lola?"

"Lola!"

"L-Lola"

Sa bawat pag banggit ko sa katagang iyon at pasakit na ng pasakit ang nararamdaman ko.

"L-Lola" inilig ko ang ulo nya para Makita sya.

Pero mali yata ang naging desisyon ko. Medyo namumutla na ang labi Ni Lola na dati ay isang natural na mapula-pula pa ito.

M-Mukha na lang syang anghel na natutulog.

"L-Lola" sa huling pagkakataon ay hindi ko na napigilang humagulhol ng iyak. No! It can't be.

"L-Lola! Sabi mo kakain ka pag balik ko! S-Sabi mo kakain ka para makainom ka na ng gamot." Wika ko at naiyak na ng sobra.

Lola naman eh! Sabi mo kakain ka pa! Sabi mo iinom kapa ng gamot! S-Sabi mo susubukan mo pang gumaling agad para makapunta ka sa graduation namin at ikaw ang magkakabit ng medalya ko.

Pero bakit la? Bakit moko iniwan.

Niyakap ko sya at humagulhol ako lalo ng iyak.

Parang kahapon lang.

Kapag umuulan sa gabi at kumikidlat ay niyayakap mo ko at kinakantahan ng paborito nating kanta 'SALAMAT'

Kapag pinagagalitan ako ay ikaw ang umaako ng kasalanan ko kaya sayo nagagalit sila mama at papa.

Pag may kasalanan ako, lagi mong sinasabi na 'Hindi mo yan sinasadya'

Pag umiiyak ako, sinasabi mo palaging 'Tahana apo, ang ganda mo para umiyak eh'

Pag nalulungkot ako, palagi mo Kong pinapatawa

Lagi mokong kinukwentuhan ng mga sinaunang pangyayare sa mga buhay nyo. Lagi mo Kong tinuturuan mag 'TANGGO' . Lagi mo kong sinasamahan sa mga school activities. Lagi mo kong chinecheer up pag binubully ako.

Ang dami mong nagawa para sa akin noon. Pero sino na ang gagawa non para sa akin ngayon? Ngayong wala kana.

Mahal na Mahal Kita apo..

Kahit sa hangin ay naramdaman kong niyakap nya ako.

"Mahal na Mahal din po Kita Lola ko"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LolaWhere stories live. Discover now