Step 9

561 21 1
                                    


Step 9

Photo: Blue

Red's POV

A week had already bluntly passed since nagsimula akong manligaw kay Blue. Hindi ko nga alam kung may improvement ba or what. Minsan kasi tahimik lang siya. Hindi niya talaga ako kinakausap. Tapos may time naman na inaaway niya rin ako. Di ko maintindihan yun. Bumigay nalang kaya siya? Edi everybody happy? Joke.

"Hoy Red makinig ka nga kay Maam. Baka pag Quiz mangopya ka nanaman sakin." Siniko ako ni Blake. English kasi namin at Nagdidiscuss si Maam about sa history ng Pride and Prejudice.

I rolled my eyes. "Ang kapal mo rin noh! Ikaw kaya tong nangongopya saakin!"

"Ikaw kaya! Hinihila mo pa nga papel ko eh." Katwiran ni Blake saakin.

I glared at him at binato siya ng papel. "Excuse me Santiago! Ikaw ang nanghihila ng papel!"

Sasabat pa ulit sana si Blake kasi may nakauna nang magsalita sakanya.

"Will you please shut up? I'm listening to our teacher."

Napatameme naman kami ni Blake dun nung nagsalita si Blue. Siyempre, si Blue yan eh. Hari ko yan kaya dapat sundin. Hahaha!

Natapos ang English time namin ng masamng tinginan namin ni blake sa isa't isa. And wala nakong klase. Last period ko kasi ang english ngayon. Si Verena, nakauwi narin. Si Cyrus at Clyde naman may pasok pa. Si Denver, aba ewan ko. Baka natutulog nanaman sa garden.

"San kayo?" Tanong samin ni Blake while we're walking in the hallway.

"Ewan ko. Uwi?" I shrugged and turn to Blue. "Ikaw Blue?"

He just looked at me and resumed walking. I sighed. Hindi nanaman ako kinakausap nito. Ang sarap niyang sapakin minsan kaso siyempre di ko naman ginagawa. Mahal ko eh. Kadiri. Tignan niyo, the things I do for love! Kaya sina Blake ang nakakakuha ng pagiging bayolente ko eh.

"Iwan ko na kayo. Puntahan ko pa si Denver sa may garden eh. Bye!" Bago pa kami makapagsalita tumakbo na si Blake. Nagkatinginan kami saglit ni Blue pero naglakad na ulit siya. Siyempre, sinundan ko siya at sumabay sa lakad niya. Anong akala niyo, hahayan ko lang tong asul na to? Aba hindi ata uso yan kay Red Summer Castellan.

"Blue, gusto mo candy?" Inabutan ko siya ng X.O.

He just looked at it and merely shrugged bago niya kinuha sa kamay ko. Napangiti naman ako ng wagas.

"Para kang tanga." Narinig kong sabi niya habang naglalakad kami.

"Ha?" I asked absentmindedly.

"Your smile is so wide you look like a fool." Tinuro niya naman mukha ko na sigurado akong nakangiti parin.

Mas napangiti ako. "Siyempre pinangiti mo ako."

He scoffed. "Ang corny mo. Mana ka sa pinsan mo."

I laughed. "Talaga? Pano naman naging corny si Clyde?"

He shrugged. "Masyadong malambing yun."

"Ayaw mo ng malambing?" I asked.

"Kapag si Clyde ang malambing, ayaw ko." He cringed, as if reliving a memory.

I laughed at his reaction. "Bakit naman? Cute nga ni Clyde eh."

"Basta. Ayoko." He said, finality in his tone. "Ako nagiging biktima niya minsan."

"Ang sarap mo kasing lambingin." I smiled. "Yung reactions mo kasi ang cute kaya mas lalo kang gustong lambingin."

"Ganun ba yun?" He asked. "Edi pag nakilambing din ako, titigil na?"

Voice of my heart (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon