Kabanata 1

2.6K 72 5
                                    


Ang bayan ng San Andres ay kilalang lugar na may masasaya at magigiliw na mga mamamayan. Araw araw ay parang laging kapistahan ang lugar dahil laging nagkakaroon nang pagsasalo at pagpupulong ang mga tao dito. Ang mga matatanda ay masayang nagkwekwentuhan habang ang mga bata ay masayang nagtatakbuhan sa paligid.

Ngunit bigla rin nawala ang kasiglahan ng lugar at ang mga tao ay nagkaroon ng takot na kahit ang lumabas sa kanilang tahanan ay hindi na nila magawa. Nalaman kasi nilang sa gitna ng kagubatan, malapit sa kanilang tinitirhan ay mayroong nakatirang isang nakakatakot na halimaw. Nag-aalala silang baka may gawin itong masama sa kanila.

"Shanaya, saan ka pupunta?" tanong ng ina sa kaniyang anak nang makita niya itong palabas ng kanilang bahay.

"Diyan lang po sa labas ina, magpapahangin lang po ako." sagot nito.

"O sige pero huwag kang magpapakalayo baka ka pa maligaw, magdidilim na." pagpapaalala pa ng ina sa kaniyang anak.

"Opo ina." at tuluyan nang lumabas ang dalaga.

Napayakap sa sarili si Shanaya nang maramdaman sa kaniyang balat ang lamig ng hangin. Hindi niya maiwasan ang mamangha sa ganda ng tanawin na kaniyang nakikita sa kaniyang harapan. Sa kaniyang pagkagiliw ay hindi niya namalayang binabagtas niya na ang daan patungo sa gitna ng gubat.

Nang napagtanto niya ito ay dali-dali niyang binalikan ang daan pauwi. Ngunit nanlulumong napaupo na lang ang dalaga sa nakausling ugat ng isang puno dahil siya ay naliligaw na.

Habang nakaupo si Shanaya ay may narinig siyang tunog na pagtakbo ng isang kabayo malapit sa kaniyang kinauupuan. Tumayo siya at sinundan ang direksyon ng tunog.

Nagtago siya sa may likod ng isang puno nang makita niya ang pagtigil ng kabayo at mula doon ay may bumabang isang napakagwapong lalaki. Sumandal ito sa may kabayo at kita niya rin kung paano magtaas baba ang balikat nito dahil sa paghinga ng malalim. Lumingon lingon ito sa paligid kaya biglang napaalis ang tingin ng dalaga sa lalaki para magtago.

Hindi nagtagal ay umakyat na ulit ang lalaki sa kaniyang kabayo. Naisip ng dalaga na sundan kung saan ito tutungo at nagbabakasakaling tutulungan siya nito pauwi.

Sa kaniyang pagsunod ay napadpad siya sa malamansyong bahay sa gitna ng gubat. Madilim ang sumalubong kay Shanaya ng siya ay pumasok sa loob. Sinubukan niya na lang din ang kumakapa-kapa sa gilid niya upang may makapitan.

"Ang ganda!" manghang sabi ng dalaga dahil sa kaniyang nakikita nang makarating sa gitna ng mansyon.

Maliwanag doon at kitang-kita niya ang paligid, may malaking ilaw mula sa itaas na nagbibigay ng liwanag, mga mamahaling larawan na nakadikit sa pader, makulay na dekorasyon ng silid. At higit sa lahat, na pumukaw ng kaniyang atensyon ay ang lamesa na punong puno ng pagkain. Hindi na siya nagdalawang isip na kumuha ng pagkain dahil sa gutom.

Pagkakuha niya ng pagkain ay inilagay niya ito sa parteng ibabaw ng lamesa na walang laman saka humila ng isang upuan para umupo. Ngunit hindi pa siya nakakaupo nang may maramdaman siyang presensiya sa kaniyang likod.

Handa na sana siyang sumigaw nang biglang takpan ng taong nasa kaniyang likod ang kaniyang bibig at hinawakan din nito ang dalawa niyang kamay.

"Sino ka at anong ginagawa mo dito sa loob ng bahay ko?" tanong ng baritonong boses ng lalaki sa kaniyang likod.

Inalis nito ang takip sa kaniyang bibig para siya ay makasagot saka binitawan ang dalawa niyang kamay. Unti-unti siyang humarap dito nang nakayuko dahil nahihiya siya sa pagkahuli nito sa kaniya kahit na wala naman siyang ginagawang masama maliban sa pagpasok ng bahay nito ng walang paalam.

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon