Kabanata 2

1K 64 1
                                    


Sa mabilis na paglipas ng araw at buwan sa bayan ng San Andres, kasabay niyon ang paglipas ng usap-usapan tungkol sa halimaw.

Di na inalintana ng mga tao kung totoo ba iyon o hindi. May takot man sa kanilang dibdib ay pinagpatuloy nila ang kanilang buhay. Isa na roon, ang pagtatrabaho sa bukid na isa sa kanilang ikinabubuhay. Ang mga anak naman nila ay kanilang pinapaalalahan na huwag kung saan-saan pumunta lalo na sa gitna ng gubat. Para pa sa kanila, hindi pa man bumalik ang dating sigla ng lugar, ang tanging hiling nila ay matiwasay na buhay na meron sila ngayon.

Ngayon nga ay abala ang mga mambubukid sa lugar nina Shanaya. Araw ng anihan at inaani ng mga tao ang kanilang mga tanim na palay at iba pa. Ganun din ang kaniyang mga magulang na nag-aani.

Magdadapit hapon nang matapos ang lahat sa kanilang ginagawa sa bukid. Mga pagod ngunit masaya kung ilalarawan ang mukha ng mga tao pabalik ng kanilang mga tahanan dahil sa kanilang mga naging ani.

Maagang kumain ng hapunan ang pamilya ni Shanaya. Pagkakain ay nagpaalam na ang mga ito sa kaniya na magpapahinga.

Dinala niya sa kusina ang mga pinggang ginamit at hinugasan ang mga ito. Kasunod niyon, naglinis naman siya ng kaniyang katawan sa kanilang palikuran.

Presko na ulit ang kaniyang pakiramdam nang lumabas siya doon. Hawak-hawak niya ang tuwalyang ginamit habang lumalakad papunta sa kaniyang silid para magpahinga na. Napabangon siya sa kama nang maisip niyang dalawin si Andrew. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakadalaw sa bahay ng lalaki.

Lumabas siya ng kwarto at tiningnan ang lamesang pinaglalagyan ng natira nilang pagkain. Bumawas siya ng pagkain at inilagay sa isang lalagyan.

Hindi naman malalaman ng kaniyang magulang na lumabas siya ng kanilang tirahan dahil tulog na ang mga ito.

Nakapaskil ang isang ngisi sa labi ni Shanaya habang binabagtas ang daan patungong mansyon sa gitna ng gubat.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng lalaking iyon kapag nakita niya ulit ako sa bahay niya?

"Paniguradong usok na naman ang ilong niyon kapag nakita niya ako." napabungisngis pa siya sa sariling kalokohan.

Binilisan niya ang lakad para makarating na sa dapat puntahan. Gusto niya na talagang makita ang lalaki.

Pagkarating sa harap ng mansyon ay dumaan ulit siya sa butas na pinagdaanan niya noong nakaraang araw para makapasok sa loob.

"Hey!" bungad niya kay Andrew na kumakain sa may hapag.

Humarap ito sa kaniya ngunit walang kahit konting mababanaag sa mukha na nagulat sa kaniyang pagdating. Hindi rin mababakasan na inis o galit para sa kaniya, tila pa nga'y sadya siyang hinihintay ng binata.

"Miss mo 'ko?" biro niya. Kahit ang totoo ay siya ang nakamiss dito.

Wala itong binigay na tugon sa kaniya. Kaya lumapit na lang siya dito at ipinakita ang dala niyang pagkain. Binuksan niya ang mga lalagyan at inilapag sa lamesa saka umupo sa tabi nito.

"Pasabay, ha." at kahit busog pa si Shanaya ay kumuha siya ng pagkain para sabayan ang lalaki.

Masaya siya habang kumakain at nagkwekwento rin ng mga nangyari sa kaniya sa mga nakalipas na araw at kung bakit hindi siya nakabalik agad sa bahay nito. Hindi umiimik ang lalaki pero pansin niya na nakikinig naman ito sa kaniya.

Pagkaharap niya ulit dito ay may nakita siyang natirang sarsa sa gilid ng labi ni Andrew. Lumapit siya dito at walang sabing hinawakan ang gilid ng labi para alisin ang sarsa. Nagtama ang kanilang mga paningin at sandaling nagkatitigan. Nang hindi na makayanan ang namamagitang tinginan, siya na mismo ang unang nagbawi niyon.

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon