KABANATA: 18

912 38 10
                                    


Isinama ako ni Clariz sa bahay nila. Doon nalang daw ako magpalit ng damit dahil wala siyang tiwala kung uuwi pa ako sa bahay. Baka raw kasi talk shit-in ko siya.

"Tatawagan ko lang si Kuya. Kailangan pakainin muna si Danny." paalam ko kay Clariz habang busy siya sa pag-hahanap ng damit para sa akin.

[Hey, what's up?] bungad ni Kuya mula sa kabilang linya.

"Hey, brother! What's up?" I mocked him.

[Oh, saan kana? Hinihintay ka na ng anak mo.] narinig ko pa ang mahinang tahol ni Danny mula sa kabilang linya kaya napa-ngiti ako.

"Ayun nga, Kuya. Nag-aya kasi si Clariz. Hindi naman ako maka-hindi dahil ngayon nalang uli kami makakalabas. Pwede bang bigyan mo muna ng pagkain si Danny?"

Akala ko ay hindi papayag si Kuya Mikael pero mabilis siyang pumayag. Sinabi niya rin na hindi makakauwi sila Mama at Papa ngayong gabi dahil may aasikasuhin daw ang mga ito.

Mukhang good mood ang kapatid ko, ha.

[Diyan ka ba matutulog?]

"Hindi ko alam. Ite-text nalang kita, Kuya."

[Diyan ka na matulog, Or kahit 'wag kana matulog basta magingat ka lang. 'Wag ka lang tatanga-tanga, ayos na ako doon.]

"Kuya! Si Danny ha!" paalala ko pa.

[Yes, sis. Bye.] then he hanged up.

Chineck ko uli ang phone ko kung may reply si Daniel sa text ko pero wala pa rin hanggang ngayon. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi pa rin siya sumasagot.

Nakakainis naman eh!

"Here, ito ang isuot mo."

Mabilis lang akong nag-ayos ganun din si Clariz kaya nakarating agad kami sa isang restaurant kung saan muna kami magdi-dinner.

Dapat siya ang kasama kong mag-dinner ngayon eh.

"Tayong apat nanaman ang mag-kasama. Nagsasawa na ako sa mukha ni Ethan, nasusuka naman ako sa mukha ni John."

Itinuro ko ang dalawang lalaki sa harap namin kaya natawa si Clariz sa tabi ko. Inirapan ako ni John kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Pinilit ko ang sarili kong 'wag isipin ang moody kong boyfriend. Baka busy lang siya kaya hindi siya makapag-reply o baka naman talagang ayaw niya lang ako replyan?

Mabilis na natapos ang dinner namin kaya mag-aya agad si Clariz sa Club. Nasa isang VIP room kami dahil gusto lang daw talaga nilang uminom. Sabi ko nga bakit nag-club pa kung pwede naman kaming sa place nalang nila.

"Libre naman. Saka, andoon si Mommy at Daddy sa bahay, hindi tayo makakapag-ingay!" sagot niya.

Panay pa rin ang check ko sa phone ko kahit wala namang nagno-notif. May signal naman dito kaya bakit wala akong nare-recieve na text?

Kinalabit ko sa tabi ko si Ethan. "Pwede bang tawagan mo ang cellphone number ko?" kahit nag-tataka ay ginawa niya pa rin ang request ko.

Napakunot ang noo ko dahil na-received ko naman ang tawag niya. Nag-text din siya at nabasa ko rin yun.

From: Ethan

weird.

Napairap nalang ako saka inis na itinago ang phone ko sa bag. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ba siya marunong mag-reply kahit blank message man lang? Tss.

Ibinuhos ko ang atensyon ko sa pag-inom. Wala sana akong balak uminom ng marami pero hindi ko napigilan ang sarili kong makipag-sabayan sa bestfriend ko.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon