9
"Koko ni i masu."
Napatingin sa bintana si Fumi nang tumigil ang sinasakyan nilang kotse na nirentahan nila at sinabi ng driver na nandoon na sila sa destinasyon. "This is it."
"Tulungan na muna kita sa gamit mo." Sambit ni Ivan sa tabi niya atsaka na sila lumabas mula sa sasakyan.
Isinuot ni Fumi ang backpack sa likuran niya tapos ay hinintay si Ivan na kunin ang kanyang pastel yellow luggage.
"Thank you, Ivan." Nakangiting sambit niya.
Tumayo sa harapan niya si Ivan, "Hindi ba kita talaga ihahatid sa loob?"
Umiling siya, "Hindi na. Baka mamaya malate ka pa sa flight mo sa Narita. Isang oras din biyahe mo."
Bumuntong-hininga si Ivan, "I wish we could ride the same plane."
Kahit si Fumi ay ganun ang gustong mangyari pero kailangan nilang maging maingat. Noong pumunta silang Japan ay hindi sila parehas ng eroplanong sinakyan, pati airport destination ay hindi sila parehas.
Si Fumi ay sa Haneda International Airport ang pinuntahan habang si Ivan ay sa Narita Airport pa, isang oras na biyahe mula sa Haneda. Nauna nilang ibinaba si Fumi sa Haneda dahil iyon ang una nilang dadaanan.
Hinaplos niya ang pisngi ni Ivan, "Thank you so much for the fourteen days, Ivan."
Pumikit si Ivan at inamoy ang kanyang palad na nakadapo sa pisngi niya, "This parting is killing me."
Humalakhak si Fumi, "Oh come on, magkikita pa naman tayo sa Manila."
Tumango-tango si Ivan, "Right, call me when you arrived home. Okay?"
"I will."
Lumapit si Ivan sa kanya para yakapin at hagkan ang kanyang ulo. "Be safe for me, Fumiko."
She smiled then tapped his back, "You too, be safe for me."
Ilang minuto pa silang nagyakapan bago tuluyang nagkahiwalay at naglakad na si Fumi papalapit sa entrance ng Haneda airport.
"Baby!"
Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Ivan. Nakita niya ang mabibilis na paglalakad ni Ivan palapit sa kanya at niyakap siyang muli.
"Ivan? What are you still doing here?"
Hinapit lang lalo ni Ivan ang baywang niya, "I just want to hug you again. Matagal na naman bago ko magawa 'to pagkauwi natin."
Kinagat ni Fumi ang labi niya dahil sa guilt na nararamdaman.
Why am I doing this to Ivan? He does not deserve this.
"Please let me kiss you, Fumiko." He pleaded.
She took a step backward to face him then tilted her chin with her eyes closed, "Kiss me then."
Dahan-dahan ay naramdaman niya ang hintuturo at hinlalaki ni Ivan na hawak ang kanyang baba. Ilang segundo pa ay dumampi na sa kanyang labi ang maiinit at malalambot na labi ni Ivan, hindi dampi ang ginawa ni Ivan bagkus ay marahan niyang sinakop ang kanyang ibabang labi.
Nang humiwalay si Ivan ay doon niya idinilat ang kanyang mga mata. Kapwa sila nakangiti sa isa't isa.
"I'll go now, okay?" Paalam niya.
Tumango si Ivan, "See you, baby."
Her lips curve into a smile showing her perfect set of white teeth, "See you, my baby." And she turned her back and went inside the airport.
BINABASA MO ANG
HRS3: Offered a Hot Romance to the Gentleman
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet, Fumiko Centeno, the bubbliest and loveliest video jockey in Asia. She is known for her very charming and heart-leaping smile. Kapag ngum...