1.

616 28 1
                                    

Hindi ko alam kung mabaho ba ako, may mali ba sa'kin o ano, halatang halata kasi yung pag iwas nila sa'kin at mukhang ako pa ang topic nila.


Dahil ba newbie pa lang ako? O dahil sa nakabanggaan ko kanina? Sila ba ang Madrigalejos version ng F4? Parang ganoon kasi ang vibe nila. They look rich, authoritative and powerful.

The one I bumped into with have this king vibe in him.


Umiling na lang ako at tinuon ang atensyon ko sa school map para makarating na ako sa room ko. Nadatnan ko na may isang estudyante sa room at nasa pinakagilid siya, tumabi ako at agad niya akong nilingon.


"Good morning" sabi ko, she smiled shyly, she looked like she was caught off guard. Like she saw a ghost or something.


"Good morning din" bati niya pabalik.


"Bakit mag isa mo pa lang dito? Ten minutes na lang 1st subject na"


"Walang klase tuwing first day" Sabi ko na nga eh, typical first day scene! Marami pa kasing nag eenroll o di kaya naman nag aayos pa lang ng schedule.


"Actually minsan umaabot ng isang linggo, but not every subjects naman. Minsan 1st subject wala, tapos biglang 2nd subject meron, so we still have to attend or wait for the announcement" tumango tango ako.


"Thank you..uhm? I'm Prianne Rivadenera and you are?" nag abot ng kamay na agad niya namang tinanggap.


"Marianne Hernandez" marahan kong pinisil ang kamay niya at ngumiti sa kanya.


"Bakit mag isa ka lang? Where are your friends?" umiling siya.


"I'm a scholar, wala akong kaibigan sa blockmates natin. Unfortunately, nasa A section tayo at lahat ng nandito sa section na 'to ay galing sa mayamang pamilya at allergic sila sa scholar na katulad ko" hmm that explains her reaction awhile ago, inaakala niya sigurong katulad ako ng mga kaklase namin na may nararamdamang pagkairita da mga scholars na katulad niya.

I call it bullshit! Really? Getting mad with scholars? Anong dahilan?

"Hmm, well ako hindi ako allergic and we can be friends" I flashed an assuring smile.

"Sigurado ka ba? They'll avoid you and treat you the way they treat me, an outcast, a laughing stock and that sucks" mabilis akong tumango. Why not? She seems nice.

"Mas gugustuhin ko na lang 'yon kesa makipag plastikan sa kanila. To be honest I don't see my self belittling my self just to fit in to their circle. Tayo na lang magkaibigan, well unless hindi mo ako gustong maging friend" she nudged me lightly and we both laughed.

Natahimik kami nang sunod sunod na pumasok ang mga estudyante, mabuti na lang at nasa pinakalikod kami kaya hindi kami pansinin. I observed some of our blockmates, tama nga ako, hindi ako babagay sa circle nila. Hindi ko na susubukan.


Nagtatawanan ang mga lalaki nang pumasok sila, topic nila mga babae at mga bago nilang sapatos at mga sasakyan.


Ang mga babae naman nagkkwentuhan tungkol sa expensive summer vacations nila at mga bagong biling luxury bags, shoes, jewelries, and gadgets na para bang may pacontest kung sino ang may pinakamalaking gastos noong summer vacation.


"Anong ginawa mo nung summer?" mahina kong tanong kay Marianne.


"Tumulong ako sa restaurant business namin, may sweldo ako doon. Saka nag online selling rin"


Tahimik lang kaming nag uusap dahil baka marinig ng mga mayayaman naming mga kaklase at husgahan siya, pero hindi na namin napansin na tumahimik na nga at nakikinig sila sa'min.


King's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon