Grey's P.O.V.
*/ FLASHBACK /* (Dito niyo po malalaman kung bakit umalis si Grey sa Pilipinas)
"Yay! Graduate na tayo Yvian!" Tuwang-tuwa kong sabi nung natapos na rin sa wakas yung graduation program namin.
"Kaya nga eh! Congrats!" Sabi naman ni Athea habang naglalakad na kami papunta sa parents namin.
Graduation Night namin ngayon. Ako pa yung Valedictorian at si Athea naman yung Salutatorian kaya naman tuwang-tuwa kaming dalawa.
"Uy Athea, punta ka sa bahay namin," sabi ko sa kanya nung nasa van na kami.
"Bakit?" Tanong naman niya.
"Ininvite ko rin ilan nating classmates. Naghanda din kasi si Mama," sabi ko.
"Sige! Magpapaalam lang ako kina Mommy tsaka kay Daddy," sagot naman niya na nakangiti.
Then bumaling siya kina Tita Karla at Tito Caleb na nasa unahan ng van.
"Mommy, Daddy, pwede po ako pumunta kina Grey? Ininvite niya po kasi ako eh," sabi niya.
Ngumiti naman sina Tita and Tito. "Of course. Kami na lang bahala sa mga tao sa bahay. Mag-iingat kayo. Magpapahatid pa ba kayo dun?" Tanong ni Tita Karla.
"Wag na po Mommy, maglalakad na lang po kami. Tsaka nandito naman po si Tita Clarisse," sabi naman ni Athea.
"Oh sige. Mag-iingat kayo basta. Madilim na," sabi naman ni Tito Caleb.
"Opo. Thank you po!" Sabi naman ni Athea.
Kaya nung nakarating na kami sa gate ng village nila eh bumaba na kami. Agad naman kaming naglakad papunta sa kabilang village kung san nandun ang bahay namin. Hawak-hawak ko siya sa kamay habang tumatakbo kami, si Mama naman eh nakasunod samin.
Nakarating na rin kami sa bahay. Medyo matao rin kasi nandito yung ilang katrabaho ni Mama tsaka yung iba naming classmates. Agad ko namang inaya si Athea sa mesa.
"Tara kain!" Sabi ko sa kanya sabay abot ng isang paper plate ng spaghetti.
"Thanks," sagot naman niya na nakangiti.
"San ka mag-aaral pag high school natin?" Tanong ko bigla sa kanya.
"Kung san ka," sagot naman ni Athea na di sakin tumitingin.
Napangiti naman ako bigla.
"Talaga?"
"Oo. Tsaka hanggang college ka papag-aralin ni Daddy diba? So sa isang school lang tayo papasok. Tsaka nag-promise tayo diba na walang iwanan?" Sagot niya.
"Sige! Sana classmates pa rin tayo," sabi ko naman.
"Sure yan...Tsaka di ako papayag na mahiwalay sa'yo, baka may umaway sayo niyan wala ako," sabi niya.
"Athea naman. Big boy na ko, di na ako gaya ng dati na iyakin," sagot ko na nagkamot sa ulo.
"Kahit na. Gusto ko nasa tabi kita parati para nababantayan kita," sagot niya na nakangiti.
After naming makakain umupo kami sa may garden namin sa bahay.
"Thank you Athea," sabi ko na lang bigla sa kanya.
"Thank you saan?" Tanong naman niya.
"Sa lahat lahat. Parati kang nandiyan para sakin. Parati mo kong pinagtatanggol. Parati kang nasa likod ko parati. Masaya ako na nakilala kita Athea," sabi ko sa kanya.
"Naks. Wala yun. Tsaka syempre, bestfriends tayo kaya ko yun ginagawa! Di'ba nga may promise tayo?" Sabi niya.
Di na ako sumagot but I hugged her instead.
BINABASA MO ANG
Committedly Inlove at a Tragic Moment
Teen Fiction✍︎ 𝙱𝙾𝙾𝙺 𝙾𝙽𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙸𝚂𝙷𝙴𝙳 ☘︎ ✰ 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ✰ -- A Watty's 2020 Nominee -- Grey and Athea was the bestest of friends when they were young but something has change when Grey left the Phillipines to study abroad. Athea was left dumb...