🌷Chapter 29🌷

708 57 16
                                    

[Five years Ago Manila]

Tanaw na tanaw ni Melody ang paglapit ng barko sa pantalan ng Manila.

Ito na ang pinakahihitay nya ang makatakas sa pagpapakasal kay Ivan. Kaya pagkagaling sa hacienda agad nyang tinungo ang pantalan.

Alam nyang ipapahanap sya agad nito sa buong Cebu.. Kaya minabuti nyang sumakay na ng barko patungong maynila.

Habang palapit ng palapit sila. Ay kinakabahan naman sya kung san sya pupunta. Wala syang maalala na kamag anak nila dito.

Kailangan nya muna makakahanap ng matutuluyan kahit bed spacer lang. Pagkatapos maghahahnap sya ng trabaho para magkapera sya pantostos sa pagtatago nya.

Pagkalipas ng ilang sandali nakababa na sya ng barko.

" Diosko Patnubayan nyo po ako.. " munting dalangin nya.

Lakas loob nya ng tinahak ang daan palabas ng pantalan.

Di nya alam kung san dereksyon pupunta.

" Qaipo!!! "

"Kalaw!! "

" Lawton!!! "

" Luneta!! "

Ilan sa mga barter ng jeep na naririnig nya may pangilan ngilan ding taksi.

Tiningnan nya nag relo mag Aalasdos na ng hapon kailangan nyang mag madali..

Wala syang alama sa mga lugar kundi luneta. Naisip nyang sumakay papunta don. Pagkatapos  don sya magiisip o titingin tingin ng paupahan.

Narinig nyang tumunog ang tyan nya.

" Nako gutom narin pala ako.. " kausap nya sa sarili.

Kaya naghanap na muna sya ng kainan.

Pagkatapos kumain ay sumakay na sya ng jeep papuntang luneta.

sandali lang naman ang naging byahe mga limang minuto lang kung alam nya lang baka naglakad lang sya para makatipid.

Nawala ng saglit ang pagod nya ng makita ang bantayog ni rizal. Nong bata dya pangarap rin nya itong makita kaya binabalak nyang dito mag aral sa maynila pero pano pa matutupad...

Ng mapagod maglakad lakad ay umupo sya sa isang bangko san kaya sya maghahanap ng paupahan nito.  Wala naman syang makita kundi puro matatas na building.. Nagulat pa sya ng dumaan sa ibabaw ang train. Di nya alam kung Mrt o LRt yon. Ayon sa pinag aralan nila.

At isa pa nagsisimula ng gumabi. Tiningan nya ang mahabang upuan. Di naman siguro delikado s kanyang matulog dito bukas nalang sya maghahanap ng matitirhan tumingin sya sa paligid.

Marami namang taong naglalakad. Dati may nabasa syang may mga tao ring natutulog sa parke.. Kaya siguro naman kahit isang gabi lang.

Iniunan nya ang bag nya.. Ng maka pwesto. Nagjaket muna sya. At nahiga na. Muling tumulo ang mga luha nya.

Naisip nya na naman ang mga magulang nya. Nagaalala na siguro ang mga yon sa mga oras na ito.

" Sorry Mama , Papa." sabi nya hagang dinalaw na syang ng antok.

🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

Isang malakas na busina ang nagpagising kay melody.

Unexpected Love Story  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon