Lahat

33 1 0
                                    

Halos lahat sila naniniwala sa destiny. Naniniwalang may taong dadating para sayo dahil nakalaan ito. Biglaan daw ito at susulpot na hindi mo inaasahan. Lahat yon di ko pinaniwalaan hanggang sa dumating ang taong di ko inaasahan.

Isa siya sa mga nagbigay inspirasyon sakin. Ang nagkulay ng mundo ko. Akala ko noon musika lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko. Pero di pala. May mga tao pa palang handang makinig sakin. Taong di ako hahayaan mag isa. Di ko alam kung paano sisimulan to. Pero ang alam ko lang, nagsimula ang lahat sa isang kaunting pag uusap habang ako ay naka sakay sa jeep.

Nakasakay ako non sa jeep at nakaheadset. Isa akong music lover na walang pakielam sa paligid. Ang mahalaga lang sa akin ay ang musikang aking naririnig sa ngayon.

"Miss. Excuse me, mahilig ka sa rock genre?"

Isang matipunong lalaki ang kumulbit sa akin at nagtanong. Sa mga panahon na iyon, nainis ako dahil sinira mo ang pakikinig ko. Pero di ko inaakalang magkakasundo pala tayo non.

"Oo bakit?"

Pataray kong sagot. Dahil ngayon lang may kumausap sakin sa jeep. Dahil ayon sa iba eh mukha daw akong masungit.

"Halata, sa sobrang lakas ng soundtrip mo sa headset eh naririnig ko na. I like your songs! Ang sarap maging rocker noh?"

At dun ko napansin na may hawak siyang gitara. Napangiti ako bigla. Ang taong kausap ko ay kagaya ko. Mahilig din sa music at mahilig maggitara. Napatagal ang aming usapan hanggang sa magpaalam na siya.

"Sige sa susunod nalang, rocky."

Tinawag nya akong rocky. Haha! Magkikita pa kaya kami?

Nagdaan ang ilang araw. Patuloy ang mga gigs at jam. May nag alok din sakin na maging vocalist at may binigay sila sakin na address.

Eto ako ngayon, naghihintay ng jeep. Pupunta ako sa address na ibinigay sakin.

Pagsakay ko ng jeep ay may isang pamilyar na lalaki ang aking nakatabi.

"Rocky?"

Siya nga. Ang lalaking nakausap ko noon. Ang galing. Di ko alam pero parang gusto kong tumalon sa saya. Eto na ba yung destiny? Pero ayokong mag assume.

"Uy Rara!" Sabi ko.

"Rara?"

"Oops sorry the last time I saw you kasi may dala kang gitara kaya rara tuloy natawag ko sayo haha."

"Hahaha it's okay. Masyado ka kasing lover ng music kaya rocky natawag ko sayo."

"Where's your guitar?'' Tanong ko.

"Uhm may pupuntahan akong gig eh nandun na sa studio yung gitara may bagong vocalist daw kasi eh kaya may jam. Ikaw, saan punta mo?"

"Ahhh ehhh eto may nag aaya din kasi saking banda pupuntahan ko lang."

Silence. Walang nagsasalita sa loob ng jeep. Nanahimik ang lahat. Hanggang sa sabay kaming nagsalita..

"Manong para po dito nalang!"

Pagbaba namin ng jeep ay napatingin kami sa isa't isa.

"Dito ka din?" Tanong niya.

"Oo teka saan ka ba?"

"Patingin nga nung address na pupuntahan mo."

Agad ko itong iniabot sa kanya at nagulat kami. Doon din pala siya papunta.

"So ikaw ang bago naming vocalist?" Laking gulat nya.

Naging masaya ako sa nangyari. Unti unti kaming nagkalapit. Nagkasama. Doon ko napansin na masyado na pala akong umaasa. Umaasa na maaaring maging kami.

LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon