Chapter 34- Bukidnon Pt 3

619 59 6
                                    

CHAPTER 34

Hindi sumali si Shaira sa singing contest at nag alay na lamang siya ng kanta. She’s singing a love song habang ang mag ama na magkasayaw sa gitna kasama ang ibang  mga kabaryo niya.

    “I want to start a family with you, Kean. Sana palagi na lang tayong ganito. Katulad ng magulang ko na nagmamahalan hanggang sa huling hininga pa ni Papa. Thank you Manuel, dahil kung 'di rin dahil sa’yo, hindi ako magiging matapang o maglalakas loob na sumubok.”

    Nang matapos si Shaira, nagsimula ang patimpalak ng Mr. Pogi. Hindi makapaniwala si Shaira dahil ang lalaking nakilala niya na sobrang seryoso ay isang promdi at komedyante na ng Bukidnon. Pinagtawanan ng lahat si Kean dahil hindi ito marunong magbalat ng buko.  Aliw na aliw sila ni Katrina, lalong ngayon lang niya nakita na may ganitong ugali ang ama.

    “Nakakatuwa ang Papa mo, Katrina.”

    “Ganyan po talaga si Papa, madalas lang seryoso kasi si Mommy ayaw ng magulo si Papa. Bukod sa hindi po mabili kay Mommy ang jokes ni Papa.”

    “Hayaan mo, sold out sa akin ang joke ng Papa mo.”

    Talo si Kean sa portion na ito ngunit ang nagpanalo sa kanya ang panghaharana kay Shaira.  Walang palya si Kean na patibukin ang puso ni Shaira. 

    Bitbit nilang tatlo ang baboy, limang libong piso at buko na premyo. Hindi kumikibo si Kean habang si Shaira na hindi mawala sa mukha ang ngiti. Pagdating nila sa bahay, tumakbo si Katrina kay Lizel.

    “Shaira, ito buko.”

    “Anong gagawin ko sa buko mong hindi nabalatan ng maayos?”

    “Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang buko ko.”

    “Ano?”
    “Ikaw ang buhay ko.”

    “Ang korni! Sino bang nagturo niyan sa’yo!”

    “Sabi ni manong kanina, nakakakilig daw ‘yan. Bakit hindi ka kinilig? Ano ba naman ‘yan.”

    “Joke lang, kinilig ako. Palagi naman akong kinikilig sa’yo.”

    Pagdating ng umaga, isang balita ang sumalubong kay Kean. 

"Hello Attorney?" aniya ni Kean.

"Good news Kean, Mukhang mapapadali na ang annulment niyo."

“Really? Bukas at babalik na ako ng Manila." 

Hindi mawala sa mukha ni Kean ang sobrang galak dahil sa nabalitaan. Mas magkakaroon na siya ng pagkakataon na mapakakasalan ng maaga si Shaira.

Habang nasa loob ng kwarto si Kean, nakita niya ang wallet sized picture ni Shaira at Manuel.

    “Bakit nandito pa ito?  I’m sorry Manuel sa nagawa ko sa inyo ni Camille. But now, I thank you dahil dumating si Shaira. Sisiguraduhin kong aalagaan at hindi ko pababayaan si Shaira. I will surprise Shaira once hiwalay na kami ni Camille.”

Bago sila bumalik ng Manila, binisita ni Shaira ang kanyang ama sa puntod. Umupo sila sa tabi nito at hinawakan ang kamay ni Kean.

“Papa, si Kean po. Siya po ang boyfriend ko. Kapag po niloko niya ako multuhin niyo po siya.”

“That’s scary Mama Shaira,” aniya ni Katrina.

Natawa naman si Kean at kinandong ang anak.

“I will not hurt your one and only daughter, Mr. Lancaster. Mamahalin ko po at bibigyan ko kayo ng maraming apo.”

Ilang minuto ang pinalipas nila bago tuluyang pumunta sa airport. Bitbit  ni Katrina at Kean ang masayang alaala sa Bukidnon. 

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon