"kyaaaaah!!!"- ako
"BAKIT?!" -Ana
"yung crush ko!!! si Emil, dumaan. waaah! kaso, napasigaw ako bigla. nakakahiya! >.<" -ako
"eh kung di ka pala sira, ba't ka sumigaw? OBVIOUS ka na teh! ;p "- Marj
"huhuhuhu!" -ako
"HAHAHAHAHAHAHAHA! umayos ka kasi!"-Marj, Ana at Cess
Ako nga pala si Angel Faustino, 15 years old, Senior sa Blah Blah College. Itong mga kaibigan ko (na di ko alam kung kaibigan ko talaga :p) sina Ana, Cess at Marj. At yung dumaan naman na Cush ko ay si EMIL DY!! waaaah!! super cute nun. parang TUTA! hahahaha.
Malapit na grumaduate pero di ko pa din nakakausap yung crush ko. =_=
March na at nagpapractice na kami for graduation...
5pm na nung bumalik kami sa room para umuwi na. nang pagbalik ko sa upuan ko, may isang Hikaw at Letter...
Dear Angel,
Alam ko na nagulat ka dahil may isang hikaw dito at wala yung kapares... kung gusto mo makita yung ka-pair nito, Meet me tomorrow, 5pm sa garden ng school. Hope to see you there! :*
-HEAVEN
Sino naman kaya magbibigay nito? Bukas na nga lang, Bahala na!
"Angel na di mukhang ANGEL, umuwi na tayo!!!"- Cess
Kinabukasan...
Sobrang busy ng lahat sa school kahit ako, kaya naman mabilis na tumakbo yung oras at di ko namalayan na 5pm na pala... kailangan ko na pumunta sa garden!!
Sobrang kinakabahan ako... di na ko nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Pagdating ko dun, nakita ko yung uhugin kong classmate hawak yung Hikaw. JOKE LUNGSS!!
Nagulat ako sa dinatnan ko dun, yung crush ko.. si EMIL. Parang Jelly Ace na yung tuhod ko sa kaba. Lumapit siya sakin..
"Buti nakapunta ka..."-Emil
"....."-ako
"Uy! Buhay ka pa? hahahaha!"
"Natawa ka pa talaga. Ikaw ba ang nag-iwan nito sa desk ko?" sabay pakita nung letter at hikaw.
"uhm, hindi. Bakit?"
"okay, aalis na ko. wala pala dito yung hinahanap ko." bigla niya naman ako hinawakan sa wrist. lalo akong kinabahan.
"Angel, ako nga yung nag-iwan. Alam ko naguguluhan ka kasi hindi kita pinapansin. pero maniwala ka, matagal na kitang gusto. Nag-promise ako sa sarili ko na di kita liligawan hanggang di ako sure na gagraduate ako, nakakahiya kasi sayo, alam ko na matalino ka."-Emil
"...."
"Heaven yung nilagay ko na pangalan sa letter kasi ikaw yung Angel na nababagay sa Heaven, at sana ako yung maging Heaven mo. Yang Hikaw na yan, simbolo yan na hindi ako pwedeng makumpleto kapag wala yung other half ko, at ikaw yun. Sana payagan mo ko mangligaw..."
"Emil, di mo alam kung gaano ako kasaya sa mga sinabi mo. Promise, ako ang magiging Angel mo... basta maghintay ka aa. Hahahahaha."
"Hihintayin kita, lalo na yung OO mo." sabay yakap sakin.. <3 :)
--------------------------
First story ko. Try lang. hehe. hope you'll like it! :)
BINABASA MO ANG
HIKAW (ONE-SHOT)
Teen Fictionstory kung paano mahahanap ni Angel ang HEAVEN niya. :)