Biyernes ng Hapon...
Puno na ng estudyante ang buong gate ng San Nicolas High School kasabay ng iba pang nagsisilabasan pauwi sa kani-kanilang tirahan. Isang linggo na lang at gagradute na ang Batch nila Jasmine at Myles kaya't sabik na ang lahat. Ang iba naman ay masaya lang dahil Weekend na naman kinabukasan.
Naglalakad na nun si Jasmine palabas ng eskwelahan.
Ibang iba ang paglabas niyang yon di tulad ng dati na pangiti-ngiti siya na parang gusto niya ulit pumasok at mag-aral. Hindi rin Niya kasabay ngayon si Myles dahil iniwan Niya na ito ng makita niyang nakikipagkwentuhan pa ito sa ilang estudyante roon. Paliko na sana siya sa gilid ng school ng may tumawag sa kanya...
"Hi Jasmine! " pasigaw na sambit ni Myles habang nagmamadaling hinahabol si Jasmine.
Parang Hindi iyon narinig ni Jasmine dahil siguro sa dami rin ng Estudyanteng kasabay nilang lumalabas ng School.
"Oy Jasmine!" _sambit Niya ng maabutan Niya na ito sabay ng pag-akbay Niya dito sa Bewang.
"Hi.........." malungkot na bati ni Jasmine sabay akbay din sa bewang ni Myles.
"Anong problema Bestie? Bakit di mo na naman ako hinintay? Tas ...... "
bigla niyang niyapos ang Leeg ni Jasmine.
"May Lagnat ka ba?"
Nababahalang tanong ni Myles sa kaniya. Sa tanong niyang yon ay parang walang narinig si Jasmine.... Bihira lang itong magkasakit kaya't Alam ni Myles na Imposibleng may sakit lang ito....
Huminto si Myles sabay din ng paghinto ni Jasmine dahil magkaakbay parin Sila...
" O Cge . Cge ..... May Problema ka... _mahinahong sambit ni Myles.
" Wag ka na magDeny Jan. Sige na... Sabihin mo na....Bestfriend Tayo Di ba...? "
Biglang tumingin sa kanya si Jasmine at Bigla siya nitong niyakap. Yakap na parang yumakap ang anak sa isang Ina na para bang humihingi ng tulong at kailangan ng masasandalan ng anak.
"Bestie...!" Sambit ni Jasmine Kay Miles habang nakayakap.
Mahigpit ang pagkakayakap nun ni Jasmine sa kanya, halatang may dinadala nga itong problema.
Matapos silang magyakapan ay tumingin Sila sa isa't isa.
"Ano nga?" Tanong ni Myles..
" Matatapos na ko sa High School pero parang nagsisimula pa lang ako sa mga pagsubok sa buhay......"
_ sabay patak ng luha ni Jasmine sa harap niya.
"Bakit pa kasi ako iniwan ni Nanay..."
_malumanay niyang sambit.
" Bakit ko pa kasi kailangang magpaalila sa Auntie ko para mabuhay lang kami ng tatay ko..."
_ unti unti ng umiiyak si Jasmine.
"Mag-aaral na tayo ng Kolehiyo sa susunod na buwan Pero....parang Hindi na mangyayari yun saken....
Magpapaalila na lang ba ko kila Auntie para mabuhay kami ng tatay ko.....? Myles , gusto Kong ipagpatuloy yung pangarap ko..."
sabay buhos ng luha ni Jasmine sa harap ni Myles habang nagtitinginan ang iba pang estudyanteng naglalakad sa kalyeng iyon.
"Tahan na...." _ sabay hagod ng kamay ni Myles sa likod ni Jasmin.
Nagyakapan ulit Sila.....
Pagkatapos noon ay hinilamos na ni Jasmin ang kanyang palad sa kanyang mukha para mapawi na ang kaniyang mga luha.
"Hindi ka pwedeng Hindi mag-aral. Kailangan kapag nag-aral ako ng kolehiyo magaaral ka rin dapat!"
_ pagmamatapang ni Myles.
"Kahit Wala na ang Nanay mo, nakikita at binabantayan ka niya..kaya ipakita mo sa kanya na kaya mo!"_nakangiting sabi ni Myles.
Ngumiti na rin si Jasmine.
"Hayaan mo... Hihingi ako ng tulong Kay Mama para tulungan kang makapag-aral! " _ ani ni Myles.
"Talaga Myles?" Tanong ni Jasmine
"Oo, mabait sayo si Mama. Siguradong tutulungan ka niyon. Lagi ka nga niyang tinatanong sakin e . Kumusta na raw ba yung anak ng matalik niyang kaibigan. :)" ani ni Myles.
"Talaga?" Abot abot ang ngiti ni Jasmine.
"Salamat Bestie!" Sabay nagyakapan ulit Sila.
"Walang Pasok bukas kaya't pumunta ka sa amin Bestie!"
_pagyayaya ni Myles.
"O Cge. Salamat ha! Bestie talaga kita...! I Love you! :)" ani naman ni Jasmine. Na parang walang nangyari dahil Parang napawi ang lahat ng kaniyang problema dahil sa sinabi ni Myles sa kanya.
Magkakahiwalay na Sila sa oras na yung dahil kailangan pang lumiko ni Myles sa isa pang kalye at sumakay ng jeep para umuwi sa kanilang tirahan sa isang magandang Subdivision.
Lumiko na rin si Jasmine at Malayo na ang distansya Niya kay Myles ng sumigaw pa ito sa kanya....
"INGAT KA! " sigaw ni Myles.
"SALAMAT! IKAW DIN!" Sigaw naman pabalik ni Jasmin kahit Malayo na at Hindi na nila tanaw ang isa't isa.
(OK lang ba yung kwento ko? xD . Comment nga po kayo!!! Love you All!!! :) )
BINABASA MO ANG
Forever's Not Enough
RomantiekIto'y isang istoryang tipong parang mababasa sa mga pocket books. Puno ng Drama at Kilig!!! :) Samahan ninyo ako sa aking pagsusulat. :) Nawa'y masiyahan kayo. :))