CHAPTER 6
“AYOKO!”, tanggi ni Raven.
“Sige na! Promise, magbe-behave ako. Hindi ako iingay! Wala kang may marinig sa akin kahit na ano. Sige na! “ Pagpupumilit pa niya dito. Minsan lang siya ganon kakulit at to the max ang powers niya.
Pagkatapos ng praktis nito ay kinausap niya kaagad ito. Diniretsa niya ito. Halatang nagulat ito pero ang tigas ng tanggi nito.
“No! No! No!. And that’s final. Please wag na natin pag-usapan ‘to. Minsan lang ako tumanggi sa’ yo, pagbigyan mo na ako. Please.” Pakiusap nito.
“S-sige,” mahinang usal niya.
“BAKLA, wala na akong maisip na ibang paraan. Bukas na ang party.” malungkot na sabi niya.
“Hai, magtiwala ka lang kasi sa kanya.”
“Bakla, alam mo namang may tiwala ako kay Raven, pero kay Alyssa, hindi na ako diyan sure. Kahit na anong assurance pa ang sinabi niya sa akin, alam kong may gagawing kababalaghan ang babaeng ‘yon.” Naiinis na sabi niya. She know that Alyssa has the hots for Raven. Halatang- halata yun. Kulang na lang ay maglaway ito sa tuwing makita niya ito kasama si Raven.
“Bakla, may cutie boy na lalapit sa’ tin.”sabi nito. Parang hindi naman ito nakikinig sa mga sinabi niya. Mas nakatuon ang mata nito sa malayong lugar.
“Ha?” lumingon siya at nakita niya si Cloud. Kumakabog ng abnormal ang puso niya. Ang guwapo naman neto. Kung cute ito kung may glasses, guwapo naman ito kung walang salamin. Umiling siya. Ano bang pinag-iisip niya? Ibinalik niya ang ulo sa harap niya.
“Hi!” sabi ni Cloud.
“Hello!”usal ni Lester. Kinalabit siya ni Lester at binulungan. “Hoy, sumagot ka!”
“Hello Cloud” mahinang usal niya. Hindi siya nagtaas ng ulo dito.
“Umm, can I sit in here? wala na kasing ibang free seat ee.” tanong nito.
Hindi siya sumagot.
“Of course! Have a seat!” sabi na lang ni Lester. Tinabig siya nito sa tagiliran. “Ano ba? Kausapin mo siya! “Bulong ulit nito sa kanya.
“Umm, did I interrupt your conversation?” atubili pa itong umupo.
“Ha? No, hindi naman importante ang pinag-uusapan namin.” sagot ni Lester. Hindi pa rin kasi siya sumasagot. “Punta muna ako ng CR. Retouch muna.” tinabig siya nito. “Kausapin mo siya, para kang tanga diyan!” at pumunta na ito ng CR.
“Hey Cath! “ untag nito sa kanya. “Is there a problem?”
Tumingin siya dito. “H-ha? ah..” nauutal na sabi niya. What am I doing? “Wala, may iniisip lang ako. Sorry kung hindi kita pinapansin.”
“Ok lang. Kamusta ka na?”
“Mabuti naman.” tipid na sagot niya.Mukhang wala na itong may sasabihin pa kaya tumahimik na lang ito.
“Hey coz!” maya- maya'y tawag nito.
Nilingon niya kung sino ang tinawag nito. ”Alyssa! Kamusta na ang preparations sa party mo?”
Coz? as in cousin? Magpinsan ang dalawang ‘to? Ang isang anghel ay may pinsan na demonyita? Imposible!
Tiningnan siya ni Alyssa ng matalim bago tinuon ang atensiyon kay Cloud. “Yes, of course. Magagaling kaya ang kinuha naming Event coordinators.Basta wag kang malate bukas sa party ha?!” sabi nito.
“Of course!, magagalit si Tito Bernard kung hindi ako pupunta sa party ng nag-iisang prinsesa niya.”
“Sige, mauna na ako. Marami pa kasi akong aasikasuhin.” diniinan pa nito ang huling salita nito bago nagpaalam.
Nainis tuloy siya. Kailangan na niya talagang bantayan si Raven. May naisip siyang bright idea.
Tiningnan niya si Cloud. “Cloud, puwedeng humingi ng favor?” tanong niya. Desparada na kung desperada.
“Ano iyon?”
“Puwedeng bang sumama sa iyo sa party?”
Tila nag-isip pa ito. “Okay --”
“Talaga? Naku! Salamat! salamat!” niyakap pa niya ito ng mahigpit.
“Wait! Wait! Hindi pa ako tapos. May kondisyon yon.” sabi nito na humihingal.
“Ha?” napaluwag tuloy ang yakap niya dito. “Ano naman yon?”
“Be my date at the party.” sabi nito.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man (On- going)
Teen FictionTall, dark and Handsome. It is every girl's dream to have someday. At isa na dito si Catherine, ang kaibahan nga lang ay nakabingwit na siya. But she never imagined that everything has come to an end nang harap- harapan siyang niloloko nito. She was...