"Jane? Jane? Jane!"
At ayun nga! Naalimpungatan ako nung ginising ako ng best friend ko. Nakatulog ako pala ako sa klase! At eto, break time na nga! Eiiii! Nakakahiya! Paano, napuyat ako kagabi dahil sa pangungulit ng isang lalaking nagngangalang Billy. Paulit-ulit niya na lang akong tinatawagan. Nagbaba-bye na nga ako eh. Pero daldal pa rin siya ng daldal. Di ko siya kilala personally. Pero sabi niya, same school lang daw kami. Sino kaya siya?
"Ayan.. Nagpupuyat ka kasi.. Tapos ngayon tutulog tulog ka? Aba Jane! Hindi maganda yan!"
"Sorry naman.. Ang kulit kulit kasi talaga nung lalaking yun eh! Ayaw akong tigilan..
"Sino ba kasi yun???"
"Billy daw eh.."
"Teka.. Billy?! My gosh Jane! Tinatawagan ka ni Billy?! You're the luckiest girl ever na!"
"Ha?! Bakit?! Sino ba yun?"
"Siya lang naman po ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito.."
"So? Hay nako! Tara na! Gutom na ako!"
Nagpunta na kami sa canteen. Sinusubukan kong kumain pero ayaw akong tigilan ng best friend ko sa pagtatanong sa kung ano mga pinagsasasabi ni Billy sakin. Kaya sa may garden na lang ako kumain. Paglipat ko, edi sinubukan ko ulit kumain. Pero bigla namang pumasok sa isipan ko yung Billy na yun. Bakit kaya niya ako tinatawagan lagi? Tinabe ko na lang muna yung pagkain ko at tumingin tingin na lang muna sa paligid.
"Hi miss.. Bakit ka nandito?"
"Ah? Hello.. Wala lang.. Kinukulit kasi nila ako eh.."
"Kinukulit? Bakit naman?
"Kasi tuwing gabi may tumatawag sakin.. Billy daw.. Tapos kanina nalaman ko, siya daw pala ang pinagkakaguluhan dito sa school.. Sino kaya yun? Nacurious tuloy ako bigla.. Kilala mo na siya?"
"Hindi eh.. Pero I'm sure.. Kilalang kilala ka na niya.."
"Ha?? Paano mo naman nasabi??"
"Bye, Jane.."
Di niya sinagot yung tanong ko at bigla na lang--- Teka.. Kilala niya ako?!?! Bakit?!?! Di kaya..
"Ui! Wait lang!"
Sinubukan ko siyang habulin pero di ko na siya naabutan. Sino kaya siya? At tsaka bakit niya kaya ako kilala?
Bumalik na lang ako sa klase namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi na ako nakakapag-focus sa lessons namin eh. Nagulat kasi talaga ako.
Nung uwian, tumingin-tingin ako sa paligid. Teka.. Ayun!
"Ui! Excuse me! Can I talk to you?"
Naabutan ko rin siya sa wakas. Hinila ko siya papuntang garden kung saan kami nag-usap kanina.
"Naalala ko lang kanina.. Tinawag mo ako sa pangalan ko.. Why? Bakit mo ako kilala? Eh ikaw, kanina lang kita nakilala.."
"Wala lang.. I just know you.. That's all.."
"Ikaw ba si--"
Naputol yung sasabihin ko ng may biglang sumigaw sa gilid.
"BILLY!!!"
"Ikaw nga!!"
"OO, ako na nga yon. Tara! Takbo!"
Tumakbo kami palayo dun sa babae. Kasi dumadami na sila eh. Nagpunta kami sa may locker area ng school kung saan walang tao.
"Bakit? Bakit mo ako tinatawagan lagi?"
"Kasi ganito yun.. When I first saw you, parang tinamaan agad ako sayo.. Di ko nga alam kung bakit sa dinami dami ng nagkakandarapa sakin, ikaw pa na walang gusto sakin ang nagustuhan ko.. Gusto kita Jane.. Gusto kita.."
Ano raw? Ako? Gusto niya? Di ko alam pero parang nakiliti yung puso ko nung sinabe niya yun sakin. Para bang tuwang tuwa ito sa nangyayari.
"Pero.. Bakit nga ako pa??"
"Gusto kita, sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga
Pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang isip at damdamin ko
Gusto kita, pagka't ang kilos mo'y sadyang ibang iba
Mahinhin at malambing pa
Katangian di mo sadya
Pag-ibig kong ito'y hindi na magbabago pa
Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo ako'y iyong iyo
Kung pag-ibig lang ang pag-uuspan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sayo
Sa akin ay gusto kita.."
Natuwa ako. And in an instant, that day started something new.
*END!!!*
-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
Thanks sa mga nagbasa!
All rights reserved 2012
BINABASA MO ANG
Gusto Kita.. <3
Short StoryHere's Jane. Isang tipikal na babae na nagustuhan ng isang lalaking pinagkakaguluhan ng maraming babae. Kung sino yung lalaking yun at kung paano nagtagpo ang landas nila? Pakibasa na lang po. :)